Surprise

208 9 1
                                    

Alliyah's PoV

"Ate alliyah?"

"Hmm?" Inaantok pa ako.

"Gising na po." Dinilat ko ang isang mata ko at tinignan si trish. Ba't nakabihis siya ng ganyan?

"Wow. Saan punta mo baby?" Umupo ako at kinamot ang mata.

"Alliyah, gising ka na pala?" Napatingin naman ako sa may pinto.

"Hindi pa, brylle." Sarcastic kong sagot. Baliw rin 'to eh. Pero may napansin ako sa magkapatid na 'to.

"Saan punta niyo?" Si brylle naka black suit si trish nakadress. Napakaformal naman. Lumapit si brylle sa akin dala dala ang isang bag at inabot.

"Dalian mo. Maligo ka na." Tinaasan ko siya ng kilay saka tinignan yung laman ng bag. Panloob ko? Putek! Nakakahiya.

"Ba't kailangan kong maligo? Eh naligo na ako kaninang umaga."

"Aish! Basta maligo ka na lang." Inabutan niya ako ng isang tuwalya. "Dalian mo. Maligo ka na." Tinulak tulak niya pa ako papuntang banyo kaya wala na akong nagawa. Naligo na lang ako.

******

"Party?!" Kakatapos ko lang maligo. Nakabath robe ako. Tapos binigyan ako ni brylle ng gown.

"Oo. Gusto ka kasing kasama ni trish eh." Tumingin ako kay trish at ayun taas baba pa yung kilay. Binalik ko yung tingin kay brylle.

"Eh ba't kailangan nakagown? Ako ba may party? Baka matalbugan ko yung may party." Binaling ko yung tingin ko sa gown na hawak ko. Ang ganda ganda ng gown. Bisita lang kami pero bongga 'tong papasuot? Yung tataa?

"Ano ka ba? Marami kaya ang nakagown dun. Si trish lang ang pinagdress ko para hindi siya masyadong mahirapan." Napatingin naman ako sa kama. Stilleto. Killer heels na naman.

"Aish! Oo na. Lumabas na muna kayo. Magbibihis na ako." Nilapag ko muna sa kama yung gown na susuotin ko.

"May kakatok dito mamaya. Make up artist. Pagbuksan mo sila ng pinto ha?" Walanjo! May make up artist pa talaga? Hindi ba pwedeng ako na lang?

"Pati hairstylist." Dugtong niya pa. Ano?! Pati hairstylist? Pwede namang nakalugay na lang ha? Andami namang arte.

"Ba't kailangan pa nun? Hindi ba pwedeng mag light make up na lang ako tapos lulugay ko buhok ko?" Para naman kasing ako yung may party.

"Hindi pwede. Kaya mamaya hayaan mo na lang sila, okay?" Tumango na lang ako kahit labag sa kalooban ko. Ano pa bang magagawa ko? Lumabas na sila ni trish at saka sinara ang pinto. Umupo muna ako sa kama para isipin kung ano kayang party ang pupuntahan namin at kailangan ng ganito ka formal. Baka naman children's party? Nah, masyadong pamba---

*knock**knock*

Andito na agad? Ang bilis naman. Naglakad ako palapit sa pinto at binuksan.

"Hello. Kami yung mag aayos sa'yo." Ngumiti ako sa kanila at nilawakan ang bukas ng pinto para makapasok sila. 3 lang naman sila at puro bekle. Dumiretso sila sa may pwesto kung saan nila ako aayusan. Meron kasi dito sa kwarto ni trish na place kung saan dun ka minemake up-an.

"Upo ka na dito, ganda." Tss. Papaupuin na lang ako nambola pa. Lumakad ako dun ng iiling iling saka umupo.

"Maganda ka na naman kaya hindi kami mahihirapan sa pag aayos sa'yo." Ngumiti na lang ako saka nila sinimulan ang pag aayos.

45 minutes

"Tapos ka na ba?" Kasalukuyan na akong nagbibihis ngayon at pinalabas ko muna sila.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon