Chum

210 12 0
                                    

"Ahm, baby. Pinasama ko sila." WTF?! Hindi na bonding magkapatid tawag namin dito. Bonding magkakaibigan?

"Bakit kuya?"

"Syempre para memorable 'tong bonding na 'to." Ano?!

"Memorable? Ayoko kuya! Gusto ko tayo lang. Bakit? Kapag tayo lang po ba hindi magiging memorable?" Pisti.

"Ba't alli? Ayaw mo ba kami kasama?" Sabay pout.

"Oo nga babs. Ba't ayaw mo?" Sabay pout rin.

"Hoy tigilan niyo ko sa pagpapout niyo. Hindi bagay. Hindi naman sa ayaw ko pero mas masaya kung KAMI lang ni KUYA." Ayan para damang dama niyo!

"Baby, isama mo na sila. Promise magiging masaya 'tong bonding natin kung KASAMA sila." Aba! Ginantihan pa ako ha. Napangiti naman sila yabs at zy. Tss. Bahala sila sa buhay nila.

*****

"Baby, saan gusto mong unang puntahan?" Inikot ko muna yung paningin ko. Mall na naman?

"Sa quantum na lang po kuya." Wala akong maisip na lugar dito eh.

"Ayiee. Naalala mo pa pala yun?"

"Alam mo zy hindi ko pwedeng makalimutan yun. Yun yung pinuntahan natin nung nagbonding tayo." Tumingin ako sa kanya at nagsmile.

"Sa pinuntahan natin ayaw mo?" Napatingin naman ako dun sa nagsalita.

"Yabs, sinong nagsabing hindi ko gusto yung pinuntahan natin? Sa tingin mo ba meron dito?" Sarcastic kong tanong. Umirap ako sa kanya. Sama sama pa kasi eh. Grrr!

"Taray nito. Suntukan na lang oh." Humarap agad ako sa kanya at lumapit.

"O tara. Ano?" Tinaas ko yung dalawang kamao ko.

"Hep hep hep. Tama na yan. Nasa mall tayo." buti na lang at humarang agad si kuya sa may gitna namin. Susuntukin ko talaga yan.

"Pasalamat ka yabs kay kuya ha. Handang handa na ako eh." Tumingin si yabs kay kuya.

"Thank you, bro!" Aba ginagalit talaga ako nito? Argh! Nagsimula na lang ulit ako maglakad. Iniwan ko na lang sila dun. Bahala sila sa buhay nila.

*****

"Wohhhh! Yeahhhh!" Kahit dito lang feel na feel ko.

"Tss. First time mo ba? Dahan dahan lang pagtapak sa break. Baka magbayad tayo ng wala sa oras babs."

"Wala kang pake! At first time ko talaga. Wohhhh!" Ang saya pala magdrive noh? Kahit dito lang. Hahaha! Para nga lang akong tanga dito eh. Kung ano ano ginagawa sa manibela. Hanggang sa natapos na. Naghanap ulit kami ng pwedeng laro. Sila sunod lang ng sunod. Ayaw ako iwan eh. Okay lang daw kahit hindi sila maglaro mabantayan lang nila ako. O di--

"Ay! Sorry miss hindi ko sinasad-- alliyah?" Napatingin naman agad ako dun sa lalaki. Sino nga ba 'to?

"Bryan? Hello!" Masayang bati ko. Kumunot naman yung noo niya.

"Bryan?"

"Di ba bryan pangalan mo?" Bryan yun diba?

"Hahaha. Nakalimutan mo na agad. Ako si brylle. Brylle the handsome." Sabay pogi sign.

"Alli tulong! Nililipad na kami dito oh. Anlakas ng hangin."

"Maghawak hawak tayo ng kamay at wag magpapadala sa hangin. Babs labas na tayo!" Lumingon naman ako sa kanila at tinignan ng masama.

"Baby, malakas kasi yung hangin kaya naghawak hawak kami ng kamay." Tumingin naman ako kay kuya at tinignan ng masama.

"Okay baby. Fine." Bumitaw siya sa pagkakahawak ni zy sa kanya. Humarap ulit ako at tumingin kay brylle.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon