Feelings

181 10 0
                                    

School

"Zyruuuuuuus!" Tumakbo ako palapit sa kanya at dahil sa katangahang taglay ko natapilok ako. Huhuhu!

"Alli, ba't ka ba kasi natakbo? Tsk! Ayan tuloy." tinulungan niya ako makatayo.

"Kaya mo ba?"

"Oo naman! Ako pa? Malakas ata 'to!" Masigla kong sagot pero deep inside parang sinagasaan ng sampung truck yung paa ko sa sobrang sakit. Tanga kasi, alliyah.

"Tara sa clinic."

"Ayoko dun. Punta na lang tayo sa room." Tss. Ayoko na sa clinic. Hindi ko na naman malalaman yung lesson namin kapag nasa clinic na naman ako.

"E pano yang paa mo?" Tumingin ako sa paa ko.

"Okay lang 'to. Tara na. Malalate na tayo eh." Hindi na siya sumagot at inakay na lang ako. Nang makarating kami sa may room, binuksan niya agad yung pinto. As usual, lahat na naman sila nakatingin sa akin. Tinuloy lang ni zy yung pag alalay sa akin hanggang sa makarating kami sa upuan namin. Pinaupo niya muna ako saka inabot yung bag ko. Kinuha ko yun at nilagay sa may likod ko.

"Good morning, class!" Nag'goodmorning' rin kami kay ma'am. Nagsimulang ng magdiscuss si ma'am kaya nakinig na ako.

Break time

"Alli, hindi ka ba talaga magbbreak?" Ako ba talaga iniingit nito?

"Ah, hindi na. Busog pa ako eh." Umalis ka na zyrus baka makakain pa ako ng tao.

"Sige. Text mo na lang ako kung may ipapabili ka ha?" Tumango tango na lang ako sa kanya para makaalis narin siya. Ako na lang ang tao dito sa room. Huhuhu! Ang hirap ng kalagayan ko. Katangahan 101 kasi eh. Argh! Kinuha ko na lang yung cellphone ko at binuksan. Ilang minuto pagkabukas biglang tumunog yung cellphone ko.

Close your eyes give me your hand darling
Do you feel my heart beating?
Do y--

Sinagot ko agad yung tawag niya. Mamaya importante pa 'to eh.

"Hello po, kuya?"

[Hello baby! May sasabihin ako sa'yo ha?]

"Ano po yun?" Ba't napakaseryoso naman ata nitong usapan namin.

[Nagtext si cliff sabi niya hindi daw siya makakapasok. Kanina ka pa daw niya tinatawagan pero nakaoff daw cellphone mo.]

"Ano?" Tinanggal ko muna yung cellphone sa may tenga ko at tinignan. May mga missed calls nga. Tsk!

"Eh kasi kuya nagkaklase po kami kaya ko inoff. Ba't daw po siya umabsent?"

[May sakit daw siya. Nilalagnat.]

"Ah sige po. Sasabihin ko na lang po sa teacher namin."

[Sige baby. Ingat lagi ha? I love you !]

"Love you too!" Inend call ko na yung tawag at binalik yung cellphone ko sa bulsa. Hayy!

Cliff's PoV

Nandito ako ngayon sa kwarto ko. Nakikipagtitigan sa kisame. Iniisip ko yung sa kahapon. Hindi ko alam kung bakit ganun yung nararamdaman ko. Eto ako ngayon may sakit. Tss. Ngayon pa kasi nagkasakit kung kailan gustong gusto ko siya makita. Tinawagan ko siya kanina pero nakaoff yung phone niya. Wala akong kasama dito sa bahay. Si kuya nasa office niya. Yung bunso naman namin pumasok. Hayy! Boring naman dito. Iniisip ko yung una kaming nagkita ni alliyah. Yung sa pinto...

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon