NSSB? Not anymore

182 9 0
                                    

******

"Si zyrus nga kala ko nakalimutan niya na talaga eh." Nandito na kami ngayon sa isang table. Kami nila zyrus, cliff, kuya, brylle at trish. Buti na nga lang at may babae akong kasama.

"Ako? Makakalimutan ko ang birthday ng kababata ko? Mukhang imposible ata yan." Umakbay pa sa akin si zyrus pagkasabi niya nun.

"So, sino talaga ang may pakana nito?"

"Hindi ka maniniwala kapag sinabi namin." Napatingin naman ako kay brylle. Bakit? Sino ba ang may suggest nitong party?

"Bakit naman? Kapag sinabi niyo ba kung sino hindi ko talaga aakalain na siya yun?" Tinignan ko sila isa isa. Lahat sila nakangiti except kay cliff na parang kabadong kabado. Problema nito?

"Sabihin niyo na kasi." Pagpilit ko. Syempre gusto ko siyang pasalamatan noh.

"Si Cliff." Napatingin ako kay kuya saka binaling ang tingin kay cliff at nakatingin rin siya sa akin. Ngumiti ako sa kanya kaya nginitian niya rin ako. Hindi ko nga talaga aakalain na siya ang may pakana ng lahat ng 'to. Si cliff? Magsusuggest ng ganito?

"Ahm, excuse me!" Tumayo si cliff at lumakad palayo. Anyare dun?

"Teka lang rin ha?" Hindi ko alam kung ba't rin ako nagpaalam dahil ata gusto ko ring makausap siya at makapagpasalamat?

"Balik agad baby ha?" Tumango ako kay kuya saka nagsimulang maglakad. Sinusundan ko lang ng tingin kung saan pupunta si cliff. Lakad lang siya ng lakad hanggang sa makarating na kami sa may likod na may fountain. Umupo siya sa may bench dun at napahilamos sa mukha.

"Why am I feeling this?" Anong pinagsasasabi niya? Anong feeling? Nagtago muna ako sa may madilim na lugar para hindi niya ako makita.

"Dati naman hindi ako ganito. Ba't unti unting nagbabago?" Nilibot ko yung paningin ko. Wala namang tao pero sino kausap nito?

"Sure na siguro 'tong feelings ko sa kanya. Bumibilis ang tibok ng puso ko kapag nakikita ko siya. Nalulungkot ako kapag wala siya. Nagagalit ako kapag may kasama siyang ibang lalaki. At higit sa lahat masayang masaya ako kapag kasama ko siya. Eto yung mga feelings kapag inlove ka na sa isang tao diba?" Sino ba talagang kausap niya? Baliw ba 'to?

"I need a answer. Kanino ko itatanong kung totoo na ba yung feelings ko para kay alliyah?" Nanlaki naman ang mata ko ng marinig ko ang pangalan ko. Feelings? Sa akin?

"Para akong tanga dito. Puro tanong wala namang nasagot." Tanga ka talaga. Hindi na parang.

"Bakit? Ano ba yung mga feelings mo?" Lumabas ako sa pinagtaguan ko at halata naman sa kanya na gulat na gulat siya. Napatayo agad siya at lumapit sa akin.

"K-kanina ka p-pa ba d-diyan?"

"Oo." Tipid kong sagot.

"So, meaning to say..." tumango tango ako kahit hindi niya pa tapos yung sasabihin niya.

"Yes! Narinig ko lahat ng kabaliwan na sinasabi mo."

"Hindi yun kabaliwan. Lahat yun totoo..." hinintay ko yung kasunod na sasabihin niya. Mamaya biglang sabihin 'nasa wow mali po tayo' eh? Imposible naman.

"... totoong mahal na kita." Mahinahon pero halata ang pagkaseryoso niya. Pfft!

"Hahahahahaha!" Napatawa na lang ako sa mga sinabi niya. Ako? Mahal niya? Hahaha!

"Why are you laughing?" Pinigil ko muna yung tawa ko para makasagot ng maayos.

"Pfft. Ako? Mahal mo? Pfft! Hahahaha! Joke joke joke! Hahahahaha!" Hawak hawak ko pa yung tiyan ko habang natawa. Magaling rin pala magbiro 'tong si cliff noh?

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon