1 pm
"Kuya, i'm home!" Sinara ko yung pinto at dumiretso sa kusina. Baka kasi nandun siya pero wala.
"Kuya?" Hanap lang ako ng hanap kay kuya. Nakapunta na ako sa sala, garden, atsaka sa kwarto niya pero wala siya. Pumunta na lang ako sa kwarto ko. Umupo muna ako sa kama at nagtanggal ng sapatos. Nahagip ng mata ko ang isang papel nakaipit sa may alarm clock ko. Kinuha ko yun at tinignan. Isang note...
Alliyah,
Baby, nandito ako ngayon sa office dahil nagkaroon kami ng biglaang meeting. Hindi kita natawagan kasi baka nagkaklase kayo. Tumawag nga pala sa akin si cliff kanina tinanong niya kung pwede ka ba daw niya ayain sa EK. Pumayag na ako kaya sumama ka sa kanya ha? Wala ka namang kasama diyan kaya mag enjoy muna kayo. Bukas na lang tayo magbonding. Sinabi ko na rin na ingatan yung baby ko. Yun lang ha. Ingat kayo baby!
P.S pinagluto kita ng pagkain mo. Kumain ka na lang ha?
KuyaKaya pala wala siya. Kala ko umalis na siya. Tinabi ko na yung note saka nagbihis. Pagkatapos bumaba na muna ako at pumunta sa may dining table para tignan yung ulam. Sorry pero gutom na kasi ako eh. Hmm.. afritada! Isa sa mga favorite kong ulam. Kumuha na aagad ako ng plato at nagsandok ng kanin. Umupo ako, nanalangin atsaka kumain.
30 MINUTES
Kasalukuyan na akong namimili ng damit para sa pupuntahan namin ni cliff. Excited na ako! Huling punta ko kasi sa Enchanted Kingdom I think 10 years old? Tagal ko na ring hindi nakakapunta dun. Kinuha ko na lang na susuotin ay shorts at pink t-shirt na may tatak na "I Love You" wala na akong mapili eh. Alangan namang mag dress pa ako diba ? Pumunta na ako sa cr para maghalf bath. Pagkatapos nagbihis na ako. Nagsuot ako ng converse para hindi mahirapan sa paglalakad. Nag apply rin ako ng blush on at lipstick. Sinasanay kasi ako ni kuya maglagay ng kahit light make up lang. Kaya siya napagkakamalang bakla eh. Pinusod ko na lang yung buhok ko. Nakakatamad eh.
*ding dong**ding dong*
Si cliff na 'to. Kinuha ko na yung bag ko at bumaba. Pagkabukas ko nakatalikod siya. Ang porma niya ha. Humarap siya sa akin at tinanggal ang shade. Tumingin ako sa langit, makulimlim. Where's the sun?
"O asan yung araw?" Kumunot naman yung noo niya.
"Kapag nakashade kailangan kapag may araw lang. Hindi ba pwedeng pantakip lang kapag may sore eyes or what?"
"Bakit may sore eyes ka ba?" Nagroll eyes na lang siya. Talo ka!
"Tara na nga!" Nauna na siyang maglakad papuntang kotse. Sumunod na lang ako mukhang nabadtrip eh. Pagkarating ko dun sa may kotse pinagbuksan niya na ako ng pinto sa shotgun seat. Pumasok na ako at magtthank you pa sana ako ng bigla niyang isara yung pinto. Bastusan lang teh? Upakan ko na kaya 'to. Nakakagigil! Argh! Umikot na siya sa may driver seat at pumasok. Inistart niya na yung engine at sinimulang magmaneho. Isa lang masasabi ko sa amin ngayon. AWKWARD! Para makaiwas na rin kinuha ko na lang yung earphone ko at nakinig na lang sa music.*****
Nagising ako dahil sa may tumatapik sa may pisngi ko. Tinabig ko naman yung kamay nun at umayos ng upo. Kinusot ko yung mata ko.
"Anong oras na?"
"3 na po madam!" Srsly ? Ganun ba katagal yung biyahe?
"Tara na." Bumaba na siya at umikot sa may pwesto ko para pagbuksan ako ng pinto. Inayos ko muna yung earphone ko bago lumabas.
******
"CLIFF ! AYOKO NA! BWISIT KAAAAA!" Ayoko na! Para na akong mamatay!
"ANG SAYA NOH? HAHAHA!" Aa nang aasar ka pa ha.
BINABASA MO ANG
Stay With Me
Fanfiction"Hindi ko naman siya gustong iwan e. Sadyang kailangan lang talaga." -Alliyah "Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan. Hindi mo ako ipagpapalit sa anomang bagay." -Cliff Magkatuluyan kaya sila hanggang sa huli? O magbabago na ang lahat dahil sa ginaw...