Cliff's PoV
"Bye zyrus!" Pagpapaalam namin ni carl. Tinanggal niya ang pagkakasandal sa kanya ni alliyah at nilipat sa akin. Nagwave siya saka tuluyang lumabas. Nagmaneho na ulit yung driver.
"So cliff, sigurado ka bang may feelings ka na kay alliyah?" Nasabi ko na kay kuya ang lahat. Bago pa lang ako NAPILITANG magconfess kay babs alam niya na. Hindi naman dapat talaga ako magcoconfess sa kanya kanina kung hindi niya lang narinig.
"Yes bro! I'm very sure." Tumingin ako kay alliyah na mahimbing na natutulog.
"Ahm bro, pampawala ng kaunting kaba. Natanong ko pala si alliyah kung may pag asa ba kayo ni zyrus kung nanligaw kayo sabi niya meron daw." Kami ni zyrus?
"Si zyrus?"
"Oo. Pero hindi pa naman niya nililigawan. Pero feeling ko meron siyang gusto sa childhood bestfriend niya." Mukhang may kalaban ako ha.
"Ah." Yun lang yung nasagot ko. Wala akong masabi eh. Palihim akong ngumiti. May pag asa pala eh.
Alliyah's PoV
Nalipad ba ako? Ba't feeling ko nasa taas ako? Unti unti kong dinilat yung mata ko.
"Cliff." Tumingin siya sa akin at nagsmile.
"Hindi ka kasi magising kanina eh kaya binuhat na lang kita." Ah. Ibig sabihin hindi ako nalipad? Binuh-- BINUHAT? Waaaaa!
"Baba mo ako! Uwaaaa!" Ayoko sa lahat yung binubuhat ako eh.
"Shit! Bakit ba?" Pinadyak padyak ko paa ko at umiling iling na parang nasisiraan ng ulo.
"Wag kang malikot baka mahulog tayo!" Hindi pa rin ako tumigil sa kakapadyak. Baba mo ako!
"Ibaba mo na kasi ako!"
"No! Ayokong mapagod ang babs ko." Feeling ko naman umakyat lahat ng dugo ko sa pisngi. Lakas ng epekto nun ha. Tinigil ko na lang ang pagpapadyak at hinayaan siya na buhatin ako.
"Your cute when you're blushing." Sa sobrang hiya ko, siniksik ko na lang yung ulo ko sa may dibdib niya. Ba't ngayon pa kasi ako kinilig eh. Binuksan niya na yung pinto ng kwarto ko. Nang makapasok na kami sinara niya ito gamit ang paa niya. Lumakad siya papuntang kama saka ako pinaupo.
"Thank you!" Pagpapasalamat ko.
"Always welcome!" Grabe lang kasi hindi man lang ba siya nabigatan sa akin? Tinawag niya akong babs short for baboy pero wala man lang akong narinig sa kanya na 'ang bigat mo naman'. Sweet rin pala 'tong lalaking 'to noh? Hahaha!
"Why are you smiling?" Ngumiti? Ako? Nasa isip ko lang yun ha? Napatingin naman agad ako sa kanya.
"Hindi noh. Guni guni mo lang yun." Pagpapalusot ko. Nagcross finger ako at napalip bite. Sana maniwala siya.
"Okay." Wush! Nakahinga naman ako ng maluwag ng makalusot ako. Nagulat ako ng bigla siya lumuhod sa harapan ko.
"Hoy! Anong ginagawa mo?" Hindi niya ako sinagot bagkus hinawakan niya ang paa ko at sinimulang tanggalin ang stilleto na suot ko.
"Kaya ko naman." Binawi ko yung paa ko mula sa pagkakahawak niya. Nakakahiya kasi. Mamaya mabaho pala paa ko. Hindi ako updated. O kaya puro kalyo.
"I insist." Akmang kukunin niya ulit ang paa ko ngunit nilayo nilayo ko ulit 'to.
"Kaya ko nga." Kinakabahan lang kasi ako. Mamaya maturn off 'to eh. Eh ano ngayon kung maturn off siya? Mas okay nga yun eh.
"Isa" nakatingin lang siya ng seryoso sa akin. Mukhang magagalit na 'to pero...
BINABASA MO ANG
Stay With Me
Fanfiction"Hindi ko naman siya gustong iwan e. Sadyang kailangan lang talaga." -Alliyah "Kung mahal mo ako, hindi mo ako iiwan. Hindi mo ako ipagpapalit sa anomang bagay." -Cliff Magkatuluyan kaya sila hanggang sa huli? O magbabago na ang lahat dahil sa ginaw...