Kinabukasan
Yieee! Happy birthday to me! Masaya akong bumangon at ginawa ang morning routines ko. Pagkatapos, lulukso lukso akong bumaba papuntang kusina.
"Good morning, kuya!" Ngumiti ako ng sobrang lapad. Tumingin naman si kuya sa akin at parang nagtataka?
"Good morning din, baby! Ang saya mo ata?" Tapos bumalik ulit siya sa pagluluto. Unti unti namang nawala yung ngiti ko at napalitan ng lungkot.
"Wala ka po bang naaalala ngayon?" Kinuha ni kuya ang mga ulam at nilapag sa mesa. Kumuha siya ng plato at nilapag sa mesa. Tinanggal niya yung apron niya at sinabit sa may gilid ng ref.
"Oo nga pala baby..." bumalik naman ulit yung ngiti sa labi ko. Nakangiti rin si kuya sa akin. Niyakap niya ako kaya hinug ko rin siya. Naaalala niya pala? Humiwalay siya sa yakap at hinawakan ako sa magkabilang balikat ko.
"Thank you dahil pinaalala mo sa akin. May meeting pala kami ngayon. Magbibihis na ako ha?" Hindi niya na ako hinintay na sumagot dahil umalis na agad siya sa harap ko. Kala ko naalala niya na. Bumalik ulit yung lungkot sa mukha ko at anytime pwede ng tumulo yung luha ko. Mas mahalaga talaga kay kuya yung kumpanya. Matamlay akong umakyat sa kwarto para maligo. Hindi ako kakain.
1 hour
Hinihintay ko na ngayon si brylle sa may sala. Si kuya ata nakaalis na. Wala na kasi yung kotse niya eh.
Close your eyes give me your hand, darlin'
Kinuha ko yung cellphone ko sa may bulsa.
Zyrus calling...
Sinagot ko agad yung tawag.
"Hello?" Ano kayang dahilan kaya siya tumawag? Hindi kaya dahil babatiin niya ako?
[Ahm alli, pasabi naman kay ma'am na hindi ako makakapasok kasi masakit yung katawan ko.]
"Yun lang ba?" Umaasa ako na may sasabihin pa siya pero...
[Oo. Pasabi na lang ha? Thank you!]
"Geh." Inend ko na agad yung tawag bago niya pa marinig yung paghikbi ko. Walang nakakaalam na malalapit sa buhay ko ng birthday ko? Ang sakit sa pakiramdam nun. Kahit si kuya hindi niya alam.
*beep**beep*
Pinunasan ko muna yung mukha ko at inayos yung damit ko. Lumabas ako ng bahay at nilock ang pinto. Dumiretso na rin ako ng gate. Lumabas ako at sinara ng may pagdadabog. Lumabas si brylle sa kotse ng may malapad na ngiti. Umikot siya sa may shotgun seat at binuksan ang pinto. Bago ako makapasok nagsalita si brylle ng hindi ko akalaing sasabihin niya...
"Happy birthday, alliyah!" Napatigil ako at humarap sa kanya.
"Pano mo nalaman?" Feeling ko ngayon gumaan ang loob ko dahil isang taong kailan ko lang nakilala ang una pang babati sa akin?
"Facebook? Basta wag mo na alamin kung paano ko nalaman ang mabuti nabati kita." Nagsmile ako sa kanya atsaka niyakap. Nagulat siya nung una dahil hindi niya ako niyayakap pabalik pero ilang minuto lang ang nakalipas niyakap niya na rin ako pabalik. Humiwalay ako sa yakap at nagsmile ulit sa kanya.
"Thank you!"
"Always welcome." Nginitian ko muna ulit siya bago tuluyang pumasok sa kotse. Sinara niya ang pinto at umikot sa driver seat.
*****
"Bye alliyah! Sabay na tayong umuwi ha?"
"Oo naman." Nandito na ako sa may tapat ng room ko.
BINABASA MO ANG
Stay With Me
Fanfiction"Hindi ko naman siya gustong iwan e. Sadyang kailangan lang talaga." -Alliyah "Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan. Hindi mo ako ipagpapalit sa anomang bagay." -Cliff Magkatuluyan kaya sila hanggang sa huli? O magbabago na ang lahat dahil sa ginaw...