Continuation
******"Halika na!" Lumabas siya ng kotse at umikot sa may passenger seat para pagbuksan ako ng pinto. Hindi ko siya kinibo. Bahala siya sa buhay niya. Nagcross arm lang ako habang diretso lang ang tingin.
"Ano? Baba na." Pero hindi ko pa rin siya pinapansin. Nakita ko sa peripheral vision ko na ngumiti siya at umiling iling. Anyare?
*click*
Naramdaman ko na lang ang pagluwag ng seatbelt. Aba, natanggal na ng loko. Diretso pa rin ang tingin ko kahit natanggal na niya yun. Kinakausap ng maayos kanina tapos kung ano ano sinasa---
"Waaaaaaa! Baba mo ako! Uwaaaaaaa!" Dali dali niya akong binuhat ng pabridal style kaya napahawak agad ako sa may batok niya. Walanjo!
"Ano ba? Bakit mo ko binuhat? Ibaba mo akooooooooo!" Sigaw ko habang nagpapapadyak dito. Sinara niya yung pinto gamit yung paa niya.
"Ayaw mo bumaba? So, binuhat na lang kita. Wag ka malikot. Baka malaglag ka." Pero hindi pa rin ako tumigil. Padyak dito, sigaw diyan. Ayoko nga kasi ng binubuhat ako eh!
"Aish! Aakyat tayo wag kang malikot!" Aakyat? AAKYAT?
"Saan?" Excited kong tanong.
"O ngayon naexcite ka? Tss. Bipolar mo talaga." Sagot niya saka tumawa ng bahagya. Asan yung sagot niya sa tanong ko? Nilibot ko na lang yung paningin ko. Ang ganda! Nakaka amaze! Ang ganda ng view dito! Grabe. Tinigil ko na ang pagsigaw at pagpapadyak ko. Wala namang nangyayare eh. Naramdaman ko ang pagtigil ni zyrus at dahan dahan niya akong binaba. Ang ganda talaga! Ang sarap ng hangin dito. Umikot ikot pa ako na parang ngayon lang nakalanghap ng hangin pero napatigil rin ako ng may nakita akong nakaayos na pang picnic sa di kalayuan. Waaaaaaa! Tumakbo agad ako dun at umupo.
"Sa atin ba 'to zyrus?" Tanong ko. Mamaya ibang tao may ari nito edi pahiya pa.
"Yeah! Sa atin." Sagot niya. Wow! Kumuha agad ako ng strawberry atsaka sinubo. Hmm.. matamis! Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni zyrus kaya tumingin ako sa kanya.
"Ba't ka pa naghanda nito?" Tanong ko. Umiwas ako tingin dahil titig na titig siya sa akin. Mamaya malusaw ako dito, ang ganda pa naman ng mga mata niya. Hinintay ko yung pagsagot niya pero ang tagal kaya lumingon ako sa kanya. Still, nakatitig pa rin siya sa akin.
"Hoy! Sasagutin mo ba yung tanong ko? Ano bang nang--" hindi ko na natapos yung sasabihin ko ng bigla niya akong niyakap. Sobrang higpit. Yung tipong ayaw niya na akong pakawalan. Niyakap ko rin siya pabalik. Maya maya, naramdaman kong may pumapatak na tubig sa may balikat ko. Naiyak siya? Pero bakit?
"Ba't ka naiyak?" Bulong ko sa kanya. Imbes na sagutin niya ako ay siniksik niya lang yung ulo niya sa may leeg ko. Anong nangyayare? Hinagod ko na lang yung likod niya para kumalma kalma siya.
"Shh, bestfriend mo ko diba? Kaya pwede mong sabihin sa akin yung problema mo." Bulong ko. Unti unti siyang humiwalay sa yakap at pinunasan yung luha niya.
"M-may s-sasabihin ako s-s-sa'yo." Ewan ko pero pagkasabi niya nun nakaramdam ako ng kaba. Ewan ko!
"Sige lang." Hinawakan niya yung kamay ko. Nagulat rin ako nung halikan niya 'to.
"Ayoko na ng friendship natin." Ano? Para naman akong nabagsakan ng langit at lupa dito. Childhood bestfriend ko siya. Marami na kaming pinagsamahan. Hindi ko namalayan na may tumutulo na palang luha sa pisngi ko.
"What do you m-mean?" Tanong ko. Malay natin diba?
"Ayaw ko na na maging magbestfriend lang tayo." Sunod sunod ang pagtulo ng luha ko. Hanggang ngayon hawak niya pa rin yung kamay ko.
"Magbestfriend lang?" Hindi ko siya maintindihan. Ang gulo.
"Oo. Ayoko ng magbestfriend lang tayo kasi..." tumungo siya atsaka huminga ng malalim bago ulit tumingin sa akin. "Kasi mahal na kita." Tuloy niya.
"Huh?" Hindi ko maintindihan 'tong si zyrus. Tulo lang ng tulo yung luha niya. Parehas kami.
"Mahal kita hindi dahil sa bestfriend kita, mahal kita bilang ikaw. Bilang babae." Tinignan ko yung mata niya. Malungkot siya at nasasaktan.
"Pero--" hindi ko natapos ang sasabihin ko ng magsalita siya agad.
"Oo. Alam kong bestfriend lang ang tingin mo sa akin. Tanggap ko na yun. Basta ang mahalaga ngayon, nasabi ko na sa'yo ang nararamdaman ko. Mahal na mahal kita, alliyah. Sana sa pag alis ko, maging masaya ka sa buhay mo. Sana makapili ka ng lalaking karapat dapat sa'yo." Naramdaman ko ang mabilis niyang pagyakap sa akin. Aalis siya? Pero bakit? Niyakap ko na rin siya ng sobrang higpit at bumulong sa kanya...
"Bakit ka aalis? Saan ka pupunta?" Tanong ko. Humigpit rin yung yakap niya sa akin.
"Nahihirapan na ako dito. N-nasasaktan ako, a-alli." Siniksik niya yung ulo niya sa may leeg ko.
"Hindi mo ba alam na mas masasaktan ako kapag umalis ka?" Naramdaman ko ang pag iling niya.
"Wag k-ka n-na umalis. P-please!" Sabi ko between my sobs. Ayoko mawalan ng bestfriend. Humiwalay siya sa yakap saka hinawakan yung pisngi ko. Nagsmile siya habang patuloy pa rin ang pagtulo ng luha niya.
"Hindi ka ba natatakot? Magiging awkward tayo pagkatapos nitong araw na 'to." Sabi niya. Ba't ako matatakot?
"Hindi. B-ba't ako matatakot? P-please, zyrus. Wag k-ka n-nang u-umalis. P-promise, hindi ko papansinin 'to." Pautal utal kong sagot.
"Shh, wag ka ng umiyak." Pinupunasan niya ang bawat luha na tumutulo sa pisngi ko.
"Ikaw kasi eh. Pinapaiyak mo ako." Hinampas ko siya ng pabiro sa braso at nagfake laugh.
"Tandaan mo. Mahal na mahal na mahal kita, alliyah. I love you! Wag ka sanang magalit." Unti unting lumapit yung mukha niya sa akin. Titig lang ako sa mata niya. Nasasaktan talaga siya. Patuloy pa rin ang pagtulo ng luha niya. Alam kong ayaw niya rin umalis. Naramdaman ko ang pagdampi ng malambot niyang labi sa labi ko. Pinikit niya na yung mata niya. Ngayon, gulat na gulat ako sa ginawa niya. Oo, hindi ko 'to first time pero diba bestfriend ko siya? Ba't niya ginawa 'to? Gustong gusto ko siyang itulak ngayon pero hindi ko magawa. Naramdaman ko na lang ang paghiwalay niya sa akin saka tumingin sa akin ng diretso.
"I love you, alli." Nagsimula na namang tumulo yung mga luha ko.
"I'm sorry, alli." Tumingin ako sa kanya. Naiyak pa rin siya. What to do?
"Wag ka ng umalis, please?" Pagmamakaawa ko. Hindi ko na pinansin yung halik niya.
"I'm sorry pero nakapagpabook na ako. I hope you'll understand." Tumungo na lang ako at unti unting tumango.
"I will miss you." Sabi ko habang nakatungo pa rin.
"Ikaw rin. Mamimiss ko 'tong mahal kong kababata." Niyakap niya ulit ako ng mahigpit. Yung parang mamamatay ako sa sobrang higpit. Niyakap ko rin siya at siniksik ko ang ulo ko sa leeg niya. I think this would be the last hug from zyrus before going back to states. I will miss him!
*******
Lovelots! :*
Vote>>Comment>>Share
BINABASA MO ANG
Stay With Me
Fanfiction"Hindi ko naman siya gustong iwan e. Sadyang kailangan lang talaga." -Alliyah "Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan. Hindi mo ako ipagpapalit sa anomang bagay." -Cliff Magkatuluyan kaya sila hanggang sa huli? O magbabago na ang lahat dahil sa ginaw...