LQ?

129 6 0
                                    

Alliyah's PoV

Malungkot ako na naglalakad papunta ng room ko. Iniisip ko pa rin ang ginawa kong pagsisinungaling kay cliff. Hindi ko siya kasabay ngayon kasi sabi niya may pupuntahan pa daw siya kaya mauna na daw ako. Mas okay yun para makapag isip isip muna ako.

Imbes na sa room ako pumunta, sa likod muna ako ng stage para makapag isip ng maayos.

"Brylle?" Nakatakip yung mukha niya kaya hindi ko sigurado kung siya yun.

Tinanggal niya yung scarf sa mukha niya at tumingin sa akin. May mga luha pang patuloy na natulo. Naiyak siya? Bakit?

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya ng hindi pa rin inaalis ang tingin ko sa kanya.

"B-bakit? A-anong nangyare?" Nauutal kong tanong.

Imbes na sagutin niya ako e bigla niya na lang akong niyakap saka nagsimula na namang humikbi.

Niyakap ko rin siya pabalik. Hinagod ko ang likod niya para kahit papaano mapagaan ko ang loob niya. Sunod sunod nga ang problema.

Nagulat ako ng bigla bigla siyang humiwalay sa yakap at sa may gate papasok dito nakatingin.

Napakunot ang noo ko saka sinundan kung saan siya nakatingin.

"Cliff." Bulong ko. Nakikita ko ngayon yung galit sa mga mata niya.

Nanginginig ang kamay niya.

Namumula yung tainga.

Kunot na kunot ang noo.

Dali dali siyang umalis. Hindi ko alam kung sinong pupuntahan ko. Tumingin ako kay brylle.

"Okay ka na ba? Anong nangyare?" Tanong ko sa kanya.

"Sundan mo si cliff. Alam kong galit na galit yun kaya bilisan mo na alli. Okay lang ako." Sagot niya saka binigyan ako ng weak smile.

Niyakap ko ulit siya bago tumayo at tumakbo para habulin si cliff pero... saan ko hahanapin yun? Tsk!

Wala namang ibang pwedeng puntahan dito kundi itong likod ng stage atsaka...

"Lumang room." Tumakbo agad ako dun para tignan kung nandun si cliff.

Sorry cliff. Ang laki na ng kasalanan ko sa'yo.

Nakarating ako dito at rinig na rinig ko nang parang may nangyayare sa loob.

Pumunta agad ako sa may pinto at binuksan ito. Pumasok agad ako at nakita ko si Cliff na sinusuntok yung blackboard.

Iniwan kong bukas yung pinto para may magsilbing liwanag dito sa loob.

Tumakbo agad ako sa may pwesto niya at niyakap siya sa likod.

"Yabs." Naiiyak na sambit ko.

Ayoko siyang makita ng ganito. Nasasaktan rin ako as a Girlfriend niya.

Nagulat ako ng tinanggal niya ang pagkakayakap ko sa kanya ng padabog saka humarap sa akin.

Napaatras ako ng makita ko yung mukha niya. Pawis na pawis. Namumula sa galit.

Napaatras ako ng lumapit siya sa akin.

"Ba't ka pa pumunta dito? Dun ka na lang sa Brylle mo. Siguro kaya ang lungkot mo noh? Kasi hindi mo na nakikita si brylle? Now, masaya ka na ba?" Tanong niya kasabay ng pagtulo ng luha niya.

Patuloy pa rin ako sa pag atras dahil patuloy pa rin siya sa paglapit. Padilim na rin ng padilim dito dahil napapalayo kami sa may pinto. Natatakot ako sa kanya.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon