Nilapag niya yung cellphone sa may table niya. Nakatapat yung flashlight sa kisame para magkaroon ng chance na makita namin ang isa't isa. Tumingin ako sa kanya at halatang halata na sobrang seryoso niya.
Tumingin siya sa akin na naging dahilan ng pag iwas ko. Tumingin na lang ako sa may sapatos ko na pinagdidikit yung dulo.
"Alliyah..." napatigil ako sa pagdidikit ng sapatos ko ng magsalita siya. Sapat lang para marinig ko.
"Hmm?" Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya dahil alam kong nakatingin pa rin siya.
"I'm... i'm sorry." Napatawa ako ng bahagya sa sinabi niya. Sorry?
"Sorry? Yun lang ba sasabihin mo?" Tanong ko sa kanya. This time, nakatingin na ako sa kanya. Nagtititigan lang kami.
"Sorry dahil sinabihan kita ng... ano.." hindi ko na siya pinatapos at ako na ang nagsalita.
"Malandi? Okay lang yun. Kahit ikaw ang unang nagsabi nun. Okay lang talaga." Sabi ko. Kumunot naman yung noo niya. Note the sarcasm kaya ganun.
"I'm sorry. Sorry—" sinamaan ko siya ng tingin bago niya pa matapos yung sasabihin niya.
"Sorry? Lagi na lang sorry! Ang sorry ginagamit para hindi na ulitin hindi para ulit ulitin. Ilang beses mo na akong nasaktan. Simula first day of school, hindi ko alam kung anong nagawa ko sa'yo para ipahiya mo ako ng ganun. At hindi ka pa nadala dahil dinamay mo pa yung magulang ko! Hindi ko alam kung may atraso ba ako sa'yo o kung ano! Ayoko na. Alam mo, imbes na sasagutin na kita kahapon nawala pa. Ba't kasi hindi mo muna ako hinayaang mag explain bago mo ako sabihan ng malandi! Ikaw, ikaw ang unang nagsabi sa akin nun. Kahit parents ko hindi nila ako nasabihan nun!" Sigaw ko sa kanya and with that, nagsimula ng tumulo yung luha kong kanina ko pa pinipigilan.
"N-nabigla lang ka—" hindi ko na ulit siya pinatapos. Hinampas ko yung armchair ng kamay ko.
"Nabigla?! Lintek! Sino ba kasing kumuha ng mga litrato na yan? Sino bang pinaniniwalaan mo? Yung kumuha ng pictures o ako? Sa ginawa mo, nakita ko na hindi mo ako mahal. Nakita ko na hindi pa tayo, wala ka ng tiwala sa akin! Sayang cliff, sayang. Sayang yung pagmamahal na dapat sasabihin at ipaparamdam ko na sa'yo." Sabi ko ng iiling iling.
Sinubsob ko yung ulo ko sa armchair saka umiyak ng umiyak. Ganoon na ba ako kasama para hindi magpatawad? Narinig ko ang pag usog ng upuan niya sa may tabi ko hanggang sa naramdaman ko na may humahagod sa likod ko. Pinilit kong tanggalin yung kamay niya.
"Don't touch me! Alam kong allergic ka sa malalandi!" Sigaw ko sa kanya. Maya maya naramdaman ko na lang siya na nakayakap sa akin.
"Get off me!" Sigaw ko habang patuloy sa paghampas sa dibdib niya at patuloy sa pag iyak.
"Shh, sige lang. Saktan mo lang ako. Suntukin mo ako. Sampalin mo ako. Tadyakan mo ako. Lahat gawin mo sa akin. Lahat ng pananakit. But please, please alliyah. Forgive me! I know that it hurts you. Pero sana give me another chance. Please, alliyah." Palakas ng palakas yung iyak ko habang pahina ng pahina naman ang pagsuntok ko kay cliff hanggang I found myself hugging him back.
"Shh, everything will be okay. I'm very sorry." Patuloy pa rin siya sa paghagod sa likod ko. Basa na rin ang polo shirt niya dahil sa luha ko.
"Ganoon ba ako kasama, cliff?" Out of nowhere yan lang ang naitanong ko.
"No, no! You're not. Ako yun. Ako ang may kasalanan. If I only let you explain hindi tayo magkakaganito. Stop crying, please. I hate seeing you crying." Naramdaman ko ang paghalik niya sa may buhok ko.
BINABASA MO ANG
Stay With Me
Fanfiction"Hindi ko naman siya gustong iwan e. Sadyang kailangan lang talaga." -Alliyah "Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan. Hindi mo ako ipagpapalit sa anomang bagay." -Cliff Magkatuluyan kaya sila hanggang sa huli? O magbabago na ang lahat dahil sa ginaw...