Party

266 16 0
                                    

SATURDAY

Ngayon na yung party huhuhu. Gusto kong umatras pero sabi ni kuya bawal na daw. Buti na lang sanay na ako magsuot ng contact lens kaso yung dress and stilleto hindi ko keri! Mamayang 6pm daw yung party ngayon 4pm na. Waaaaaa! Kinakabahan na ako. Hindi ako sanay sa mga party party na yan.

Tinitignan ko ngayon yung dress na isusuot ko ngayon. Isang red dress na above the knee at sleeveless pa. Kili kili ko marereveal na. Yung stilleto naman 4 inch ang taas. Double kill 'to. Good luck na lang sa akin. Tapos sabi ni kuya magmake up daw ako. Aayaw sana ako kaso nga lang pag umayaw daw ako maghihire siya ng make up artist para yun ang gumawa kaya pumayag na lang ako. Uwaaaa! 5:15 daw kami aalis kaya pinagbibihis na ako. Well, nakaligo na naman ako kaya okay na kahit mga 4:45 ako magbihis. Mabilis lang naman ako kumilos di tulad ni kuya daig pa babae sa sobrang bagal -_- muntanga lang ako ditong nakatunganga sa may bintana ko. Wala akong magawa eh. Halos mapatalon naman ako ng biglang bumukas yung pinto.

"Baby, magbihis ka na. Mapapaaga tayo eh. 5 na daw tayo aalis so you better be ready okay?" Tumango na lang ako kay kuya at nagsmile.

Lumabas na naman si kuya at sinara ang pinto.

Okay? Napaaga pa another problem! Inumpisahan ko na ang paglalagay ng make up. Kahit hindi ako nag aaply nito sa mukha ko marunong rin naman ako. Blush on, eye liner, eye shadow and lipstick lang okay na. Next, kinuha ko na yung dress at for the last time tinitigan ko ulit to.

Lumunok muna ako bago ko ito tuluyang suotin. Okay lang naman sa akin. Fitted siya at kitang kita ang korte ng katawan ko. Sinuot ko naman yung stilleto ko. Sheez, antaas talaga.

Dahan dahan akong tumayo at inilakad ko ang paa ko. Since wala naman akong ginagawa nagpractice na lang akong maglakad ng nakaganito. Ilang minuto ang nakakalipas medyo naayos ko na yung paglalakad ko.

Tumingin ako sa salamin na kita ang buong katawan ko. Bagay naman sa akin hindi lang talaga ako sanay. Nakalugay lang yung buhok ko straight siya at sinide ko yung bangs ko. Nagdala rin ako ng bag binili rin 'to ni kuya. Now I'm ready.

Lumabas na ako ng kwarto ko at bumaba papuntang sala. Nakita ko si kuya dun na parang hinihintay ako. Napatingin naman agad siya sa gawi ko at napatayo. Lumapit siya sa akin at kita mo pa rin ang pagkamangha niya.

"Baby, you look... gorgeous! Bagay na bagay sa'yo." Inikutan naman ako ni kuya para i check ang bawat anggulo.

"Thank you po!" Pagpapasalamat ko kay kuya.

"Welcome. So, ready ka na ba?" Tumango naman ako kay kuya at nagsmile.

Kumapit naman ako sa braso ni kuya. Kahit nakaheels na ako ng ganito kataas mas matangkad pa rin si kuya? Asan ang hustisya? Inalalayan niya akong makapasok sa kotse. Pagkatapos umikot na siya sa kabilang side ko. May driver kasi kaya ayun magkatabi kami sa likod. Buong biyahe antahimik hindi ko nga alam kung bakit eh.

30 Minutes

Medyo malayo pala 'to kaya maaga kaming umalis ni kuya. Nandito na kami sa gaganapan ng party. Sa Fernwood. Para ka lang nasa garden pero bonggang bongga 'to. Kumapit na ako sa braso ni kuya at lumakad na papasok.

"Good evening ma'am and sir. Name please?" Tanong nung assistant.

"Ahm, Carl and Alliyah Charles."

"Ahm, this way." Then in-assist kami papuntang table namin. Pagkadating namin doon.

Umupo na muna ako dahil ang hirap kaya maglakad ng nakaheels. Si kuya na kaupo rin pero minsan may kinakamayan siya. Pinapakilala pa nga ako eh.

"Good evening everyone!" Napatingin naman agad kami sa may stage. Nag good evening rin naman sila.

"So, this evening we will know who will be the next person who will manage the Charles Group of Company and Smith corporation here in Philippines. But meanwhile, let us eat first." Then nagstart ulit yung music. Nagsitayuan na yung ibang tao para siguro kumuha ng pagkain. Ikaw kasi mismo kukuha dito eh. Hinintay ko munang umonti yung tao sa may pagkainan bago ako pumunta.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon