BAHAY
Pagkatapos namin magbonding ni Zy hinatid niya na agad ako. 7:30 na kasi nung time na yun...
FLASHBACK
Maglalaro pa sana kami kaso bigla siyang tumingin sa relo niya. Hindi ko alam kung bakit nataranta siya bigla. Hinila niya agad ako papuntang parking lot. Ewan ko ba sa lalaking yun. Tinanong ko naman siya kung bakit siya natataranta pero wala akong sagot na natanggap. Buong biyahe lang kaming tahimik hanggang sa makarating sa may tapat ng bahay namin. Lumabas agad siya at pinagbuksan ako ng pinto. Pagkalabas ko sinara niya agad yun at dali daling tumingi sa relo niya. Tila nakahinga naman siya ng maluwag. Ano ba talagang problema nito ? Sabay naman kaming napatingin ng bumukas yung pinto ng bahay namin.
"O Zy, baby nandito na pala kayo." Lumapit ako kay kuya at kiniss siya sa cheeks.
"Just on time, Zy. Good job!" Anong just on time ?
"Kuya, anong just on time?" Konektado kaya 'to sa kung bakit nagmamadali si Zy umuwi?
"Kasi binigyan ko kayo ng curfew. Ang sabi ko kay Zy hanggang 8 ka lang. Hahaha! Basta talaga para sa'yo sumusunod si Zy. Hahaha!" Hanudaw? Hindi ko gets si kuya.
"Anong pinag--"
"Wala yun, Alli. Sige una na ako. Goodnight!" Lumapit ako kay Zy at binigyan siya ng kiss sa cheeks at hug na ikinablush niya. Cute !
"Thank you for making me happy this night. I really enjoy it." Kumalas na ako sa yakap at tumingin sa kanya.
"Me too. Sana may susunod pa."
"Oo naman. Ba't naman mawawalan?"
"Ahm, excuse me. Tama na ang mga kasweetan at gabi na." Napatawa na lang ako sa sinabi ni kuya.
"Sige bro, una na ako. Alli, sunduin kita bukas ha?" Tumango na lang ako sa kanya. Pumasok na siya sa kotse at inistart ang engine. Bago pa siya makaalis nagwave ako sa kanya. Pumasok naman kami ni kuya sa bahay. I really enjoy this night. I really do!
END OF FLASHBACK
It's already 9pm at kailangan ko ng matulog dahil maaga pa ang pasok ko bukas. Sinet ko muna yung alarm clock ko bago matulog.
KINABUKASAN
Fuwaaa! Hmm.. sarap ng tulog ko. Nag unat unat muna ako bago ko ginawa yung morning rituals ko. Pagkatapos bumaba na ako sa may kusina at ayun nakita ko si kuyang nagluluto ng breakfast namin.
"Good morning, kuya!" Pumunta ako sa may dining table. Umupo ako doon at pinanood si kuyang magluto.
"Good morning din, baby!" Hindi na siya lumingon sa akin sa sobrang busy niya sa pagluluto. Hanggang sa natapos na siyang magluto. Naghain na si kuya at nagsimula kaming kumain.
"Ahm, baby.."
"Hmm?" Seryoso si kuya ngayon. Ano kayang problema?
"Kasi ano.. may sasabihin ako sa'yo." Tumingin ako kay kuya na kasalukuyan ring nakatingin sa akin. Tumango naman ako at nagsmile.
"Mapapaaga ang pagbalik ko sa states. Nagkaproblema kasi yung kumpanya natin." Malungkot yung boses ni kuya. Ang aga aga ayoko pa po ng drama.
"O ano naman po?" Tanong ko na parang wala lang sa akin pero deep inside ayoko nang paalisin si kuya. Kaya kasi yan malungkot kasi alam niyang malulungkot ako sa sinabi niya sa akin. Cheer up na lang!
"Okay lang ba sa'yo?"
"Ba't naman po hindi? Eh para sa atin rin naman po yung ginagawa niyo doon eh kaya okay lang po!" Nagfake smile na lang ako kay kuya pero parang nalaman niya.
BINABASA MO ANG
Stay With Me
Fanfiction"Hindi ko naman siya gustong iwan e. Sadyang kailangan lang talaga." -Alliyah "Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan. Hindi mo ako ipagpapalit sa anomang bagay." -Cliff Magkatuluyan kaya sila hanggang sa huli? O magbabago na ang lahat dahil sa ginaw...