Pagbabalik

135 5 0
                                    

"Namiss ko 'tong Pilipinas! Kung pwede lang sana halikan ang lupa dito gagawin ko." Napatawa ako kay Daine. Baliw talaga. "Dai, alam mo namang di ako makakapayag na may ibang makakadikit diyan sa labi mo." Singit ni Zy na nakapagpamula kay Daine. I ship them!

Napatingin ako kay Cody na kanina pa nanginginig ang kamay. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay niya. "Trust me, Dy. I will not let that happen." Niyakap ko siya at hinalikan sa labi. Smack lang naman. Hehehe.

"Hoy! PDA kayo ah! Mamaya na sa bahay yan. Hahaha!" Napangiti na lang ako. Feeling ko tumatatag kami kapag kinakantyawan pa kami. "Tara na nga. Gusto ko ng umuwi e." Sabi ni Daine. Lahat kami ay sumang ayon dahil sa pagod rin kami.

Iisa lang ang bahay na binili namin. Yes! Hati hati kami sa pagbabayad. Lahat kami titira sa isang bahay. Sa pag aaral naman, naka enroll na kami bago pa man kami dumating dito. Iisa lang rin ang school namin. Sa Stonebrigde College. Bilin lang ni kuya na bisi bisitahin lang kumpanya, okay na yun.

"So boys, doon na kayo sa isang room ah? Di porket mag boyfriend at girlfriend tayo ibig sabihin magkasama na sa isang kwarto. No way!" Sabi agad ni Daine ng makarating kami sa bahay. "Yes madam!" Kulit talaga nitong si Zyrus.

Since gabi na kami nakarating, lahat kami ay nagpahinga na. Bukas ay mamimili kami ng mga gamit at kukunin ang schedule sa school. Saturday bukas, monday ang start ng pasok namin. Ang bilis nga e. Parang kailan lang katatapos lang namin ng Second year ngayon sa lunes third year na kami. Hayy!

Inayos na muna namin ni Daine ang mga gamit namin at inilagay sa Cabinet. Pagkatapos, naligo muna ako bago matulog.

___***___

"Hoy! Kita kita na lang tayo sa may starbucks ah? Mamili muna kayo. O kung gusto niyo date na rin. Hehehe!" eto talagang si Daine. Napaka! Nakuha na namin ang schedule kanina. Same lang kaming apat dahil siguro sa pare parehas rin kami ng kinukuhang kurso.

"We will, Daine. Just text us kapag nandun na kayo sa starbucks." Napatawa si Daine at Zyrus habang ako? Nagpipigil. Pfft! Ang cute cute kasi e. Dala niya pa accent niya dito. "Oo na. Hahahaha! Ang cute mo talaga Cody. Yung accent mo!" Hinampas ko si Daine. Grabe 'to.

"Umalis na kayo. Mag iikot na rin kami ni Cody." Nagpaalam na sila sa amin.

Tumingin ako kay Cody at kasalukuyan din siyang nakatingin habang nakangiti. "Uh, where do you want to go? Can you lead me the way?" Ay! Hahaha. First time niya lang pala dito. "Yeah, tara na. We will buy some stuffs for us." Tumango siya saka hinawakan ang kamay ko.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon