Continuation
*****
Sinubukan kong bawiin yung braso ko pero masyado siyang malakas."Alliyah." Ramdam ko yung pagkaseryoso niya. Dahan dahan akong humarap sa kanya.
"Ah.. hehe! H-hello?" Para kang tanga alliyah! Binitawan niya yung braso ko. Buti naman ang sakit kaya.
"Ba't ka nandito? Kala ko ba hindi ka mahilig mag shopp---" hindi niya na natapos yung sasabihin niya ng sumingit si brylle.
"Alliyah, sino siya?" Pano 'to?
"Boyfri--"
"Ah, friend ko lang siya. Oo friend ko lang. Diba?" Tumingin ako kay cliff at pinandilatan siya ng mata.
"Ano ngang ginagawa mo dito?" Tanong niya.
"Namimili. Ano bang ginagawa dito? Gusto mo bili kita ng common sense? Maghahanap ako para sa'yo." Letche 'tong lalaking 'to.
"No need. Nakabili na ako. Tara na!" Hinawakan niya na ako sa braso ko at hihilahin na sana ng hawakan naman ni brylle yung isa kong braso. Don't tell me mag tatug of war sila? Mama, papa tulungan niyo po ako.
"Ahm, excuse me lang ha. But we need to go." Kalmadong sabi ni cliff. Alam kong kalmado lang yan pero ang totoo niyan sasabog na yan sa galit. Pero bakit naman ?
"No, I asked alliyah to help me buy some dress to my sister and she agreed." Tumingin naman sa akin si cliff at binigyan ako ng pumayag-ka-ba- look. Unti unti akong tumango sa kanya. Bumalik ulit ang tingin niya kay brylle.
"I'm sorry pero ngayon umayaw na siya." Tinanggal ni cliff ang pagkakahawak sa akin ni brylle saka dali dali akong hinila. Sisigawan na naman ako nito eh. Maghanda ka na alliyah! Nakalabas na kami ng mall at akala ko pupunta kaming parking lot pero iba 'tong direksyon na 'to.
"Hoy! Saan tayo pupunta?"
"Just shut up!" Okay? Peste ka cliff! Argh! Nakarating kami sa lugar na kami lang ang tao? Anong gagawin namin dito? Binitawan niya yung pagkakahawak niya sa braso ko at humarap.
"Who's that guy?" Iba ang cliff na kaharap ko ngayon.
"Ahm, nameet ko sa starbucks. Nakuha niya kasi yung ID ko hanggang sa nag--- Hoy! Ano bang problema mo? Ba't ganyan ka ha?" Masyadong protective? Possessive? Ano ba ang best word to describe him?
"Problema ko?! Anong problema ko?!" Tapos ngayon maninigaw siya. Bipolar nga.
"Oo. Anong problema mo?! Ano ba 'to cliff ? Hindi ko na maintindihan yang mga kinikilos mo!" Napahilamos naman siya sa mukha niya.
"Wala!" Lumakad na siya palayo sa akin. Dadalhin niya ako dito tapos wala naman palang sasabihin. Lumakad na lang rin ako pabalik ng mall. Sana hindi pa nakakaalis si brylle. Binilisan ko yung lakad ko. Pagdating ko sa department store pumunta agad ako sa huli naming pinagkitaan. Then, ayun nga siya. Nakaupo siya dun. Tumakbo agad ako sa kanya. Syempre ang sama naman kung hindi ko babalikan yun diba?
"Brylle!" Napatingin naman siya sa akin at tumayo.
"Buti bumalik ka." Tumigil ako sa harapan niya.
"Syempre naman. Hindi kita iiwan ng ganun ganun lang. Hindi pa ako nakakapag thank you sa'yo." Tumawa siya at pinat ang ulo ko. Aso lang ?
"Buti alam mo. Tara na nga! Maghanap ka na ulit." Dinala niya ulit ako sa pwesto ng mga damit. Okay? Back to work! Namili na ulit ako ng damit.
*****
"Natanggap mo na ba yung pagpapasalamat ko?" Sabay dila sa ice cream ko. Nakabili na kami ng damit. Buti na lang may isang natatanging damit. Napaka arte kasi eh. Ang papanget daw. Tss. Hindi naman siya ang magsusuot eh.
"Oo naman. So, section 1 ka pala?"
"Oo. Bakit mo natanong?""Wala. Magkatabi lang pala tayo ng room." Napatigil naman ako sa pagdila sa ice cream ko. Tumingin ako sa uniform niya. Tungaks ka talaga alliyah. Ba't ngayon ko lang napansin 'to?
"Ah. Haha. Ngayon ko lang napansin yung uniform mo. Kaya ngayon ko lang nalaman na schoolmates tayo." Pinagpatuloy ko na ulit ang pagkain sa ice cream ko.
"Seriously? Sa tingin mo saan ko makukuha yung ID mo?" Ay! Tanga talaga alliyah. Tumigin na lang ako sa kanya at ngumiti. Sorry naman!
*****
"Ahm, brylle. Thank you sa paghatid ha? Thank you rin sa panlilibre at pagbabalik ng ID ko." Nandito na kami ngayon sa may tapat ng bahay. Nag aya na kasi akong umuwi. 5pm na kasi kaya ayun.
"Wala yun. Thank you nga pala for helping me buy dress." Ngumiti na lang ako sa kanya at tumango. Tumahimik kami saglit saka siya nagsalita ulit.
"So, babye!" Yumuko siya at napakamot sa batok. Nahihiya siya?
"Ba't ka nahihiya? Hahaha!" Ngayon lang kasi ako nakakita ng lalaking nahihiya.
"Wala. Hahaha."
"Sige, babye ! Ingat ka ha?" Tumango siya sa akin at nagsmile. Ngayon ko lang narealize na pogi pala 'to. Naglakad na siya sa may drivers seat at pumasok. Inistart niya na yung engine at pinaandar yung kotse. Hayy! New friend. Pero ba't puro lalaki? Hahaha. Nevermind na nga lang. Naglakad na ako papunta ng pinto. Binuksan ko na yun at pumasok.
"Sino yung lalaki na yun?" Halos mapatalon naman ako sa gulat ng may magsalita. Napatingin agad ako sa pinanggalingan ng boses.
"Friend. Akyat na muna po ako." Cold kong sagot. Ayoko munang kausapin si kuya. Nahihirapan pa rin ako. Naglakad na ako sa may hagdan at hahakbang pa lang sana ako ng may humawak sa braso ko. Hindi ako lumilingon. Baka mapaiyak na naman ako ng wala sa oras.
"Lets talk." Hinila niya na agad ako sa may garden. Favorite place rin kasi namin 'to dito sa bahay. Pinaupo niya ako sa may bench doon. Hindi ko pa rin siya tinitignan hanggabg ngayon. Umupo siya sa may tabi ko. Umusog naman ako ng kaunti para hindi kami magdikit.
"Baby, ano bang nangyayare? This past days nagiging cold ka na sa akin. Hindi ako sanay sa kinikilos mo." Ramdam ko ang lungkot sa bawat salita na binibitiwan niya. Hindi ko kayang sumagot. Anytime kasi babagsak na ang luha ko. Kinagat ko na lang yung labi ko para mapigilan yung luha ko. Nahihirapan na rin si kuya sa pinaggagagawa ko. Maya maya naramdaman ko na lang na may nagback hug sa akin. Pinatong niya yung ulo niya sa balikat ko. May naramdaman ako pagpatak ng tubig sa balikat ko. Naiyak na si kuya. Hindi ko na rin napigilan kaya unti unti ng tumulo yung luha ko.
"Baby, please wag ka na magalit sa akin." Hindi naman talaga ako galit kay kuya eh. Nagtatampo lang. Ayoko lang kasing umalis siya pero sino ba ako para mapigilan ko si kuya diba? Kapatid niya lang naman ako. Wala rin naman akong naitutulong sa kumpanya.
"Sorry na talaga baby!" Iyak lang ng iyak si kuya sa balikat ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Lumayo muna ako kay kuya saka humarap. Nakikita ko ngayon sa mga mata niya kung gaano siya kalungkot at nasasaktan. Sa sitwasyon ngayon, parehas lang kaming nahihirapan. Nalulungkot. Hindi ko na talaga mapigilan. Hindi ko na kaya 'to. Lumapit ulit ako kay kuya atsaka siya niyakap ng parang ayaw ko na siyang pakawalan. Hinug back niya rin naman ako.
"Kuya, sorry. Sorry for being stubborn. Hindi ko lang po kasi kaya na umalis kayo. But, I don't have a choice. Whether I like it or not you'll still leave me. I don't know what will happen to me when you leave. But, I try to wait until you come back." Drama eh? Wala eh. Ganyan talaga nararamdaman ko. Hinigpitan pa lalo ni kuya yung pagkakayakap niya. Kulang na lang hindi ako makahinga.
"I'm sorry baby. Promise ko sa'yo na babalik agad ako kapag naayos na yung problema. Promise ko yan." Humiwalay ako sa pagkakayakap.
"Thank you, kuya." Hinawakan niya yung pisngi ko at pinunasan yung luha.
"Always welcome. Just for my baby." Niyakap ko ulit si kuya ng sobrang higpit. Mamimiss ko 'tong yakap na 'to.
BINABASA MO ANG
Stay With Me
Fanfiction"Hindi ko naman siya gustong iwan e. Sadyang kailangan lang talaga." -Alliyah "Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan. Hindi mo ako ipagpapalit sa anomang bagay." -Cliff Magkatuluyan kaya sila hanggang sa huli? O magbabago na ang lahat dahil sa ginaw...