Gala

294 15 0
                                    

Zyrus and Alliyah At The media

*******

Nagising ako dahil sa may humahagod sa buhok ko.

"Baby."

"Hmm.." kinusot ko yung mata ko at umupo sa kama.

"Sobrang napagod ka talaga kagabi noh?" Kagabi? Napatingin naman agad ako sa may orasan ko 8 am na? Pano ako nakarating dito sa kwarto ko? Ang alam ko nasa kotse ako ni cliff dun ako nakatulog pero ba't nandito na ako?

"Kuya, pano po ako napunta sa higaan ko?"

"Sabi ko na nga ba tatanungin mo agad yan. Si cliff yung nagbuhat sa'yo at thank god nauna akong makauwi sa inyo. Ginigising ka daw niya pero sobrang mahimbing daw yung tulog mo so he decided to carry you na lang." Kailan pa ako naging tulog mantika? Siguro nga napagod ako, napagod sa paglamon kagabi.

"Ah. Buti na lang. Kuya, ba't po kayo nandito?"

"Wala lang. By the way, kailan mo gusto pabalikin si nanay?" Oo nga namimiss ko na si nanay.

"Kung kailan na lang po siya pwede. Kasi po baka nagbabakasyon pa siya with her family. Baka makaistorbo tayo." Kahit miss na miss ko na si nanay okay lang sa akin kung kailan siya makabalik. Matagal na rin siyang nagtatrabaho sa amin. Bata pa lang ako kasama na namin siya dito. Nalapit lalo yung loob ko sa kanya the day mom and dad died. Kapag wala si kuya sa kanya ko sinasabi yung iba kong problema.

"If you say so." Tumayo si kuya at may kinuha siya sa may study table ko.

"Here's your breakfast!" Nilapag niya sa kama yung pagkain ko. Pancakes and milk.

"Breakfast in bed? Thank you kuya!" Sinimulan ko ng kumain habang si kuya nanonood lang sa akin.

"Kuya, you want?" Tanong ko habang naghihiwa ng pancake at tinusok sa tinidor.

"Tapos na ako eh." Pero hindi pa rin ako nagpatinag. Hahaha.

"Please kuya. Isa lang." Pagmamakaawa ko.

"Argh! Fine.Why I can't ignore you?" Yehey! Sinubo ko na muna sa kanya yung pancake bago sumagot.

"Because i'm your little sister and i'm beautiful!" Hahaha. Mahangin ba? Minsan lang yan noh. Napataas naman yung kilay niya at napatawa ng kaunti.

"Excuse me? What's the connection?" Hindi ko na lang siya pinansin at nagpatuloy sa pagkain.

"Do you have a suitor?" Nabilaukan naman agad ako sa tanong ni kuya. Buti na lang nakahanda yung milk. Uminom agad ako para mawala yung bara sa may lalamunan ko.

"Kuya, anong klaseng tanong yan?" Tanong ko pagkainom ko. Nagpatuloy ulit ako sa pagkain. Pasensya na hobby ko 'to eh.

"Just answer my question." Binitawan ko muna yung tinidor. Umayos ako ng upo at tumingin kay kuya.

"Kuya, what do you think?"

"I dont have idea kaya i'm asking you."

"Kuya, NSSB ako at lalo namang NBSB ako." Kinuha ko ulit yung tinidor at kumain. Haha. Sarap ng luto ni kuya eh.

"NSSB?"

"No Suitor Since Birth hindi mo alam yun kuya?" Sa talino nitong kuya ko hindi niya alam 'to?

"Ofcourse I know. What I mean is you never had a suitor?" Srsly?

"Yeah! Kuya, ba't parang takang taka ka?" Pansin ko lang kasi parang big deal ssa kanya na wala akong suitor.

"Ahm, wala naman. Change topic. You and cliff, what's your relationship?" Halos maibuga ko naman yung gatas na ininom ko. TnK ba 'to? Tapatan ni Kuya? Ang baho pakinggan.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon