Alliyah's PoV
"Oh my god! Bakit sila magkaholding hands?"
"Argh! Don't tell me sila na ng nerd na yan."
"Halaaaaaa! Bagay sila. Kakilig naman."
"Sabi na nga ba magkakatuluyan din yan eh. Dun rin kami nagsimula ng boyfriend ko, sa asaran."
Yan lang naman ang mga bulungan habang naglalakad na kami palabas ng school. At kasalukuyan kong tinatanggal ang kamay ko kay cliff.
"Cliff, ano ba? Nagbubulungan na sila oh. Bitawan mo na." Bulong ko. Imbes na bitawan niya yun mas lalo niyang hinigpitan saka tumingin sa akin.
"What did you call me?" Kunot noong tanong niya. Eh?
"Cliff?" Patanong ko na sagot. Hanudaw?
"Okay." Nagulat ako ng hilahin niya ako as in hila palabas ng school saka pinasakay sa kotse niya. Ano na naman ba nagawa ko? Huhuhu!
"Okay, so we're having our rules." Sabi niya pagkasara ng pinto sa may driver seat.
"3 rules are enough. First one, walang magrereklamo kapag hinawakan ko ang kamay mo, inakbayan kita or what so ever." Srsly? Tinignan ko siya at sakto naman na nakatingin siya sa akin.
"Any problem with the first rule?" Takte! Minsan kasi nahihiya ako eh. Umiling iling na lang ako. Pakapalan na ng mukha ituuuu!
"The second one, we already have our callsign, right?" Tumango tango naman ako sa sunod niyang tanong. Nakakatamad magsalita eh. :3
"So, bakit mo ko tinawag na cliff? Diba sabi ko yabs?" Nanlaki naman ang mata ko at umulit sa isip ko yung nangyari kanina.
"Cliff, ano ba? Nagbubulungan na sila oh. Bitawan mo na."
Kaya pala niya ako hinila dito? Kaya pala tinanong niya ako kung ano yung tawag ko sa kanya. Tumingin ako sa kanya saka ngumiti.
"Hehehe! Sorry cli- este yabs. Nakalimutan ko kasi eh." Paghingi ko ng tawad. Tawad talaga? Pfft!
"Okay. Then the third one..." Yumuko siya saka huminga ng malalim. Tumingin siya sa akin saka nagsalita...
"Walang iwanan." Nagulat ako sa third rule.
"Anong ibig sabihin nun?" tanong ko.
"Kung pupunta ka ng ibang bansa or kung saan na... mapapalayo ka sa akin. I hate that!" Napangiti ako sa sinabi niya.
"Why are you smiling?" Tanong niya.
"E sino ba kasing nagsabi na iiwan kita? Atsaka ibang bansa? Haller, ayoko kaya dun." Sabi ko. Ngumiti naman siya pero kita mo pa rin ang lungkot sa mga mata niya.
"Promise?" Nagsmile ako saka lumapit sa kanya.
"Promise!" Niyakap ko siya ng sobrang higpit. Pagkatapos ng yakapan scene, Umuwi na kami. Hinatid niya ako sa bahay.
"Nanaaaaaaaaay!" Sigaw ko pagkadating ko sa bahay. Masaya ako enebe!
"Ano ba yan? Ba't nasigaw ka?" Tanong ni nanay na lumabas galing kusina.
BINABASA MO ANG
Stay With Me
Fanfiction"Hindi ko naman siya gustong iwan e. Sadyang kailangan lang talaga." -Alliyah "Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan. Hindi mo ako ipagpapalit sa anomang bagay." -Cliff Magkatuluyan kaya sila hanggang sa huli? O magbabago na ang lahat dahil sa ginaw...