Date [2/2]

108 2 0
                                    

Alliyah's outfit at the media

*****

Cliff's PoV

"Where do you want to go first?" Tuluyan ko ng pinark ang kotse saka pinatay ang engine.

"Kain muna tayo." Tumingin siya sa akin saka ngumiti.

I smiled bago lumabas at umikot sa kabila para pagbuksan si Babs ng pinto.

"Thanks." Sinara ko ang pinto saka nilock muna ito bago umakbay sa kanya.

"Tara na, babs." ngumiti lang siya sa akin saka tumango.

*****

"Ayoko diyan. Gusto ko lang sa jollibee. Gusto ko sa fastfood chain kaysa sa mga mamahaling restaurant." Hindi pa kami nakakapasok ng restaurant ng magreklamo na agad si babs.

"Ha? Bakit naman?"

"Hmm.. Wala lang. Ayaw mo ba sa jollibee?" Tanong niya.

"Hindi naman pero gusto ko kasing dalhin ang pinakamamahal kong babae dito." Sagot ko.

"Bakit, pag sa jollibee ba tayo pumunta ibig sabihin hindi mo ako mahal?" Nanlaki yung mata ko sa sinabi niya.

"What? Anong sinasabi mo?" Tanong ko agad. Naguguluhan ako sa kanya.

"Ahm, nevermind. Dito na lang tayo." Nauna na siyang pumasok sa loob ng restaurant kaya sumunod na lang ako.

"Table for two." Sabi ko agad sa staff na sumalubong sa amin.

"This way, please." Sumunod kami sa staff hanggang sa makarating kami sa table namin.

Hinilahan ko ng upuan si babs.

"Thanks, such a gentleman." Ngumiti lang ako sa kanya saka umupo sa may harap niya.

"What do you want?" Tanong ko habang iniscan pa yung menu ko.

"Steak would do." Tumango ako saka nilapag ang menu at tumawag ng waiter.

"2 steaks." Simpleng sagot ko habang nakatingin sa hindi mapakaling si babs.

"Drinks?"

"Wine would do." Anong nangyayare dito kay babs? Argh! Curiousity kills me!

"How about desserts?" Umiling lang ako.

Inulit ng waiter ang order namin bago umalis.

"Babs, any problem?" Pero hindi pa rin siya tumitingin kaya nag snap ako sa may harap ng mukha niya.

"Hey!"

"Ahm, b-bakit? May t-tinatanong ka ba?" Inayos ko ang upo ko saka tumingin ng diretso sa kanya.

"Is there a problem? You can tell it to me." Umiwas siya ng tingin saka umiling.

"Ah, wala. Wala akong problema."

"E ba't hindi ka makatingin sa akin?" Tanong ko sa kanya.

Ilang minuto ang nakalipas bago siya sumagot.

"Ahm, kasi... iniisip ko lang---"

"Here's your order." Sabay kaming napatingin sa waiter na nilalagay na yung dalawang steak.

Nilagyan rin ng wine ang baso namin saka umalis.

"Lets eat."

Nasa kalagitnaan na kami bg pagkain ng maalala ko yung kanina.

"Ahm babs? Ano nga pala yung kanina?" Napatigil si babs sa paghiwa ng karne niya pero dun pa rin siya nakatingin.

"Yung kanina?" Unti unti niyang inangat ang ulo niya hanggang sa magtama ang mga tingin namin.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon