Alliyah's POV
Kringg ! Kringg! Kring--
Hmm.. umupo ako at nag unat unat. Hayy! Tumingin ako sa may orasan ko. 4:30 am tumayo na ako at pumunta sa cr. Naghilamos ako at lumabas ng cr. Inayos ko na yung kama ko atsaka bumaba. Pumunta ako sa kusina at ayun nakita ko si kuya. Napatingin siya sa gawi ko.
"Good morning, baby!" Tumango na lang ako kay kuya at pumunta sa may garden. Gusto ko munang mag isa. Hindi ko alam kung tama ba na ganito ko pakitunguhan si kuya. Naawa ako sa kanya. Feeling ko ang sama sama kong kapatid.
Pinapahirapan ko pa siyang umalis. Hindi ko namalayang naiyak na pala ako. Hindi ko pinunasan yun. Hinayaan ko lang na tumulo ng tumulo yung luha ko. Ayoko lang kasing magkalayo ulit kami ni kuya. Babalik naman siya pero dadaan pa ang ilang taon. Ba't ganito ? Yung huli niya namang alis hindi ako nagkaganito. Siguro dahil nagbago si kuya ngayon. Mas lalo kasi siyang naging sweet sa akin. Mamimiss ko na naman yung kasweetan niya. Yung kakulitan niya. Kahit ano namang gawin kong pagpilit na huwag na siyang umalis wala rin naman akong mapapala. Aalis at aalis pa rin siya. Pinunasan ko na yung luha ko at bumalik sa kusina. Pagkadating ko doon wala na si kuya at nakahanda na yung breakfast ko. Umakyat muna ako at pumunta sa kwarto niya. Pagkabukas ko nandun siya sa kama natutulog pero nakabukas yung laptop niya. Lumapit ako doon at tinignan yung laptop. Para na naman sa kumpanya. Nagpupursigi talaga siya para mabuhay kami. Umupo naman ako sa may kama niya. Tinignan ko siya kuya. Mahimbing ang tulog niya. Kiniss ko muna sa noo si kuya at nilagyan siya ng kumot. Lumabas na ako ng kwarto niya. Bumaba na ako at kumain.
*******
"Kamusta yung lakad niyo ni cliff ? Hindi ba puro bangayan?"
"Hindi naman."
"Masaya ba?"
"Oo. Super."
"Saan saan kayo sumakay?"
"Zyrus, iisa isahin ko pa ba? Ang dami nun. Atsaka ba't ang dami mong tanong? Kailangan mo ba ng iinterview-in? Wag ako please." Kanina pa siya tanong ng tanong. Simula nung sinundo niya ako sa bahay hanggang dito. Halos paulit ulit nga yung tanong niya eh. Sumasakit na nga yung ulo ko eh.
"Hindi naman. Gusto ko lang malaman." Tss. Hindi na kailangan.
"Hindi mo na kailangang malaman." Bored kong sagot sa kanya. Naglalakad na kami papuntang room.
"Bakit hindi? Sigu--"
"Can you please just shut up!?" Napatigil naman siya sa paglalakad. Ngayon ko lang kasi siya nasigawan ng hindi biro eh.
"I'm sorry. Masakit lang kasi yung ulo ko." Naglakad naman ulit siya at inakbayan ako.
"Okay lang yun!" Napahilot ako sa sentido ko. Nasakit na nga yung ulo, nahihilo pa ako. Habang naglalakad kami ni Zyrus mas lalong umikot yung paningin ko. Hanggang sa naging itim na ang lahat.
Zyrus' POV
Napapansin ko si alliyah na parang gumegewang gewang. Maya maya bigla na lang siyang natumba buti na lang at nakaakbay ako sa kanya.
"Alliyah!" Tinapik tapik ko yung pisngi niya pero wala talaga siyang malay. Binuhat ko siya at dinala sa clinic.
"Ate, patulong naman po!" Napatingin naman agad si ate sa akin at lumapit.
"Ano pong nangyare?"
"Bigla na lang po kasi siyang natumba. Ewan ko po kung bakit." Hiniga ko muna si alliyah sa may maliit na kama. Chineck niya si alliyah.
"Stress po siya kaya sumakit yung ulo niya at nahilo. Kailangan niya lang muna ng pahinga." Tumango naman ako kay ate.
"At mas mabuti pa po na bantayan niyo muna siya hanggang sa magkamalay na siya." Iniwan na kami ng babae. Umupo ako sa may upuan sa tabi ng kama ni alliyah. Ni rest ko muna yung ulo ko sa may gilid ng kama. Hanggang sa nakatulog na pala ako.
BINABASA MO ANG
Stay With Me
Fanfiction"Hindi ko naman siya gustong iwan e. Sadyang kailangan lang talaga." -Alliyah "Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan. Hindi mo ako ipagpapalit sa anomang bagay." -Cliff Magkatuluyan kaya sila hanggang sa huli? O magbabago na ang lahat dahil sa ginaw...