Argh! Nakakabwisit. Sa lahat ng pwedeng mabunggo ba't siya pa.
"Nag uusap na tayo." Pambabara ko.
Ang sakit talaga! Nilahadan niya ako ng kamay. Tss.
"No need. Kaya kong tumayo." Pinilit ko tumayo pero nanangalahati pa lang ako ng mapaupo ulit ako.
Another aruyy! Nagulat naman ako sa sunod na ginawa nitong lalaki na 'to.
Binuhat niya ako ng pa bridal style ako naman todo padyak. Eh sa ayaw ko magpabuhat eh.
"Ano ba? Sabing kaya ko eh! Bitawan mo nga ako!" Sigaw ko sa kanya pero para lang siyang walang narinig.
Yung iba nakatingin sa amin with bulungan pa? Pero parang hindi naman bulong sa kanila yun. Sabi nga nung iba.
"Ang swerte nung girl kaso masyadong maarte. Ayaw pa magpabuhat eh." Aba magpalit kaya tayo. Dapat ikaw na lang dito. Kung makapagsalita kala mo naman.
Iniupo niya ako sa may upuan at tumabi siya sa akin. Hindi ko pa rin siya pinapansin.
Pagkatapos ng kahihiyan na ginawa niya sa tingin niya papansinin ko pa siya. No way!
Nakatingin ako sa kabilang side ko kung saan hindi ko siya nakikita. Ba't kasi ang tagal ni kuya eh. Akala ko ba malapit lang yun?
Ba't kasi pinababa pa ako nung nagpark siya mamaya niloko lang ako nun. Kunyari malapit pero yung totoo nasa kaduluhan -_-"
"Alli.." kapal naman nito.
Feeling nito. Fc masyado feel na feel yung alli hindi ko naman siya friend. Manigas ka diyan. Kausapin mo yang hangin!
"Hey! Makinig ka naman." Ibang iba na 'to ha. Mahinahon siyang magsalita. Nagbago ang ih--
"ALLIYAH! MAKINIG KA NAMAN!" Wth?
Tumingin ako sa kanya at yun nakatayo siya dun habang nakatingin sa akin.
Tumingin ako sa paligid at nakuha niya NAMIN rather yung atensyon ng mga tao.
"Hoy Cliff! Ano ba sa tingin mo yang ginagawa mo?"
"Ayaw mo kasing makinig eh." Umupo ulit siya sa tabi ko.
"Ano ba kasing sasabihin mo? Dali na. Spill it." Kakabanas naman 'tong lalaking 'to.
"Mag usap naman tayo."
"Ano ba sa tingin mo yung ginagawa natin? Diba nag uusap na tayo?" Tanong ko.
"I mean, tayo lang dalawa." Sagot niya then yumuko.
"Hindi ako pwede ngayon may kasama ako. Kung gusto mo bukas 5pm. Dun sa may playground malapit sa subdivision namin. Ano? Take it or leave it?" Masungit kong tanong .
Syempre kailangan yun hindi ganung kadali at tuwing naaalala ko yung sinabi niya tungkol sa ma.. ARGH! Ayoko ng isipin.
Tumingin naman siya sa akin at nagsmile. NAGSMILE?! Sarap kumanta ng 'for the first time on forever' isang Cliff na masungit, mayabang ang ngingiti? Unbelievable!
"Sige i'll take it. Bye! See you tomorrow." Pagpapaalam niya then umalis na siya.
Anong nakain nun? O baka naman pakitang tao lang? Tss.
"Alliyah!" Tumingin ako sa pinanggalingan ng sigaw. Shemay! Si kuya nakalimutan ko.
"Hoy ! Kanina pa ako hanap ng hanap sa'yo nandito ka lang pala. Ano bang ginagawa mo dito? Sabi ko diba dun ka lang sa may tapat ng jewelry shop? Muntikan na nga akong magreport sa pulis eh." Sabi niya habang hingal na hingal.
BINABASA MO ANG
Stay With Me
Fanfiction"Hindi ko naman siya gustong iwan e. Sadyang kailangan lang talaga." -Alliyah "Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan. Hindi mo ako ipagpapalit sa anomang bagay." -Cliff Magkatuluyan kaya sila hanggang sa huli? O magbabago na ang lahat dahil sa ginaw...