Friends?

290 15 0
                                    

4:30 pm

Hanggang ngayon nagdadalawang isip pa ako kung pupunta ba ako o hindi. Pano kapag pinapunta niya lang ako dun wala naman siya? Hindi ko kasi mabasa yun eh. Si Cliff minsan mabait, madalas masungit. Ano ba? Pupunta ba ako? Wahh! Ayoko na. Hindi na lang ako pupunta and that's final.

Nandito lang ako sa kwarto walang magawa. Maglaptop kaya ako? Ano namang gagawin ko dun? Wala kasi akong kakulitan ngayon eh. Wala si kuya may inaasikaso daw siya kaya ako lang nandito sa bahay bukas pa daw siya ng hapon uuwi. Uwahhh! Nakakatakot pa naman dito. Nanuod na lang ako ng tv at sakto spongebob yung palabas. Buti na lang!

1 hour

Pagkatapos ng spongebob back to normal. Wala na namang magawa. Napag isipan kong pumunta na lang kay zyrus tagal ko na ring hindi nakikita sila tita. Miss ko na sila.

Kumuha na ako ng payong at jacket. Pano kasi umulan pa ang lamig tuloy. Lumabas na ako ng bahay at nilock ang pinto. Binuksan ko na yung payong at nagsimulang maglakad.

Wushhh!

Brr! Ang lamig dapat pala hindi na ako lumabas. Malapit lang yung bahay nila Zyrus sa playground kaya eto madadaanan ko na yung playground.

May nakita akong lalaking nakaupo sa may bench at basang basa. Tanga naman ng lalaking 'to anlakas lakas ng ulan hindi man lang sumilong. Ano 'to nagsesenti?

Hindi ko siya mamukhaan dahil na rin sa nakatungo siya at nakaharang pa yung buhok niya. Lumapit na lang ako dun at ng nasa tapat niya na ako kinausap ko siya.

"Kuya, nagsesenti ka ba? Ang lamig lamig nandito ka pa!  Anong ginagawa niyo dito?" Sunod sunod kong tanong. Concern lang kasi ako.

"A-ah w-wala m-may hinihintay l-lang a-ako." Nangangatal niyang sagot.

Eh sa sobrang lamig ba naman sinong hindi mangangatal? Dahan dahan siyang tumingala at tumingin sa akin. Gosh!

"Cliff?" shocks!

"L-late k-ka n-na h-ha. U-usapan 5 pm pero 5:30 k-ka n-na dumating." Unexpected 'to.

Kala ko nagbibiro lang siya nung time na yun. Kala ko pakitang tao lang siya. Singhot siya ng singhot at umuubo ubo pa. Kasalanan mo 'to alliyah. Anong gagawin ko?

"Halika nga. Dun tayo sa bahay hindi ka man lang sumilong." Tinulungan ko siyang makatayo.

Ang bigat niya lang -_- well magtiis ka alliyah kasalanan mo 'to. Pinaghintay mo siya. Hinang hina talaga siya at ramdam kong mainit na siya.

Binilisan ko yung lakad at buti na lang kaya niya pa hanggang sa makarating kami sa bahay.

Binuksan ko agad yung pinto at inalalayan siya sa may upuan na monoblock. Basang basa siya alangan namang paupuin ko siya sa sofa edi nabasa yun.

Umakyat agad ako sa taas at kumuba ng towel pagkababa ko nanginginig talaga siya.

"Eto oh." Abot ko sa kanya.

Agad agad niyang kinuha ito at binalot sa katawan niya. Pumunta naman ako sa kusina para magkanaw ng hot chocolate tapos dinala ko sa kanya to.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon