Moved On

112 3 4
                                    

2 Years

Alliyah's PoV

Ang bilis ng pangyayari. Ang bilis ng oras. Ilang taon na kaming nandito sa States. Unti unti ko na ring natututuhan ang mga tungkol sa kumpanya. Second year college na rin ako taking business management. Ilang months na lang at lilipat na muli ako sa third year.

"Baby, tara na. Baka malate ka na." Si kuya rin ang naghahatid sundo sa akin minsan.

May mga nakilala na rin ako sa school. Actually, may bestfriend na rin ako bukod pa kay Zyrus. Magkasama na kami sa isang school. Magkaklase na rin. Tinulungan niya akong makapag adjust. Siya ang laging kasama ko.

"Sige po kuya." Hinanda ko na ang gamit ko.

Tumingin muna ulit ako sa salamin atsaka sumunod kay kuya.

"Oh Zyrus, good morning!" Napatingin ako kay kuya na nasa may pinto na. Napangiti ako. "Good morning din, bro." Napatingin siya sa pwesto ko at kumaway. "Hi Alli. Good morning!" Bati niya.

Lumapit ako sa kanila then I hugged Zyrus. Nakasanayan ko na rin naman kasi ito tuwing pumupunta siya dito. "Good morning, Zy." Sabi ko.

"So, ikaw na bahala kay Alliyah ah?" Tumango si Zy. Tumingin sa akin si kuya at niyakap ako. "Be a good girl. Wag makikipag away ah?" Napatawa ako ng bahagya. Yan ang lagi niyang sinasabi sa akin simula nung first year pa ako.

"Yes kuya, I will." I kissed him on his cheeks at nagpaalam na.

Lumabas na kami ng bahay. Zy lead the way to where his car parked. Ewan ko ba diyan. Pinahihirapan ata ako.

Nang makita na namin ang kotse, he opened the door at passenger seat. I thanked him. Umikot siya at sumakay na rin.

"HELLO! MABUHAY!" Muntik ko ng mabato yung cellphone ko ng may sumigaw sa may likuran ko. "Walanghiya ka, Daine! Ginulat mo ako!" Daine Sales. Yan yung tinutukoy kong bestfriend kanina. She's gorgeous, sexy, kind, smart at halos lahat na ata ng magagandang katangian.

"Sorry, Alliyah. Masaya lang naman ulit ako na nakasama kita." Napatawa ako sa sinabi niya. "Seryoso ka? Kakakita lang natin kahapon ah." Nakita ko sa peripheral vision ko si Zy na iiling iling. Sinimulan niya na ang pagmamaneho dahil malayo layo pa ang school namin.

"Ano ba yan! Imbes na sabihin mong namimiss mo rin ako kung ano ano pa sinasabi mo. Tampo na ako." Sabi niya sabay pout. Kinurot ko ang pisngi niya. "I missed you too! Ang cute cute mo talaga!" Iniwas niya na ang mukha niya at himas himas ang pisngi niya.

"Ang sakit ah! Grabe ka talaga sa akin. Yan pa rin ba ang epekto ng hindi nakakamoved on?" Napatigil ako dahil sa sinabi niya. Napalunok ako ng tatlong beses. Hindi ko alam ang isasagot ko sa kanya. "Oh, i-i'm sorry. I didn't mean it. Sorry Alliyah." Umiling ako at ngumiti.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon