Hinala

131 6 2
                                    

"Oh, ayan na ang love birds. Hahaha!" Sinamaan ko ng tingin si kuya saka umupo sa tabi niya.

"Sapakin kaya kita, kuya." Bulong ko sa kanya. Napatawa siya ng bahagya saka lumayo ng kaunti sa akin.

"Kalma baby." Tumingin siya kay Cliff atsaka ngumiti.

"Napakabrutal pala nitong girlfriend mo noh? Pfft!" Tanong niya kay Cliff habang nagpipigil ng tawa.

"Sobra po kuya." Sagot ni Cliff saka tumingin sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.

"Zyrus oh. Inaaway nila ako." Sumbong ko kay Zyrus na nasa may tapat namin at tahimik na nakikinig.

Tumingin siya sa akin saka ngumiti.

"Hoy, wag niyo ngang awayin si alli. Alam niyo namang sensitive yan e." Tumingin ako kay kuya at Cliff saka binehlatan ko sila. Hahaha!

Tumayo ako at lumapit kay Zyrus.

"Buti pa si Zyrus, kakampi ko." Umupo ako sa tabi niya saka pinatong yung ulo ko sa balikat niya.

"Hoy Cliff oh! Aba kilos kilos na. Hahaha!" Sumbong ni kuya kay Cliff. Hahaha! As if naman.

"Hindi yan kuya Carl, napag usapan na namin yan." Nakangiting sambit ni Cliff. Sabi sa inyo e.

"Aba himala, anong sinabi sa'yo ng girlfriend mo?" Tanong ni kuya. Tumingin sa kanya si Cliff saka ngumiti.

"It's a secret." Napatawa ako ng napanganga lang si kuya.

"Hahahaha! Ano ka kuya? Galing ko po noh?" Sabi ko saka nagthumbs up kay kuya. Pfft! Si Zy naman nagtatakha rin.

Flashback

Dito muna kami dumiretso ni Cliff sa kwarto ko para gamutin yung sugat niya.

"Tsk tsk! Ano ba yabs? Ba't kasi sinusuntok mo pa yung puno e." Sermon ko.

Pumunta ako sa banyo at kinuha yung first aid kit ko. Bumalik ako sa kama at umupo dun sa tabi niya.

"E kasi nadala lang ako ng selos ko." Sagot niya.

"Tsk! Wag mo ng ulitin 'to ha? Mahal naman kita e." Sabi ko sa kanya habang nilalabas ang mga gamit.

Tinanggal ko ang scarf na nakatali sa sugat niya. Kumuha ako ng bulak at nilagyan yun ng alcohol. Ipupunas ko na sana yung bulak na may alcohol ng higitin niya pabalik yung kamay niya.

"Seriously? Ang sakit kaya niyan!" Reklamo niya. Pfft!

"Hahahahahahahahahahaha!" Takte! Si Cliff hahahaha!

"Anong nakakatawa? Masakit naman talaga yun e!" Sumbat niya ulit sa akin.

Tumigil muna ako sa kakatawa. Pinipigilan ko lang 'to. Pfft!

"E kasi kalalaki mong tao natatakot kang lagyan ng alcohol sugat mo? Pfft! Nagmumukha kang bakla!" Asar ko sa kanya.

Nagulat ako ng bigla niyang ibigay sa akin yung kamay niya. Common sense ha. Pfft!

"Ayan na! Lagyan mo na." Pfft! Nang ipupunas ko na yung bulak nakatingin ako sa kanya at...

"Bwahahahahahahahahahahahaha!" Ang epic! Hahaha. Kung may cellphone lang sana ako dapat kinuhaan ko na siya. Hahaha!

"Ano na naman ba?" Naiirita niyang tanong.

"E kasi pfft ang epic ng mukha mo! Hahahahahahahahahaha." Di ako makaget over, promise!

"E hindi naman ako magkakaganito kung hindi dahil sa inyo ni Zyrus e." Napatigil ako sa pagtawa dahil sa sinagot ni Cliff.

Natahimik ako dun. Kumuha na lang ako ng isa pang cotton ball saka nilagyancng betadine.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon