Problem

129 4 0
                                    

Pababa na kami ni kuya ng hagdan ng bigla silang magpalakpakan.

"Ayan na pala ang magkapatid e."

"Si alliyah, halatang umiyak!"

"Pati nga rin si Carl e!" Yan yung mga sinisigaw nila. Napapangiti na lang ako dahil dun.

"Hahaha. Baka naman umiyak na naman kami." Nang makababa kami, pinakain na silang lahat ni kuya.

Kalungkot nga kasi lahat sila nakain na except sa amin. Kahit si Cliff pinakain na niya.

"Kuya, nagugutom na po ako." Reklamo ko. Nandito kami sa garden, nakaupo sa may bench dun.

"Wait a minute, baby. I just go inside, kukunin ko lang yung gift ko ha?" Ano?! Ang dilim kaya dito.

"Kuya, sama ako. Natatakot po ako dito e." Sabi ko habang patingin tingin sa kaliwa't kanan ko.

"Shh. Saglit lang ako baby, promise. Makikita mo kasi agad pag sumama ka e." Tumingin ako kay kuya saka lumunok ng ilang beses bago magsalita.

"Tatakpan ko po yung mata ko. Tatalikod ako basta sama niyo lang po ako." With matching padyak paa pa. Ayoko talaga dito e.

"Ay, ayoko. Saglit lang ako. Pagtumagal ako gawin mo na ang lahat ng gusto mong gawin." Ewan ko pero unti unti na lang akong tumango.

Pinaupo ako ni kuya atsaka niyakap ako bago umalis. Nilibot ko yung paningin ko nang makaalis na si kuya.

Huhuhu! Hindi naman ako totally na takot. Actually, ngayon ko nga lang naramdaman 'to e.

Nanlaki ang mata ko ng makarinig ako ng kaluskos. Kasabay na rin ng pagtulo ng mga pawis ko sa noo. Shit lang!

Tatakbo na sana ako ng may humawak sa kamay ko kaya agad akong nagpanic.

"Waaaaa! Kuyaaaaa, may tao dito. Kuya! Tulung-- hmm." Tinakpan niya yung bibig ko kaya ako, patuloy pa rin sa pag padyak.

"Hmm! Hmmm!" Galing noh? Hindi ako makapagsalita.

"Alli, wag kang malikot." Napatigil ako sa pagpadyak ng marinig ko ang boses niya. Hindi ako pwedeng magkamali kaya humarap agad ako sa kanya.

"Zyruuuuus!" Sigaw ko. Umatras bigla ang luha ko ng makita kong si zyrus nga.

Niyakap ko agad siya ng may ngiti sa labi.

"Ako nga. The one and only." He hug me back na mas lalong nakapagpasaya sa akin.

Namiss ko 'tong lalaking 'to.

Humiwalay ako sa yakap pero hindi pa rin nawawala ang mga ngiti ko.

"Walanghiya ka! Magkasabwat kayo ni kuya noh?" Nakapameywang kong tanong.

"Oo e. This is a suprise." Nahihiya niyang sambit.

Lumapad ulit ang ngiti ko saka niyakap siya ulit.

"Namiss kita, Zy. Kanina lang katext kita tapos ngayon kausap na kita personal." Napatawa siya ng mahina sa sinabi ko. Hehe!

"Alli, walang nagbabago sa'yo. Ganda mo pa rin e..." Humiwalay siya sa yakap at saka hinawakan ang magkabilang pisngi ko.

"...at wala ring nagbago sa nararamdaman ko. Mahal pa rin kita." Nilapit niya ang mukha niya at kiniss ako sa noo.

Napanganga ako dahil sa sinabi niya. Mahal? Ako? Ilang months na ang nakakalipas pero hindi pa rin siya nakakamove on? Naawa tuloy ako sa kanya e.

"I'm so--" hindi ko natapos ang sinasabi ko ng magsalita na siya.

"No need. It's not your fault. I'm the one who need to say sorry. Sorry dahil naramdaman ko sa'yo 'to. Sana..sana hindi mabago ang pagtingin mo sa akin." Pagkatapos nun, yumuko siya at parang humikbi siya ng mahina? Hindi ko sure e. Nabibingi na ata ako.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon