Galit

181 8 0
                                    

*tok tok tok*


"Anak, kanina ka pa hindi nalabas. Anong oras na rin hindi ka pa nakain ng hapunan. Lumabas ka muna." Pagkaalis na pagkaalis ni cliff, dumiretso agad ako dito sa kwarto. Nilock ko yung pinto pero bago yun, pumunta muna ako sa kwarto ni nanay para kunin yung duplicate key. Ayoko na munang makita si cliff. Imbes na ngayon ko na siya sasagutin nagkaaberya pa.


"A-ayoko po, n-nay." Pinilit kong hindi magcrack yung boses ko pero ayaw talaga. Kanina pa rin ako iyak ng iyak.


"Naiyak ka ba? Anong nangyare? Buksan mo 'tong pinto anak, please!" Kanina pa rin si nanay sa may pinto. Naaawa ako pero ayoko talagang lumabas eh.

"N-nay, mamaya n-na l-lang p-p-po." Sagot ko.


"O sige, basta kung kailangan mo ng makakausap nandito lang ako ha?" Napangiti ako sa sinabi ni nanay. Siya na lang ang nakakaintindi sa akin.


"Opo n-nay." Narinig ko ang yapak ng paa ni nanay pababa. Hayy! Ang drama ko rin ngayon. Sino pa ba pwede kong lapitan? Wala naman si kuya atsaka buay yun paniguradi. Si zyrus paniguradong pagod yun. Si brylle... ewan ko.


Close your eyes, give me your hand darlin'


Kinuha ko yung cellphone ko sa may tabi ko.


Yabs :) calling...


Kanina pa rin siya tawag ng tawag pero kahit isa sa tawag niya hindi ko sinagot. Nilapag ko na lang ulit yung cellphone ko sa may tabi ko. Napakahirap naman ng sitwasyon ko ngayon. Humiga na lang ako at pinikit ang mata.


*****

Nagising ako ng may marinig akong kumakatok.


"Anak, gising na. Papasok ka pa." Tawag ni nanay mula sa labas. Umupo ako at nagkusot ng mata.


"Opo nay. Babangon na po." Narinig ko ang yabag ni nanay pababa. Tumayo ako at nagunat unat bago pumunta sa banyo at gawin ang morning routines ko. Pagkatapos, bumaba na ako at pumunta sa kusina.


"Good morning, nay." Bati ko kay nanay na kasalukuyang nagluluto ng agahan.


"Good morning din, nak!" Bati ni nanay habang nakatingin pa rin sa niluluto niya. Naglakad ako papunta sa may dining area at umupo.


"Nak, pwede bang magtanong?" Hindi ko alam kung matatawa ako sa tinanong ni nanay o ano pero sa seryoso ni nanay, sumagot na lang ako ng maayos.


"Sige po, nay." Sagot ko. Sinalin ni nanay yung sinangag sa bowl atsaka nilagay sa table.


"Ba't ka naiyak kagabi?" Nakatingin lang ako sa sinangag na bagong luto. Hindi ko alam kung sasabihin ko ba o hindi pero alam kong makakatulong namaan si nanay. Tumingin ako sa kanya na nakaupo sa tapat ko saka ngumiti.


"Nag away po kami ni cliff." Sagot ko sabay kuha ng lalagyan ng sinangag at naglagay sa plato bago ibalik.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon