"Baby, napag isip isip ko lang na..."
"Kuya, no! Ayoko lumipat ng school. Please! Just for me." Ayoko na patapusin si kuya kasi for sure yun naman yung sasabihin niya.
Pero bakit kumunot yung noo niya.
"Anong pinagsasasabi mo?" Tanong niya.
"Eh, kasi baka papalipatin mo na ako ng school kasi nakita mo ako kaninang umiiyak." Nawala naman yung kunot ng noo niya at napalitan ng ngiti.
"Hindi kita papalipatin. Yan kasi inuunahan ako." Nye!? Okay? Pahiya -_-
"Ay, haha. Sorry kuya. Ano ba yung sasabihin mo?" Tanong ko. Hindi naman pala ako papalipatin eh. OA lang masyado.
"Wag na lang muna yun. Bakit ka nga pala umiiyak kanina ?"
"Kasi po kanina... " kinwento ko na kay kuya lahat ng nangyari.
Well, nagalit siya kasi sino ba namang anak ang hindi magagalit kung pagsasabihan yung magulang mo ng ganun ?
"Aba, napakasama naman ng ugali ng lalaking yun ! Gusto mo puntahan ko bukas ng mapagsabihan ?" Ganyan siya pag galit talaga.
"No need, kuya. I can handle it. Siguro naman he'll feel guilty. Ako na pong bahala." Ngumiti naman si kuya sa akin at niyakap ako so I hug him back.
"Alam mo napakaswerte ko at nagkaroon ako ng kapatid na mabait,maganda,matalino at mapagmahal." Napahiwalay naman agad ako sa yakap at hinampas siya ng mahina sa braso.
"Kuya naman. Okay na sana eh kaso sinamahan pa ng maganda. Umaatake na naman yung sakit mo. " then, tumalikod ako at nagcross arm.
"Well, sorry baby pero hindi talaga ako nagbibiro. Hahaha! Just accept the truth that you're beautiful. Nagtatampo ka na naman. Tara magbonding naman tayo." BONDING?
Napangiti naman agad ako sa sinabi ni kuya. Humarap ako sa kanya at ngumiti ng malapad.
"Talaga kuya? Magbabonding tayo?" Tumango naman si kuya.
"Waaaa! Magbihis ka na po. Dalian mo kuya ha." tumayo naman agad ako at tumakbo sa kwarto ko para magbihis.
Syempre minsan lang yan mag aya kaya gora lang. Simple lang sinuot ko ngayon. Alam niyo na... hindi ako mahilig sa mga BONGGANG damit -_-" nagdoll shoes lang rin ako. Hindi na rin ako nagmake up. Tss hindi naman kailangan yun eh.
BINABASA MO ANG
Stay With Me
Fanfiction"Hindi ko naman siya gustong iwan e. Sadyang kailangan lang talaga." -Alliyah "Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan. Hindi mo ako ipagpapalit sa anomang bagay." -Cliff Magkatuluyan kaya sila hanggang sa huli? O magbabago na ang lahat dahil sa ginaw...