Bestfriend

566 19 1
                                    

"Oh ano? Magtititigan na lang ba tayo? Kung sabagay baka nagwapuhan ka sa akin?" Huminga ka ng malalim Alli. Kontrolin mo sarili mo, mamaya makasapak ka pa eh.

Marami pa ring nakapaligid sa amin at karamihan ay mga babae. Umisod na lang muna ako sa tabi para makadaan na 'tong... argh!

First day of school ganito na agad? Bwisit! Bago niya buksan yung pinto nakita ko siyang nagsmirk. Okay na sana eh, pogi na siguro kung pwedeng magparetoke ng ugali at mura lang ginawa ko na yun.

Binuksan niya na yung pinto at tuluyan ng pumasok. Naiwan ako ditong pinagtitinginan ng mga "FAN GIRLS" niya. Sheyt! Dudukutin ko na talaga yan eh.

Binuksan ko na lang yung pinto at pumasok sa loob. Bwisit kaklase ko nga pala yun! Naghanap ako ng vacant seat pero sa kasamaang palad wala na akong mahanap. Pumunta na lang muna ako sa may likod.

Kasalukuyan akong nakatanga dito habang pinagtitinginan ng mga kaklase ko. O diba ang bait nila noh? Yumuko na lang ako kung makatingin naman kasi sa akin eh.

May lumapit sa akin na naging dahilan ng pagtingala ko. Guess who? Edi yung conceited na yun. Ang lakas ng loob lalapit lapit pa eh. Yumuko na lang ulit ako

"Umupo ka na dun sa may inupuan ko kanina" napatingin agad ako sa kanya at napakunot yung noo ko.

Is it real ? Is it real ? Mukha niya. Maniwala ako diyan bait baitan lang yan. BAWAL PLASTIC SA BACOOR.

"Di na kailangan. Ayoko dun ikaw na lang umupo doon. Mamaya mapagod ka pa ako sisihin mo." Sabi ko sabay irap. Kahit nerd ako palaban pa rin ako noh!

"Alam mo ikaw na nga 'tong pinapaupo ayaw mo pa. Ano bang problema mo?"

"At ako pa ngayon ang may problema ha? At bakit naman ako uupo doon?" Huminga siya ng malalim para kumalma. Tss!

"Isipin mo na lang kaya kita pinaupo doon para makabawi akp sa'yo sa nangyari kanina. Ano okay na ba? Kung ano ano kasi iniisip mo. Baka mamaya inisip mo pa na kaya kita pinaupo dun kasi crush kita. ASA KA!" Control control. Inhale! exhale!

Pumunta na lang ako sa may inuupuan niya syempre ang sasama na ng tingin sa akin eh edi sumunod na lang ako.

Bago ako umupo sumulyap muna ako sa kanya at nakita ko siyang nakasmirk. Anong plano nito? Hindi ko lang siya pinansin umupo na ako doon at sa di ko inaasahan nalaglag ako sa sahig at dahil padabog akong umupo mas masakit yung naramdaman ko.

Unang tumama sa sahig yung pwet ko. Parang naninigas ako doon sa sobrang sakit. Narinig kong nagtatawanan yung mga kaklase. Yung iba sumisigaw pa ng 'ang tanga mo kasi eh. Hahaha' pinigil kong wag umiyak but I can't help it.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon