Pagkikita

99 1 0
                                    

Monday [6:30 AM]

"Good morning, guys! Excited na ba kayo?" Pababa pa lang kami ni Cody, rinig na rinig ko na ang boses ni Daine. Talaga yung babaeng yun!

"Ano ba yan, Daine. Aga aga sumisigaw ka. Yung totoo?" Reklamo ko. Pinaghilahan ako ni Cody ng upuan ng makarating kami sa may dining area. "Thank you." Ngumiti lang siya sa akin saka tumabi.

"Grabe! Buti nga ako nasigaw lang e. Kayo nga ni Cody harutan agad." Tinignan ko ng masama si Daine. "Sweet kasi siya kaya ganoon." Patama ko kay Zyrus. Diniinan ko talaga bawat word na binitiwan ko.

Napangiti naman ako ng umupo bigla si Zyrus sa may harap namin which is sa tabi ni Daine.

"Hoy hoy! Sweet kaya ako. Di mo kasi ramdam e." Napairap na lang ako. Bahala kayo diyan.

"Here. Eat these." Tinitignan ko ang bawat pagkain na inilalagay ni Cody sa plato ko. Seryoso? "Marami na, Dy. Di naman ako bibitayin mamaya diba?" Natatawa kong tanong. Pano ba naman kasi, punong puno yung plato ko.

"Just eat. No more buts." Hay nako! Wala na akong magagawa. Kumain na lang ako ng kumain.

___***___

"Omygod! Transferees? Ang hot nilang dalawa!"

"Dang! Ang pogi nung nasa likod, pero mukhang taken na."

"Pare, sana kaklase natin yang chicks. Liligawan ko agad yan pagnagkataon."

"Gago! Unahan na lang tayo."

Yan yung mga *ehem* bulungan kuno nila. Tss! Gusto kong sumigaw na taken na sila. Di ba obvious? Sarap ipalamon sa kanila yung mga kamay naming magkaholding hands.

Napatingin ako kay Cody ng humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

"Hmm? Anong nangyayare?" I asked him. Lumapit siya sa may tenga ko. Enebe! "I wanna rip their eyes off. They are looking at you. Tss!" Naku! Selos na naman.

"Hahaha. The feeling is mutual. Look at those girls, the way they look at you, I think they want to rip your clothes off." napahagikgik kaming parehas. "Yeah, cause i'm so hot." Yabang!

"Hoy, ang hangin naman. Baka tangayin ako ha?" Reklamo ko. "Hindi ka tatangayin kasi you ate a lot of foods." Buset. Umirap na lang ako saka nauna ng maglakad.

"Iya!" Napaharap ako ng mahablot niya ang kamay ko. "I'm sorry, okay? I'm sorry. I didn't mean it. I just want to make you smile." Nginitian ko siya. "Okay. I'm just kidding lang rin naman e." Napatingin ako sa may likod niya. Nasaan na yung dalawang yun?

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon