Break Time
Break time na namin ngayon pero nandito pa rin ako sa room. Ayoko kasing lumabas tapos busog pa ako. Dami ko kasing nakain kanina. Sarap kasi ng luto ni kuya ^_^
Si Zy lang yung pumunta ngayon sa canteen. Nagugutom daw kasi siya eh kaya pinabayaan ko na lang. Mamaya kainin pa ako nun kapag hindi ko pinayagan.
Ako lang mag isa dito sa room kaya naisipan kong matulog muna pero tutungo pa lang sana ako sa armchair ko bumukas yung pinto at pumasok si Cliff.
Malas naman! Bakit kasi bumalik agad siya dito eh. Grrr! Tumungo na lang ako at hindi siya pinansin. Wala naman akong pake dun eh. Iniisip ko na lang na nakanta ako.
Close your eyes, give me your hand darling.
Do you feel my heart beating? Do you understand? Do you fe--
Hindi ko na natapos yung pagkanta ko sa isip ko ng may tumusok sa may tagiliran ko na naging dahilan ng pagtingala ko.
"Ano ba?! nat--- Cliff?" Kala ko kung sino. Si Cliff pala. Ano ba namang buhay yan oh. Nasa tabi ko siya ngayon.
"Oh bakit gulat na gulat ka?" Tanga ba siya. Kita niyang hindi kami close pero kung makatusok sa tagiliran ko... UGHH!
Nagtitimpi na lang ako sa lalaking 'to ha.
"Tanga ka ba? O nagtatanga tangahan? Panong hindi magugulat hindi naman tayo close pero kung makatusok ka sa tagiliran ko feel na feel mo! FC ka noh? Kung pagtitripan mo na naman ako huwag na. Wala ako sa mood para makipagbangayan ngayon." Tutungo na sana ako kaso nga lang sumigaw siya na ikinagulat ko ng bonggang bongga!
"AKO NA NGA 'TONG MAGSOSORRY IKAW PA GALIT? NAGBAGO LANG YANG PANLABAS NA ANYO MO PATI LOOB DAMAY?"
"Tapos ngayon sisigaw sigaw ka! Sinabi ko bang galit ako? Ang linaw ng pagkakasabi ko ayokong makipagbangayan. Itigil mo muna yang bibig mo. Yun lang naman ang hinihiling ko. Ano bang mahirap intindihin doon? O baka naman gusto mo english-in ko. I just want you to shut your mouth! I think you've already understand it. Right?" Kontrolin mo lang alliyah. Tatahimik din yan. Akala ko tatahimik na siya pero akala ko lang pala.
"BAKIT ANO BANG TINGIN MO SA AKIN BOBO? SA TINGIN MO HINDI KO MAINTINDIHAN YUNG SINASABI MO? EH PARA NGANG MAS BOBO KA PA SA AKIN EH! SAAN KA BA NAGMANA? SA MAMA MO O SA PAPA MO? HINDI KA BA NI--" hindi ko na siya pinatapos magsalita at sinampal ko siya with all my power.
Okay lang sana na ako lang eh pero yung idadamay yung magulang ko? Iba na yun. Napakasakit niya magsalita.
Hindi ko na nga napigilan luha ko eh. Basta kasi magulang ko yung nilalait hindi na ako nakakapagpigil.
"WAG NA WAG MONG IDADAMAY YUNG MGA MAGULANG KO DITO DAHIL HINDI SILA KASALI DITO! NAPAKAYABANG MO! ANG KAPAL NG MUKHA MO NA PATI MAGULANG KO IDADAMAY MO! OKAY LANG SANA KUNG AKO LANG EH, PERO PATI MAGULANG KO IDADAMAY MO? IBA NA YUN! HINDI IKAW ANG NAGPAPALAMON SA AKIN PARA SABIHAN MO AKONG BOBO! WALA KANG KARAPATAN!" nakita ko si Zy na kakapasok pa lang.
Hindi ko na napigilan yung sarili ko kaya tumakbo na agad ako. Hindi na ako lumilingon kahit tinatawag pa ako ni Zy.
Siguro magpapasundo muna ako kay kuya. Hindi muna ako papasok.
Calling kuya :*
"Oh baby, napatawag ka. May problema ba?"
"Kuya, pwede po bang pasundo ako dito. Please lang po." I said between my sobs.
BINABASA MO ANG
Stay With Me
Fanfiction"Hindi ko naman siya gustong iwan e. Sadyang kailangan lang talaga." -Alliyah "Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan. Hindi mo ako ipagpapalit sa anomang bagay." -Cliff Magkatuluyan kaya sila hanggang sa huli? O magbabago na ang lahat dahil sa ginaw...