He's here!

113 5 0
                                    

5 Months

Cliff's PoV

"Congrats, babs! Graduate na tayo oh. Parang kailan lang binubully pa kita." Nakangiti kong sabi kay babs.

"Oo nga e. Congrats sa'yo, sa atin." Nakangiti niya ring sagot.

Lumapit ako sa kanya saka nagtanong.

"Para kanino yang medal mo? Valedictorian ka. Diba yun yung pangarap mo?" Yes, valedictorian siya, ako naman ang 1st honorable mention.

Hinawakan niya ang medal niya at ngumiti ng malapad.

"Etong medalya na 'to, para sa mga magulang ko 'to. Kasama na rin si kuya at nanay." Sagot niya habang hawak hawak pa rin ito.

Halata mo sa mukha niya na sobrang saya niya. Nakakatuwa na makita ang mahal mo na masaya. Sana lagi na lang siyang ganito.

"Ikaw, para kanino yan? Kahit 1st honorable mahalaga pa rin yan." Ngumiti lang ako sa kanya saka tumingin sa medal ko.

"Same lang rin sa'yo pero may nadagdag." Nakangiti ko pa ring sambit.

"Sino naman?" Nagtatakhang tanong niya.

"Ikaw." Simpleng sagot ko saka tumingin sa kanya.

"Ako?" Pagtatanong niya ulit.

"Oo nga. Lahat ng mga naging parte ng buhay ko." Napangiti siya saka niyakap ako ng mahigpit.

"Thank you, yabs. I love you! We will prove that forever do exist, same as true love." Napangiti ako sa sinabi niya kaya I hug her back.

"I love you too and yes, we'll prove that." Hinigpitan ko pa ang yakap ko sa kanya dahil...

Feeling ko mawawala siya sa akin.

Feeling ko iiwan niya ako?

Ba't ganito? Ang panget ng feeling ko. Pero sinabi niya na naman na hindi niya ako iiwan diba? Pero ba't may kaba pa r--

"Yabs? Are you alright?" Sa sobrang pag iisip ko, hindi ko namalayan na nakahiwalay na siya sa akin at nakatingin straight to my eyes.

"A-ah, yeah. May pumasok lang sa isip ko." Sagot ko.

"Ano naman?" Okay?

"Ahm..yung ano lang..ano--" naputol ang sinasabi ko ng dumating yung nanay ni alli.

"Oh alliyah, cliff hindi pa ba kayo uuwi?" Napatingin agad si Alli sa tabi niya.

"Ah, uuwi na rin po nay." Tumingin siya sa akin saka nagtanong.

"Ikaw cliff? Doon na lang tayo kain sa bahay?" Wala pa yung kapatid ko sa bahay. Wala ring pagkain.

"Ah sige. Wala rin namang tao sa bahay e." Sagot ko saka ngumiti.

*****

Alliyah's PoV

"Nay, marami po ba ang hinanda niyong pagkain?" Tanong ko habang nakatingin sa phone ko. Nagtext kasi si Zyrus. Buti nga siya naalala e, si kuya ata hindi.

"Ah oo anak. Napakarami nun." Sino naman kayang bisita?

"Baka naman po hindi natin maubos. Hehehe!"

"Hindi siguro." Hindi ko na sinagot si nanay saka nireplyan si Zyrus.

To: Zyrus :)
Thank you, Zy! Haha.

Nagcongrats lang naman siya sa akin. Nakakainis nga e, kasi hindi pa graduation nila Zyrus. Next week pa daw.

"Nandito na tayo." Napatingin ako sa may labas ng kotse.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon