1 week
Alliyah's PoVIsang linggo ang nakalipas at patuloy pa rin ang panliligaw ni cliff sa akin. Nung makalawa may nangyari na naman na di ko inaasahan. Parang dati hindi naman ganito nangyayare sa akin ha?
Flashback
Naglalakad na ako papuntang room ngayon. Hindi kami nagsabay ngayon ni cliff. Si zyrus naman nagtext na hindi siya papasok. Affected pa rin siguro siya. Paakyat na sana ako ng hagdan ng may humawak sa kamay ko.
"Alliyah, we need to talk." Hindi pa ako nakakasagot ay hinila na agad ako nito papuntang likod ng stage. Umupo siya sa sahig at sumandal sa pader.
"Anong pag uusapan natin?" Tanong ko habang naglakad palapit sa kanya. Umupo ako sa tabi niya at sumandal rin sa may pader. Ngayon na lang ulit ako nakapunta sa favorite tambayan ko. Tinignan ko ang wrist watch ko. 5:00am? Seriously ganito ako kaaga? Hindi ko pansin yun.
"Hindi ko alam kung ano 'tong nararamdaman ko kapag kasama kita. Sumasaya ako. Yung sayang hindi ko pa nararanasan sa buong buhay ko. Yung sayang parang napunan na ang kulang sa akin. Yung sayang nararamdaman ko kapag kasama kita." Huh? Hindi ko siya maintindihan.
"Huh?" Tanong ko. Naguguluhan talaga ako eh. Tumingin ako sa kanya. Nakangiti siya habang nakapikit. Papasa ng baliw eh.
"Naiinis ako kapag nakikita kitang kasama mo si cliff or zyrus. Gustong gusto kong sugurin sila at bigyan ng tig iisang suntok pero hindi ko magawa dahil bawas pogi points yun." Pogi points? Pansin ko lang rin. This past few days nagiging slow na ako. Anyare?
"Ngayon nga lang ako nagkalakas ng loob para sabihin sa'yo 'to eh." Pagpapatuloy niya. Dumilat siya at umayos ng upo. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko at tumingin straight into my eyes.
BINABASA MO ANG
Stay With Me
Fanfiction"Hindi ko naman siya gustong iwan e. Sadyang kailangan lang talaga." -Alliyah "Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan. Hindi mo ako ipagpapalit sa anomang bagay." -Cliff Magkatuluyan kaya sila hanggang sa huli? O magbabago na ang lahat dahil sa ginaw...