Bonding with Brylle (2/2)

162 9 0
                                    

******
Natapos yung pinapanood namin ni brylle ng hindi nalalaman kung ano yung storya. Pano ba naman kasi kwento ng kwento.

"Brylle, yung binili ba nating damit para kay trish yun?" Naalala ko lang kasi nung bumibili kami ng damit parang kasing size ko lang yung binili niya.

"Oo. Gusto kasi ni mommy na may damit na siya na mga ganun. Ewan ko ba sa kanila. Hahaha!" Tignan mo kaabnormalan nito.

"Ah ganun?" Tumango tango siya sa akin. Anubayan! Bored na ako.

"Ano bang pwedeng gawin?" Tanong ko.

"Alam mo alliyah? Your beautiful." Sa kaninang nakangiti siya naging seryoso yung mukha niya. Nakahithit ata 'to.

"Nakashabu ka ba? O nakasinghot ng rugby? Seryoso ka ba?" Bigla bigla na lang kasing papasok sa topic yun. Beautiful? Saan banda?

"I'm dead serious."

"Ah, hehehe! Thank you!" Ibahin mo na yung topic. Putek naman oo!

"Manliligaw mo ba yung mga lalaki na kasama natin nung nakaraan?" Nanlaki naman yung mata ko sa sinabi niya. Seriously? Manliligaw ? Eh No Suitor Since Birth nga ako eh.

"Ofcourse not! Anong klaseng tanong yan? Friend ko yung dalawa. Yung tinatawag akong alli at babs. Yung isa naman si kuya." Ewan ko na lang kung maalala niya.

"Ah." Tumango tango siya saka tumingin ulit sa akin. Ngayon ko lang narealize na ang ganda ng mga mata niya. Geez! Iniwas ko yung tingin sa kanya. Baka ngayon para na akong kamatis sa sobrang pula.

"A-ah, ano bang m-magandang g-gawin?" Pag iiba ko ng usapan. Masyadong awkward eh.

"Hmm..rock,paper,scissor na lang. Tapos may lipstick ka ba?" Ang pangit naman ng laro. Pero lipstick? Aanhin niya ang lipstick? May tinatago ba 'to. Nginitian ko siya ng nakakaloko. Tumaas ang isang kilay niya at nagcross arm. Confirmed!

"What's with that smile?" Hindi ko inalis yung ngiti ko. Wiii ! Bakla pala siya. Hahaha! Pero ba't ganun lalaki siya kung kumilos.

"Aanhin mo ang lipstick?" Nakangisi kong tanong. Wahahaha! May pang asar na ako.

"Syempre para kap--" hindi ko na siya pinatapos magsalita.

"Bakla ka noh?" Tanong ko with matching taas baba kilay pa. Kumunot naman yung noo niya.

"Ano?! Ako? Bakla?" Pumikit ako at tumango tango.

"Patunayan ko ba?" Napadilat ako sa sinabi niya at sobrang lapit na ng mukha niya. Ilang inches na lang. Tinulak ko siya saka tumayo.

"If I know bakla ka talaga! Hahaha!" Sa pogi niya bakla pala siya.

"Ah ganun ha." Napatigil ako sa pagtawa ng umupo siya ng maayos.

"Waaaa!" Tumakbo na ako palayo sa kanya. Pero bago pa ako tuluyang makalayo sa kanya sumigaw siya.

"Magtago ka na! Kapag nakita kita humanda ka!" Uwaaaa ! Mama? Papa? Tulungan niyo ako. Hindi ko pa naman alam 'tong bahay na 'to. Saan ako magtatago? Pumunta ako sa garden at naghanap ng tataguan.

"Let the game begin." Waaaa ! Naghahanap na siya tumingin ako sa paligid, naghahanap ng pwedeng taguan...

"Ayun!" Natakpan ko agad yung bibig ko dahil baka marinig ako. Tumakbo agad ako dun sa may part na maraming damo at may puno. Sumilip ako ng unti para tignan kung nandito na siya at...

"Nasaan ka na, alliyah?" Uwaaa ! Nandun na siya sa may pool side. Nakatakip pa rin yung kamay ko sa bibig ko dahil baka mamaya bigla na lang akong mapasigaw. Lumalapit na siya. Waaaaaa !

"Alliyah." Then nakita kong nagsmile pa siya.

"Hmm.. mukhang wala siya dito." Nagsimula na siyang maglakad pabalik sa sala. Wush! Nakahinga ako ng maluwag nang hindi ko na siya nakita. Sumilip muna ulit ako bago tumayo. Nang maclear ko na talaga yung lugar dahan dahan akong tumayo...

"Dito ka lang pala nagtatago." Napatingin ako sa may gilid ko.

"A-akala ko..." hindi ko matuloy yung sasabihin ko sa sobrang kaba.

"Akala mo lang yun. Ngayon lagot ka sa akin!"

"Waaaaa!" Binuhat niya ako ng parang sako. Hinampas hampas ko siya sa likod.

"Ibaba mo ako! Uwaaa!" Tumigil siya sa may sofa at binaba ako doon at...

"Hahahahaha ano ba hahaha brylle hahaha!" Sheez. Malakas pa naman kiliti ko. Ba't eto laging ginagawa nila sa babae kapag niloloko sila?

"What?" Then nakangiti siya ng nakakaloko habang patuloy pa rin akong kinikiliti.

"Brylle hahaha stop it hahaha!" Ayoko na!

"Who's the gay?" Putek!

"Wala hahaha please hahaha!" Natulo na yung luha ko kakatawa. Tumigil na siya sa pagkiliti at umayos na upo. Pinunasan ko muna yung luha ko at hinabol ang hininga saka umayos rin ng upo.

"Sunduin kita bukas sa inyo ha? Sabay tayong pumasok." Ay! Parehas nga pala kami ng school. Speaking of pasok, anong oras na ba? Tumingin ako sa may wall clock nila 10:30 pa l-- 10:30?! Seriously?!

"Kailangan ko ng umuwi!" Kinuha ko yung cellphone ko sa maliit na shoulder bag na dala ko. 84 messages and 78 missed calls? Sheez! Yari ako nito pag uwi. Binasa ko yung ibang text puro 'nasaan ka na?' 'Ba't hindi ka nagpaalam?' Yung mga missed calls kay kuya, cliff at zyrus galing.

"Hatid na kita." Dali dali niya ring kinuha yung susi sa kwarto niya. Sumakay na agad ako sa kotse saka niya inistart yung engine at nagsimulang magdrive. Pinagbuksan kami ng guard ng pinto.

"Ganun ba tayo katagal nanuod? Bilisan mo naman."

"Lilipad na nga tayo sa sobrang bilis eh." Kinakabahan ako kay kuya. Paniguradong marami na namang tanong yun.

"Sabay tayo bukas ha? I'll fetch you 5:15am."

"Ang aga naman, brylle." Baka nga kakatapos ko lang maligo nun eh.

"Ganun talaga. Basta susunduin kita 5:15am ha?"

"Oo na. Magdrive ka na lang ng magdrive diyan." Binilisan niya pa ang pagddrive hanggang sa makarating kami sa may labas ng gate. May dalawang kotse dito sa labas. Uwaaaa! Ayokong pumasok.

"Thank you, brylle!" Inayos ko muna yung bag ko bago tinanggal yung seatbelt.

"Always welcome! Don't forget tomorrow." Nagsmile muna ako sa kanya saka lumabas ng kotse. Dahan dahan kong binuksan yung gate at sinara. Naglakad ako papuntang maindoor. Huminga muna ako ng malalim at hahawakan na sana ang door knob ng bigla ng bumukas yung pinto.

"Where did you go?" Tinignan ko yung mga mukha nila. Puro nakapoker face.

"Ah, h-hehe." Patay!

******

"Hindi mo ba alam na nag aalala kami sa'yo alliyah? Ha?" Kasalukuyan akong sinesermonan ni kuya ngayon at halatang galit siya dahil tinawag niya ako just by my name.

"Sorry po." Yan na lang ang nasasabi ko. Puro sorry.

"Hindi kami mapakali. Tinatawagan ka namin pero kahit isa sa mga tawag namin wala kang sinagot. Maski text wala kaming natanggap galing sa'yo!" tumulo na yung luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

"Kuya, sorry po. Next time po magpapaalam na ako." Sinubukan kong hindi magcrack yung boses ko pero hindi ko nakayanan.

"Aish! Ba't ba hindi kita matiis?" Naramdaman ko na lang ang pagyakap sa akin ni kuya.

"Huwag ka nang umiyak." Niyakap ko na rin si kuya ng sobrang higpit saka humagulgol.

"K-k-kuya, s-sorry po t-talaga. H-hindi na p-po m-mauulit."

"Sorry rin dahil nasigawan kita. Nag aalala lang naman kami sa'yo. Tahan na." Hinagod niya yung likod ko para mapakalma ako. Nang medyo okay na ako, tumingin ako kina zyrus at cliff and mouthed 'sorry' nag smile lang sila at tumango.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon