First Date

191 11 2
                                    

Cliff's PoV

Kanina pa nakatingin si babs sa labas. Ayokong sabihin sa kanya kung saan kami pupunta. Kinuha ko rin yung cellphone niya para hindi niya matanong sa kuya niya. Kanina muntik pang mahuli. Tsk tsk tsk! Drive lang ako ng drive hanggang sa makarating na kami sa fernwood. Kung natatandaan niyo dito ginanap yung party tungkol sa business. Ewan ko lang kung natatandaan pa 'to ni babs. Pinark ko na yung kotse saka pinatay yung engine. Tinanggal ko muna yung seatbelt ko bago tumingin sa kanya.

"We're here!" Pero hindi pa rin siya nakibo. Maya maya may nakita akong tumulo na luha galing sa mata niya. Why she's crying?

"Babs, anong problema?" Bumalik naman ang katauhan niya nv tapikin ko siya. Dali dali siyang umayos ng upo saka pinunasan ang luha.

"Ahm, hehe. Wala lang yun. Nandito na ba tayo?"

"Oo. Kanina ko pa sinasabi sa'yo. Ang lalim ng iniisip mo ha?" Tinanggal niya yung seatbelt niya saka tumingin sa akin.

"Tara na?" Kala ko sasagutin niya yung tanong ko pero hindi pala. Lumabas na muna ako ng kotse at umikot sa may shotgun seat para pagbuksan ng pinto si alliyah.

"Thank you." Sinara ko na ang pinto saka humarap sa may entrance ng fernwood.

"Natatandaan mo pa ba 'to?" Tanong ko sa kanya.

"Yeah! I remember this." Hinawakan ko siya sa bewang na naging dahilan ng pagtingin niya.

"Lets go?" Tumango siya saka nagsmile. Naglakad na kami papuntang entrance. Pagpasok namin, nakahanda na nga ang lahat. Gulat na gulat siya sa mga nakita niya.

"Do you like it?" Nagpatuloy lang siya sa paglakad kaya sinundan ko na lang siya. Pinadecorate ko talaga 'to para sa kanya.

"Nah! I don't like it because I love it!" Nagulat na lang ako ng bigla niya akong yakapin. Napangiti ako dun and I hug her back. First time kong makayakap ng babae except my li'l sis. Bumilis ang tibok ng puso ko sa pagkakataong ito. Gusto kong ganito na lang kami lagi. Gusto kong magtagal pa 'to. Humiwalay na siya sa yakap at tumingin straight to my eyes.

"Ikaw ba may gawa nito? Para saan?"

"Yes, ngayon at dito gaganapin ang first ever date natin kahit hindi pa tayo." Inaya ko na ulit siya maglakad hanggang sa makarating kami sa may table na pangromantic talaga. Hinila ko ang isang upuan para paupuin si alliyah. Pumunta naman ako sa may harapan niya at umupo.

"Lets eat?" Tumango si alliyah at nagsmile. Nagsimula na akong kumain pero si alliyah nakatitig pa rin sa pagkain niya. Nilapag ko muna ang tinidor ko at tumingin sa kanya.

"Ba't hindi ka nakain? You don't like the foods? I can call a wai--" hindi na niyaa ko pinatapos magsalita.

"No. I'm not hungry." Matamlay niyang sagot? May sakit ba siya? Tumayo ako at naglean ng kaunti sa kanya para tignan kung may lagnat siya pero wala naman.

"Wala ka namang sakit. Ba't ang tamlay mo?" Umupo ulit ako at tumingin sa kanya ng diretso.

"Wala. Can we go home? I want to rest." Hayy. Kahit ayaw ko pinilit ko na lang. Para naman sa mahal ko 'to eh. Tumayo ako atsaka inalalayan siyang makatayo. Naglakad na kami papunta sa pinagparking-an namin. Pinagbuksan ko ulit siya ng pinto. Pagkasakay niya, sinara ko agad ito at umikot sa may driver seat. Inistart ko na ang engine at sinimulang magmaneho.

"Babs" tawag ko kay alliyah. Tulala lang kasi siya eh. Ang lalim ng iniisip.

"Hmm?"

"Ano ba kasing iniisip mo? Pwede mo namang sabihin sa akin eh. May problema ba?" Ayoko talaga siyang nakikitang malungkot. Malungkot ako kapag malungkot rin siya.

"Kasi..." sumulyap ako sa kanua at nakita ko siyang nakayuko. Nakaharang sa mukha niya na buhok kaya hindi ko siya masyadong makita.

"Kasi?" Pag ulit ko. Maya maya nakarinig na ako ng paghikbi. Tinabi ko muna yung sasakyan para makatingin sa kanya ng diretso.

"Ba't ka naiyak, babs?" Inangat ko ang ulo niya. Nakita ko ang patuloy na pagtulo ng luha ni alliyah.

"Si kuya..." niyakap niya ako ng mahigpit. "...aalis na si kuya." Niyakap ko rin siya at hinagod ang likod para kumalma kalma siya.

"Shh, babalik naman si Carl eh. Hindi naman siguro sila magtatagal doon." Humiwalay siya ng yakap at tumingin sa akin ng nakakunot ang noo.

"Sila?" Hindi niya alam?

"Oo. Sila nga. Sila ni kuya. Nagkaproblema kasi kaya ayun, napilitan silang bumalik sa states." Pinunasan niya ang ilang luha sa may pisngi niya.

"Hindi ka ba nalulungkot?" Tanong niya.

"Ba't naman ako malulungkot kung babalik naman si kuya, diba?" Tumango siya sa akin saka nagsmile.

"Tama ka nga. Babalik sila." Napangiti naman ako dahil kahit papaano, medyo napagaan ko ang loob ni alliyah.

"Start driving." Ngumiti ako sa kanya bago iistart ang engine saka nagmaneho.

Alliyah's PoV

Hayy! Kanina pa 'tong luha ko. Tulo ng tulo. Ginagawa ko na nga ang lahat para hindi lumabas pero wala pa rin. Taksil 'tong mga luha ko. Tinignan ko ulit ang mga bahay bahay sa may labas. Ang gaganda. Daig pa ang sa amin. Mas gusto ko pa kung ganoon lang ang bahay namin atleast pinaghirapan ni kuya. Ilang beses ko ng sinasabi na napakaswerte ko. Napakaswerte ko dahil nagkaroon ako ng kuya na masipag. Ang drama ko! Aalis lang naman si kuya eh. Haha! Nakarating na kami dito sa bahay. Tinabi niya na ang kotse atsaka pinatay ang engine. Tumingin ako sa kanya at sakto naman nakatingin rin siya.

"Sorry." Yumuko ako sa sobrang kahihiyan. Pinaayos niya pa yung sa fernwood para sa date namin pero nasira ko rin. Feeling ko tuloy ang sama ko.

"It's okay. I understand." Nagsmile siya sa akin. Ang bait nga ni cliff. Siguro nga dati napagtitripan niya ako dahil wala pa siyang alam tungkol sa akin. Nginitian ko rin siya saka tinanggal ang seatbelt. Bubuksan ko na sana ang pinto ng bigla siyang magsalita.

"I'll be always by your side. I will do my best to protect you and not to hurt you. I love you!" Humarap ako sa kanya at ngumiti.

"Thank you, cliff." Lumapit siya sa akin at hinalikan ako sa noo.

"Always welcome just for you." Nginitian ko ulit siya saka lumabas ng kotse. Sinara ko ang pinto at nagwave ako bago siya makalayo. Naglakad na ako papuntang gate at pumasok. Hayy! Medyo gumaan pakiramdam ko. Pumasok na rin ako sa loob ng bahay at nakita ko si kuya na nanood ng tv.

"Good evening, kuya!" 6pm na kasi ngayon. Malayo kasi yung fernwood kaya ilang oras ang biyahe. Napatingin naman siya sa may pwesto ko saka tumayi at pinatay ang tv.

"Good evening din, baby!" Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Nagsimula na namang tumulo yung luha ko. Mamimiss ko 'to.

"Kuya..." hinigpitan ko pa ang yakap kay kuya.

"Shh, naiyak ka na naman? Stop crying na." Hinagod niya ang likod ko to calm. Humiwalay siya sa yakap at hinawakan ang pisngi ko. Pinunasan niya ang mga luhang patuloy pa rin sa pagtulo.

"Kuya, wag mo pong pabayaan sarili mo dun ha? Mag iingat ka. Lagi kang kumain. Text mo po ko lagi." Pagpapaalala ko.

"Haha. Ano ka ba naman baby? Ako dapat ang magpapaalala sa'yo niyan eh." Tumulo na rin ang luha ni kuya. Grabe lang kasi first time ako maging oa. Siguro nga kasi aalis na si kuya at wala na naman akong makakasama kundi si nanay. Namimiss ko na rin naman siya.

"Tama na nga po 'to, kuya. Hahaha. Last day mo na nga lang po dito sa pilipinas iyakan pa. Haha." Pinunasan namin yung nga luha namin.

"Ayaw mo ba ng iyakan? Eh tawanan?" Lumapit siya sa akin at..

"Hahaha kuya. Hahaha t-tama na. Hahahaha!" Tumakbo ako sa may sofa at binato siya ng unan pero nasasalo niya.

"Hahaha ano ba? Hahaha kuya!" Kiniliti na naman ako ni kuya ng makalapit siya sa akin. Mamimiss ko talaga kakulitan nito.

*****

Lovelots! :*

Vote>>Comment>>Share

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon