The Who?

361 18 0
                                    

Room

Nandito na kami ngayon ni Zy sa room. Meron pa kaming time para magbreak or kung anong gusto naming gawin pero dahil nabored kami sa labas pumunta na lang kami dito.

Kala namin hindi kami mabobored pero waepek!

Kasalukuyan akong nakatungo sa may armchair ko sa sobrang bored -_- si Zy naman ewan ko kung anong ginagawa nun. Basta ako matutulog muna ak--

"Alliyah.." napatingin agad ako sa pinanggalingan ng salita. Si Zy pala.

Masyado naman siyang seryoso. Ganyan kasi yan once na binanggit niyan buong pangalan mo seryoso na yan.

"Ahm, bakit?" Tanong ko.

"Ba't ka ba binubully ng mga classmates mo?" Okay? Anong sasabihin ko?

"Ah..eh..kasi..a-ano ng--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko.

"Please, be honest." Napaka seryoso naman nito. Atsaka ano namang pake niya kung binubully ako?

"Dahil nga daw kasi sa nerd daw ako." Yun lagi yung sinasabi nila.

Dahil rin dito sa malaking salamin DAW? Pag may salamin nerd agad? Hindi ba pwedeng malabo lang yung mata? So, kapag may nakasalamin nerd agad? Tss.

Isa pa yung lagi daw akong nagbabasa ng libro. Yung totoo? Hindi ba pwedeng nag aaral lang ng mabuti? Eh ano bang ginagawa ng libro stock lang sa library?

"Dahil lang dun binubully ka na nila?" Tanong niya. Dahan dahan naman akong tumango.

"Alli, may bibigay ako sa'yo sana naman gamitin mo. Please! Kasi ayaw ko ulit makitang binubully ang... mahal ko." Lagi naman akong naglilinis ng tainga pero bakit hindi ko narinig yung dulo? O baka naman sadyang hininaan niya yun.

"Anong sabi mo?" Wala eh. Gusto ko talagang malaman eh ^_^

"A-ah wala. Oo w-wala yun. Eto oh. Gamitin mo yan ha?" Kinuha niya yung hindi ganung kaliit na box galing sa bag niya at binigay sa akin. Pinagmasdan ko lang ito. Ano kaya 'to?

"Zy, ano 'to?" Ayoko kasing buksan dito eh kaya tinanong ko na lang. Hehehe!

"Contact lens para hindi ka na magsalamin ng ganyan na nagiging dahil ng pambubully sa'yo." Huh? Contact lens? Bakit naman siya magbibi-- ay oo nga pala para hindi na ako mabully -_-

"Salamat ha pero dapat hindi ka na bumili nito." Binalik ko na yung tingin ko sa kanya at nagkatama yung mata namin.

Ang ganda ng mga mata niya. Ba't ngayon ko lang napansin 'to? Sa dinami rami ng taon na magkasama kami nung bata hindi ko 'to napansin.

"Okay lang sa akin yun. Hindi mo ba nagustuhan?" Tanong niya habang titig na titig pa rin siya. Umiwas na lang ako at yumuko.

"Syempre nagustuhan ko! Thank you ulit ha?" Tumingin ako ulit sa kanya pero hindi pa rin siya umiiwas ng tingin.

Tumango siya sa akin at nagsmile. Killer smile? Wahh! Nginitian ko na lang rin siya.

Maya maya dumating na yung teacher namin. Well, hindi ko napapansin yung mga kaklase ko kanina masyado kasing seryoso eh. Kala ko naman kung ano na. Umayos na kami ng upo.

Dismissal

Uwian na namin! As usual kami na lang ulit ni Zy yung natitira dito. Inaayos ko na yung gamit ko.

"Alli, sabay na tayo." Tumingin ako kay Zy at tumango.

Sinukbit ko na yung bag ko at lumabas na ng room. Lakad lang kami ng lakad ni Zy antahimik >_< hanggang sa nakarating na kami sa may sakayan ng jeep wala pa ring gustong magsalita.

Nakakita na ako ng jeep na walang masyadong sakay kaya pumara na ako. Naglakad na ako papuntang jeep. Hindi na ako nagpaalam. Na aawkward-an ako eh.

Dire diretso lang ako hanggang sa loob at umupo na ako sa jeep. Kumukuha na ako ngayon ng pambayad.

"Eto na yung bayad natin."

"Ay kalabaw!" Kulang na lang maitapon ko yung bag ko sa sobrang gulat.

Tumingin ako sa kanya at si Zy kasabay ko? Ba't naman siya nagcommute? Ang alam ko may sasakyan sila eh. Mayaman yan eh kaya nga lang dito siya nag aral. Ayaw niya daw kasi sa private. Parang ako lang noh? Hehehe.

"Oh, bakit gulat na gulat ka? Yan kasi hindi man lang lumilingon. Ni hindi ka pa nga nagpaalam eh. Grabe ka naman." Sabi niya wearing his pout. Sheyt! Wag kang gumanyan. Oh tukso, layuan mo ako! Nyehehe!

"Sorry na. Ang tahimik lang kasi natin kanina. Teka, ba't ka nga pala nagcommute? Diba may sasakyan kayo?" Tanong ko.

"Ayoko. Gusto ko lang magcommute atsaka magkalapit lang tayo ng bahay kaya sabay na tayo lagi." Sagot niya sabay abot ng bayad namin sa driver.

Malapit lang yung bahay namin. Kung kanina sa tricycle ako ngayong uwian jeep naman.mehehee! Maya maya nag 'para' na kami ni Zy at bumaba.

Naglakad na ulit na kami papasok ng subdivision. Parehas lang naman pala kami.

"So alli, sabay na tayo lagi ha?" Tanong niya.

Tumingin ako sa kanya at tumango. Maya maya nakarating na kami sa tapat ng bahay namin.

"Ahm Zy, thank you ha. Pakamusta na lang ako kay tita at tito." Ngumiti siya sa akin at tumango.

Mas ikinagulat ko yung sunod niyang ginawa. Niyakap niya ako. Hindi lang yung simple, mahigpit yung pagkakayakap niya na parang ayaw niya akong pakawalan.

Wala na akong nagawa kaya niyakap ko na rin siya.

"Grabe, namiss ko 'to alli, namiss ko yung yakap mo. Super namiss kita. Sana hindi na tayo magkahiwalay ulit." Bulong niya sa akin.

Hindi pa rin nawawala yung higpit ng yakap niya.

"Miss rin kita. Super duper miss kita. Hindi na tayo magkakahiwalay." Sabi ko at kumalas na sa yakap.

Ngumiti lang siya sa akin yung ngiting kala mo wala ng bukas.

"Sige. Bukas dadaanan kita dito ha. Minsan bibisita rin ako sa inyo. Bye!" Pagpapaalam niya.

"Sige bye na rin! Ingat ka." Sabi ko sabay ngiti sa kanya.

Tumalikod na siya at nagsimulang maglakad.

Binuksan ko naman yung gate at pumasok. Napatingin ako sa garahe namin. Ba't dalawa yung kotse? Isa lang 'to eh. Oo may kotse kami, isa lang. Ginagamit namin yun kapag may mga pupuntahan kaming party para sa business. Ayaw ipagamit ni kuya 'to sa panghatid sa akin kaya nga gusto niya na nga lang ng bago e. Napakagastos talaga. Yung isang kotse parang ngayon ko lang nakita.

Well, baka may bisita. Nagkibit balikat na lang ako at pumasok na sa loob.

"Nay, nandito na po ako!" Napatingin ako sa may upuan sa sala may lalaki pero nakatalikod siya sa akin.

Lumapit ako dun sa may pinagkakaupuan niya.

"Ahm, sino po sila?" Nanlaki yung mata ko ng tumayo siya at humarap sa akin. OMG! Ba't siya nandito?

*******

Vote naman po kayo :) comment rin kayo kung pangit ba or kung ano. Bye!

Lovelots :*

Vote>>Comment>>Share

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon