Flight

172 11 1
                                    

Saturday

Uwaaaaa! Ngayon na ang alis ni kuya. Magdamag kaming hindi natulog ni kuya. Nanood lang kami ng nanood. Kakainis nga eh. Ang bilis na nga ng balik sa states ang aga pa ng alis. 6am yung flight niya. Ngayon 3am pa lang. Aga pa noh? Nakapag impake na si kuya kahapon. Nagbibihis na ako ngayon. Si kuya ganun din. Ewan ko nga kung bakit maaga. Pagkatapos ko magbihis dumiretso ako sa baba.

"Cliff? Mr. Smith?" Pagkababa ko sila agad ang nakita ko. Anong ginagawa nila dito?

"Parehas naman kami baby ng flight kaya nagsabay na kami." Sabi ni kuya.

"Don't be too formal, hija. Kuya Steve will do." Napatingin naman ako sa kanya. Nakasmile siya at inabot ang kamay para makipag shakehands. Inabot ko rin ang kamay ko saka sinabing "Alliyah po." Binitawan ko na ang kamay saka umayos ng tayo.

"Hi babs!" Napatingin naman ako sa may gilid ni kuya Steve. Si cliff with matching waving hands pa. Hands kasi dalawa. Hahaha! Isip bata talaga.

"Hi!" Nagwave rin ako sa kanya at nagsmile.

"O baby, tara na?" Napatingin ako kay kuya atsaka tumango. Lumabas na kami at nilock ang pinto. Tumulong si cliff sa pagbubuhat ng maleta. Nilagay niya yun sa may likod ng van. Yun na lang ang pinagamit ni kuya steve para isang sasakyan na lang daw. Parang andami namin ha. Sumakay na ako sa may likod ng van. Si kuya at kuya steve naman nasa may harap ko. Naramdaman ko ang pagsara ng pinto sa likod.

"O cliff, dun na kayo ni alliyah sa likod." Asdfghjkl? Diyan na lang!

"Sige po kuya." Sumakay na si cliff at pumunta sa may pwesto ko. Nakakahiya! Umusog ako ng kaunti para makaupo siya.

"Okay na ba? Wala ng naiwan na gamit?" Tanong ni kuya steve habang hawak yung sarahan ng pinto.

"Okay na, bro." Sinara na ni kuya steve ang pinto saka umayos ng upo. Inistart na ng driver yung engine saka nagsimulang magmaneho. Dahil sa hindi ako natulog at inaantok na ako, sinandal ko muna yung ulo ko sa may bintana. For sure naman kasi mahaba haba ang biyahe. Pipikit na sana ako ng...

"Come alliyah." Aso lang? Tumingin ako kay cliff na tinatap yung balikat niya.

"Dito mo na lang ipatong yang ulo mo." Eh? Nakakahiya po kaya. Nagsmile na lang ako sa kanya at umiling saka ulit humarap sa may bintana. At sa kaalaman ko, kaalaman nating lahat, may pagkamatigas na ulo rin 'tong si cliff. Kaya, hinawakan niya ako sa braso at unti unting inusog sa kanya. Uwaaaaa! Inaantok na ako. No choice ako kaya sinandal ko na lang yung ulo ko sa may balikat niya.

"See? You're much comfortable." Napangiti ako sa sinabi ni cliff.

"Thank you." Pagpapasalamat ko bago tuluyang natulog.

*****

"Baby, gising na." Naramdaman kong may tumatapik sa may pisngi ko kaya dinilat ko ang mata ko.

"Hmm?" Kinusot ko ang mata ko at umayos ng upo.

"Nandito na tayo, babs." Tumingin ako sa may labas at nandito na nga kami. Nakita kong nakalagay na sa cart yung mga gamit ni kuya. Maliwa-liwanag na din. Lumabas na kami ng sasakyan saka sinara ito.

"Kuya, anong oras na po ba?" Tanong ko kay kuya. Nakalimutan ko kasi dalhin yung wrist watch ko eh. Tinatamad naman akong kunin yung cellphone -_-

"5:45 na baby. Why?" agad agad? Ang bilis naman.

"Ahm, edi iiwan na po namin kayo dito?" Lels. Handa na yung luha ko.

"Yeah! Magchecheck in na kami ni kuya steve mo." Ngumiti na lang ako ng pilit at napalip bite para pigilan yung pagtulo ng luha ko.

"Iiyak na naman?" Tumungo na lang ako at nagcross finger. Inaasar pa kasi ako eh. Naramdaman ko na lang na may yumakap sa akin.

"Shh, ano ka ba? Para namang matagal akong mawawala." Nagsimula ng mag unahan ang luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Hanggang k-kailan p-po ba kayo d-dun?" Nagcrack na rin yung boses ko. Hanggang ngayon nakatungo pa rin ako at hindi niyayakap si kuya.

"I think 3 years is enough." Napalayo naman ako kay kuya saka tumingin sa kanya.

"Ang tagal naman nun kuya eh. Huhuhu!" Napahagulgol na ako sa sinabi ni kuya.

"Hahaha! Joke lang baby. I think 1 year?" Matagal pa rin yun eh. Lumapit ulit sa akin si kuya at niyakap ako.

"Baby, stop crying. Baka hindi ako makaalis niyan. Haha." Alam kong fake laugh lang yun dahil naramdaman ko ng may tumulong luha sa may balikat ko. For the last time na 'to, niyakap ko na ng sobrang higpit si kuya. Yung tipong ayaw ko na siyang pakawalan.

"Kuya, I will miss you!" Sabi ko between my sobs.

"I will miss you too, baby!" Last na 'tong yakap. Matagal na ulit bago ko siya mayakap. Paulit ulit lang, alliyah?

"O tama na yan. Para namang hindi na kayo magkikita." Napatawa naman kami ni kuya at naghiwalay sa yakap. Pinunasan ko ang luha ko, ganun din si kuya.

"O sige na baby. Mag ingat kayo ni cliff." Tumango naman ako sa kanya as a answer. Humarap naman siya kay cliff at...

"Cliff, ingatan mo 'to ha. Atsaka pag naging kayo na, balitaan niyo kami. Wag mong sasaktan 'tong baby ko ha?" tumango tango naman si cliff.

"Oo bro. Iingatan ko 'to. Ingat kayo ni kuya ha?" Tumango silang dalawa at nagsimula ng itulak ang cart. Nang makalayo layo na sila, tumingin ulit si kuya sa may pwesto namin. Nagwave ako sa kanya and mouthed 'goodbye'. Nagwave rin siya sa akin saka nagpatuloy ulit sa paglakad. Tumalikod na ako at inaya si cliff na umuwi. Naglakad na kami papuntang van at sumakay.

"Aya mo ba munang magcoffee?" Nakatungo lang ako ngayon habang nagddrive na yung driver.

"Ayoko." Tipid kong sagot. Ayoko munang gumala gala ngayon. Nakatungo lang ako hanggang sa nakarating na kami sa bahay.

"Sige cliff, ingat ka ha? Bye!" Hindi ko na siyang hinintay sumagot. Bumaba na agad ako at sinara ang pinto. Binuksan ko ang gate at pumasok. Hayy! Wala na akong kasama. Pumasok ako sa loob ng bahay. Pagkapasok na pagkapasok ko, may naririnig akong mga kalansing ng gamit sa kusina. Bukas rin ang ilaw dun. Hindi kaya magnanakaw? Ba't naman sa kusina didiretso? Atsaka bago ako pumasok dito nakalock yung pinto. Aaminin ko, kinakabahan rin ako dun sa taong nasa kusina. Wala akong ideya kung sino yun. Naglakad ako ng dahan dahan para hindi masyadong mahalata ng tao sa kusina na palapit na ako. Sheez, kinakabahan ako. Sumilip ako ng kaunti pero hindi ko makita, kaya lumapit pa ako ng kaunti. Nakakita ako ng anino ng isang tao. Tumataas na yung nga balahibo ko. Hindi pa naman ako nakakuha ng mga pamukpok. Bahala na, fight! Dahan dahan ulit akong naglakad sa kinaroroonan ng anino.

"Anong ginagawa mo?" Halos mapatalon naman ako ng may magsalita sa may likuran ko. Waaaaaa!

******

Sino kaya? Lels. Haha! Para sa hopeless romantic sa may 13 na! Nood tayo ha? :) sorry ngayon lang nakapag update :) lovelots! :*

PS. Yung promise at the bestfriends and the enemies hindi ko pa alam kung kailan ako mag aupdate. Hehehe. Tinatamad na naman author eh. :)

VOMMENTS!

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon