Pictures?

160 9 1
                                    

6am
Nagbibihis na ako ngayon para sa paghatid kay zyrus. Pinagpaalam niya na daw ako sa mga teachers ko na hindi ako makakapasok ngayon. Gusto niya daw kasi ako ang huli niyang makita sa pag alis niya. Eh pano yung mga tao sa airport, hindi niya ba makikita yun? Si tita naman daw kasi kahapon pa nandun sa states. Hindi man lang ako nakapagpakita. Huhuhuhu!

Close your eyes give me your hand darlin'

Hinanap ko kung nasaan yung cellphone ko. Tumakbo agad ako sa may study table.

Do you feel my heart be--

"Hello?" Naglakad ulit ako pabalik ng kama at umupo.

[Alli, nakabihis ka na ba?] Tinignan ko yung screen ng cellphone ko. Si zyrus pala. Kala ko si cliff. Simula kasi kahapon, wala akong natanggap ni isang text o tawag galing sa kanya.

"Matatapos pa lang. Nasaan ka na?" Tanong ko. Inipit ko yung cellphone sa tainga't balikat ko para makapagsuot ako ng rubber shoes.

[Nandito sa may gate niyo na.] Agad? Tumayo ako at sumilip sa may bintana ko. Nandun nga. Nagwave siya sa akin while smiling.

"Kanina ka pa ba diyan? Ba't hindi ka nagdoorbell? Para ka tuloy abnormal." Pumunta muna ako ng banyo para magsuklay.

[Okay lang. Ngayon ngayon lang rin ako.] Kinuha ko yung mini shoulder bag ko saka lumabas ng kwarto at bumaba.

"Labas na ako. Baba ko na 'to." Dumiretso muna ako sa kusina para tignan si nanay.

[Sige.] Binaba ko na yung tawag saka nilagay yung cellphone ko sa mini bag ko.

"Good morning, nay." Bati ko kay nanay.

"Good morning din. Kumain ka na muna." Kinuha ko yung baso ng gatas saka ininom.

"Okay na po itong gatas. Nandiyan na po si zyrus eh." Sagot ko pagkatapos kong inumin yung gatas. Tumingin saglit si nanay sa akin saka ngumiti.

"Ingat kayo anak ha?" Nilagay ko yung baso sa may hugasan.

"Opo nay. Ingat rin po kayo dito. Aalis na po ako." Paalam ko. Lumabas na ako ng bahay at nakita ko agad si zyrus na nakasandal sa kotse niya. Binuksan ko yung gate saka lumabas bago isara.

"Tara na?" Ngumiti siya sa akin saka ako pinagbuksan ng pinto sa may back seat. Pumasok ako dun saka niya sinara. Naramdaman ko naman ang pagbukas ng kabilang pinto ng back seat. Sumakay si zyrus saka sinara yung pinto. May driver kasi kaya dito sumakay.

"Tara na po, kuya." Tumango lang yung driver saka inistart yung engine at nagmaneho.

"Zyrus kasi eh. Ba't ka pa aalis? Hindi ko na naman iniisip yung kahapon eh." Pero diba parang ang panget kapag nagkiss kayo ng bestfriend mo tapos hindi man lang ako naawkward-an? Siguro hindi ko lang iniisip yun dahil ayoko siyang umalis.

"E pano ako, alli? Tuwing naiisip ko yun naiinis ako dahil hinalikan ko ang bestfriend ko." Tumingin siya sa akin ng walang emosyon.

"Pumayag ako nun kasi may f-feelings ako sa'yo pero..." tumigil muna ako para huminga ng malalim at...

"Pero mas lamang yung feelings mo kay cliff kaysa sa akin tama ba?" Kumunot unti yung noo ko saka tumungo at unti unting tumango.

"I'm sorry, zyrus." Paghingi ko ng tawad. Alam kong masakit sa kanya yun.

"Ano ka ba? Ba't ka nahingi ng tawad? Walang may kasalanan okay? At lalong hindi mo kasalanan." Naramdaman ko yung pag usog niya sa akin saka niya ako inakbayan. Hinawakan niya naman yung baba ko para itaas yung mukha ko.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon