Decision

268 17 0
                                    

Kala ko ba.. kala ko ba.. waaaaaa!
Niyakap ko agad siya ng sobrang higpit.

"Kuyaaaa! I missed you!" Niyakap niya rin ako. Grabe miss ko 'tong yakap niya.

"Baby girl, miss na miss na rin kita. Nasurprise ka ba?" Tanong niya.

Humiwalay ako sa yakap sa kanya na may ngiti pa rin hanggang ngayon.

"Super kuya. Hindi ko po akalain na uuwi ka. Nung kinausap kasi kita kanina sabi mo hindi ka pa makakauwi." Ngumiti siya sa akin at hinawakan ang mga balikat ko.

"I'm glad that you're surprised. I missed you talaga baby girl." Niyakap niya ulit ako so I hug him back.

Humiwalay na siya ng yakap at tumingin sa akin.

"Yung mga pasalubong mo nandun na sa kwarto mo. I hope you'll like it. Go to your room." Nagsmile naman agad ako sa kanya at nagsimulang maglakad paakyat sa kwarto ko.

Excited na ako. Ano kaya yung pasalubong ni kuya sa akin? Hmm.. let me think.. laptop? Tablet? Cellphone? Yiee!

Binilisan ko ang pag akyat sa kwarto ko sa sobrang excited. Nang makarating na ako sa may tapat ng room ko binuksan ko kaagad yun and nakita ko yung isang box na malaki.

Dali dali kong sinara yung pinto at pumunta agad sa may kama ko.

Umupo ako sa may gilid ng kama ko at binuksan yung box.... O____O ano 'to? Bakit ganito? Dress? Stilleto? Hindi naman ako nagsusuot ng ganito ha. Para saan naman 'to?

Tinanggal ko yung dress at stilleto sa box then may nakita akong maliit na box. Ano 'to?

Kinuha ko yun at binuksan. Isang O___O Contact lens? Para san ba 'to? Ang dami tanong na naiipon sa isip ko hindi naman nasasagot.

Bigla kong naalala yung binigay sa akin ni Zy, contact lens rin.

Habang pinagmamasdan ko yung mga damit biglang bumukas yung pinto ko na naging dahilan ng paglingon ko dun. Si kuya carl pala.

Sinara niya yung pinto at lumapit sa akin. Umupo siya sa may tabi ko.

"Nagustuhan mo ba?" Tanong ni kuya. Bumalik ako sa pagtingin sa damit.

"Kuya, alam niyo naman po na hindi ako nagsusuot nito di ba? Para saan po ba 'to?" Tanong ko.

Wala kasi talaga akong ideya kung para saan 'to eh. Hanggang ngayon pinagmamasdan ko pa rin itong magandang damit.

"Alam ko na hindi ka nagsusuot niyan pero kailangan eh. Sa sabado pupunta tayo sa party. Inimbitahan kasi tayo ng kabusiness partner natin. Kaya please baby girl kahit sa sabado lang." Pagmamakaawa ni kuya.

Well, wala naman akong magagawa isang araw lang naman ba't pa ako aayaw.

Tumingin ako kay kuya at ngumiti.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon