*****
Waaaaaaa!
"Nanayyyy!" Tumakbo ako sa kanya at yumakap. Namiss ko si nanay.
"Anong ginagawa mo dun?" Humiwalay ako sa yakap at tumingin sa may pinuntahan ko kanina.
"Kasi po may anino. Pero baka guni guni ko lang po yun. Wag niyo na pong pansinin. Hehehe." Binalik ko yung tingin ko kay nanay. Ngumiti siya saka ginulo yung buhok ko.
"Ikaw talaga. Namiss kita, anak." Anak daw. Yieee! Ngumiti ako ng malapad saka ulit niyakap si nanay.
"I missed you too, nay! Wala kaming tagaluto, tagalaba, tagalinis ng bahay." Pero joke lang yun. Haha.
"Talaga? Haha. Ikaw talaga." Humiwalay siya sa akin at ginulo na naman ang buhok ko. Ang hilig manggulo ng buhok ha.
"Joke lang po yun, nay. Syempre namiss ko kayo dahil sa antagal niyong nawala. Hindi na tayo nakakapagbonding." Sabi ko. Naku! Mamaya gagala agad kami. Hahaha. Kinain ko yung sinabi ko kanina.
"Hahaha. Namiss rin kita eh. Ano bang gusto mong breakfast? Magluluto ako." Naglakad si nanay sa may lutuan at kumuha ng kawali. Sumunod lang ako sa kanya.
"Alam niyo na, nay." Tumingin si nanay sa akin kaya nagtaas baba ako ng kilay. Ngumiti naman siya saka pumunta ng ref at kinuha ang isang plastic ng tuyo. Tagal kong hindi nakakain nito. Waaaaaa! Kumuha rin si nanay ng dalawang itlog at dalawang hotdog. Sinara niya yung ref saka bumalik sa may lutuan. Pumunta muna ako ng salas at umupo. Kinuha ko yung cellphone ko sa may mini bag ko para tignan kung may nagtext ng GANITO KAAGA -_-" at sa inaasahan ko meron nga.
From: Kuya :*
Hi baby! Pasakay na kami ng kuya steve mo. Ingat kayo sa pag uwi ha? Laging kumain. Wag magpapalipas ng gutom. Tinawagan ko na si nanay kaya for sure nandiyan na yun sa bahay pag uwi mo. Ingat lagi ha? I love you!Ngayon ko lang nabasa. Siguro dahil sa pag iisip ko kanina. Binulsa ko na lang ulit ang cellphone ko saka sumandal sa may sofa.
"Anak, kakain na." Napangiti ako sa sinabi ni nanay. Ang sarap pala sa pakiramdam kapag tinatawag kang anak noh?
"Okay po, nay!" Huminga muna ako ng malalim bago tumayo at pumunta ng kusina.
"Sabay na po tayo." Sabi ko pagkaupo. Kumuha pa si nanay ng isang plato para sa kanya at naupo na rin. Kinuha ko ang plato na lalagyan ng sinangag at nillagyan ang plato ko bago binalik. Kinuha ko naman ang lalagyan ng ulam. Kumuha ako ng tatlong tuyo ^_^ hihihi. Yun lang naman gusto ko eh. Binalik ko na yung plato saka nagsimulang kumain.
"Kamusta ka na, anak? Laki ng pinagbago mo. Nakacontact lens ka na oh. Tapos ang ganda mo na manamit." Tumingin lang ako saglit sa kanya at bumalik ulit sa pagkain.
"Okay lang po, nay. Si kuya po kasi sinanay ako. Nung dumating po si kuya pinamili niya po ako ng mga damit sa mall." Sabi ko sabay subo ng pagkain.
"Aba, sa mall? Kala ko ba allergic ka dun?" Napatawa ng bahagya si nanay.
"Si kuya po kasi. Binablockmail ako. Hahaha." Sabi ko.
"Kulit niyo talagang magkapatid noh? Hahaha!" Pagkatapos nun wala na ulit nagsalita sa amin. Kumain lang kami ng kumain hanggang sa natapos kami. Nagpaalam ako kay nanay na aakyat muna ako sa kwarto para matulog. Pero syempre pahinga muna, kakatapos ko lang kumain. Umakyat na ako sa kwarto at umupo sa kama. Kinuha ko yung cellphone ko para tignan kung may text or kung ano pero wala naman kaya nilagay ko na lang muna sa may bedside table ko yun atsaka humiga.
******
"Anak, tanghali na. Gumising ka na." Naramdaman kong may tumatapik sa pisngi ko kaya dinilat ko ang isa kong mata. Si nanay. Umupo ako at kinusot ang mata.
BINABASA MO ANG
Stay With Me
Fanfiction"Hindi ko naman siya gustong iwan e. Sadyang kailangan lang talaga." -Alliyah "Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan. Hindi mo ako ipagpapalit sa anomang bagay." -Cliff Magkatuluyan kaya sila hanggang sa huli? O magbabago na ang lahat dahil sa ginaw...