Inlove?

180 10 0
                                    

Alliyah's PoV

"Hayy! Natapos rin tayo." Naglalakad na kami ngayon papuntang parking lot. Kakatapos lang namin mamili ng mga damit ni nanay. Actually, napagod daw siya kaya ayun, pagkatapos namin nakahinga na. Hahaha! Nilagay ni zyrus yung mga pinamili namin sa may compartment. Pumasok na kami sa kotse. Inistart niya na yung engine at saka nagsimulang magmaneho. Kinuha ko yung cellphone ko sa bulsa ko.

30 messages
15 missed calls

Seriously? Sino naman kaya 'to? Sinilent ko kasi para hindi kami maistorbo ni nanay sa pamimili. Mehehe! Binuksan ko yung at lahat galing kay...

"Cliff?"

"Huh?" Napatingin ako kay zyrus.

"Anong huh?" Tanong ko. Sumilip ako sa likod at nakita kong natutulog na si nanay. Binalik ko ulit yung tingin ko kay zyrus.

"Anong nangyare kay cliff?" Huh?

"Hindi kita gets." Sagot ko.

"Nabanggit mo pangalan ni cliff. So, anong nangyare sa kanya?" Nabanggit ko ba? Tenge leng alliyah.

"Ah. Wala naman." Sagot ko. Tumingin ako sa cellphone ko at binasa yung ibang text.

"Hi! Gala tayo."

"Babs? Pwede ka ba?"

"Reply ka naman :("

"Babs?"

"Nasaan ka ba?"

"You're not answering my calls."

"Hey? Punta ako diyan ha?" Futek! Pupunta siya? Babalik ko na sana yung cellphone ko sa bulsa ng nagring yung phone ko.

Close your eyes, give me your hand darlin'
Do you feel my he--

"Hello?"

[Thank god. Kanina pa ako tawag ng tawag ngayon mo lang sinagot."]

"Ay! Hehe. Sorry yabs, nakasilent kasi phone ko eh."

[Nasaan ka? Kanina pa ako doorbell ng doorbell dito. Pudpod na daliri ko kakapindot.] Pudpod agad?

"Kasama ko si zyrus a--"

[ZYRUS?! WHY?! WHERE ARE YOU?! BA'T MO SIYA KASAMA?! ALLIYAH SUMAGOT KA!]

"Cliff, pano ako makakasagot kung sigaw ka ng sigaw? Kasama ko rin si nanay. Patapusin mo kasi ako pwede ba? Inuunahan ka na naman ng selos." Napatakip ako ng bibig sa sinabi ko. Dahan dahan akong lumingon kay zyrus at nakita kong nakakunot yung noo niya.

[Ah. Sorry. Pauwi na ba kayo? By the way, i'm not jealous!]

"We're on our way na. Kiss na lang kita kay zyrus ha?" Pang aasar ko

[WTF!? NO WAY! PAGNAKAUWI NA TALAGA KAYO DITO AT NALAMAN KONG KINISS MO YAN DUDURUGIN KO NGUSO NIYAN! By the way, Ingat ka. Papasagutin pa kita ha? I love you!] Kinilig naman ata ako dun. Yieee!

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon