Hard to say

164 5 0
                                    

Cliff's PoV

Pansin ko na ang lungkot lagi ni babs. Hindi siya tulad ng mga nakaraang araw na kapag magkasama kami makikita mo talaga ang saya sa mga mata niya, di tulad ngayon na kahit ngumiti siya lungkot na ang nakikita ko sa mga mata niya.

Nasa hapag kainan kami ngayon. Nangangalahati na ako sa pagkain ko siya halos hindi pa nagagalaw yung pagkain.

"Babs, hindi mo pa nagagalaw yang pagkain mo. Hindi ka ba nagugutom? Ano ba talagang problema?" tanong ko. Nag aalala na kasi talaga ako sa kanya.

Tumingin lang siya sa akin at nagsmile. Let me rephrase, nag FAKE SMILE pala. Iba na talaga siya.

"Wala lang akong gana. Akyat na muna ako." Sabi niya saka tumayo at tinungo ang hagdan.

Hayy! Ano bang nangyayare kay babs? Nararamdaman ko talagang may problema siya. Iba kasi ang kinikilos niya.

Tinapos ko na ang pagkain ko, nilagay ko ang plato ko sa lababo at tinakpan ang naiwang pagkain ni babs. Bumalik ulit ako sa may lababo para hugasan ang pinagkainan ko.

Pagkatapos kong maghugas ay umakyat ako sa kwarto para tignan si babs.

Nasa may pinto pa lang ako ay rinig na rinig ko na ang paghikbi niya.

Agad agad akong pumasok at yun, nakita ko siyang nakaupo sa may dulo ng kama niya habang yakap yakap ang binigay ko sa kanyang teddy bear.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya.

Nanlaki ang mata niya ng makita niya ako kaya dali dali niyang pinunasan ang luha niya.

"Nakita ko ng umiyak ka. Ilabas mo lang yan." Sabi ko at niyakap siya ng patagilid.

Hinagod ko ang braso niya para tumahan naman siya.

"Y-yabs." Pagkasabi niya nun ay humagulgol na naman siya.

Sa pagkakataong ito ay nasasaktan na rin ako. Ikaw ba naman makita ang tao mong mahal na umiiyak sinong hindi masasaktan?

"Ano bang problema, babs? Nandito ako hindi lang bilang boyfriend mo, nandito rin ako bilang bestfriend at sandalan mo kung may problema ka. Just please, tell it to me." Pagmamakaawa ko na rin sa kanya.

Humiwalay siya sa yakap ko at pinunasan ang mga luha niya. Tumingin siya sa akin at nagsmile. Hanggang kailan ba siya magpapakitang masaya siya?

"Okay lang. Wala talaga akong problema." Napanganga ako sa sinabi niya.

Walang problema? Naiyak na siya wala pa ring problema?

"Bakit ba ayaw mo sabihin? Nasasaktan ako, di mo ba alam yun? Kada luhang natulo galing sa mga mata mo e parang sinaksak na rin ako sa puso!" Medyo napasigaw na ako kasi naiinis na ako, hindi sa kaniya kundi sa sarili ko. Parang hindi ako perfect boyfriend sa kanya.

Nagulat ako sa sumunod na nangyare, tumayo siya saka tumingin sa akin.

"Kasi mas masasaktan ka pa lalo kapag sinabi ko sa'yo at yun ang ayaw ko." Nanghihina niyang sagot.

Napaupo siya sa sahig at dun umiyak ng umiyak.

"Hindi ko kayang sabihin sa'yo kasi natatakot ako na baka magalit ka sa akin. Natatakot ako na baka iwan mo ako kapag hindi ka nakapaghintay."

Nakapaghintay? Bakit?

"Panong nakapaghintay? Anong sinasabi mo?" Naiiyak ko na ring tanong.

"P-pinapapunta na a-ako ni k-kuya sa states. D-dun ako m-mag aaral ng college." Napatingin ako sa malayo para hindi ko makita ang mga tumutulong luha galing sa mga mata niya.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon