Broken Promise

102 4 0
                                    

Alliyah's PoV

"Nakahanda na ba lahat ng gamit mo, baby?" Alas tres pa lang ng umaga ng gisingin na ako ni kuya.

"Opo kuya." Matamlay kong sagot.

Umupo ako sa kama saka tumungo. Si Yabs.

"Iniisip mo pa rin siya noh?" Naramdaman ko ang pagtabi ni kuya sa akin.

Tumango lang ako as a answer.

"Hayy! Kung pwede lang baby. Ayoko maging hadlang sa inyo pero pasensya na. Kailangan mo na talagang malaman ang mga tungkol sa kumpanya." Inakbayan niya ako saka isinandal yung ulo ko sa balikat niya.

"Bawal na po ba talaga? Hindi ko pa po kasi nasasabi at hindi ko po siya kayang iwan." Humigpit lalo yung yakap ni kuya.

"Bawal na baby. Sorry." Tumulo na yung luha na kanina ko pa pinipigilan.

"Kuya..." niyakap ko na rin siya ng mahigpit saka siniksik yung mukha ko sa leeg niya.

"Shh, don't cry baby. Ako na lang ang magsasabi sa kanya gu--" umiling agad ako sa kanya.

"No kuya. Baka pigilan niya po ako." Hinagod ni kuya yung likod ko.

"Okay. But please, stop crying na ha?" Pagpapatahan ni kuya sa akin.

Tumango na lang ako sa kanya.

*ding dong*

"Oh, ang aga ata ni Zyrus. Pano kapag hindi pa tayo gising?" Napatawa ako saglit kay kuya.

Bumaba siya para tignan si Zyrus sa baba.

Tumingin ako sa may bintana ng kwarto ko.

Hayy. Ama, tulungan niyo po akong maipaunawa kay Cliff ang lahat.

"Alliyah..." napatingin ako sa may pinto.

Ba't parang lumungkot si kuya.

"Bakit po kuya? Anong problema?" Tanong ko.

Lumabas bigla sa likod niya ang hindi ko inaasahan sa lahat.

Masayang masaya siya ngayon.

Siguro'y dahil hindi niya pa alam.

"Babs!" Lumapit siya sa akin saka ako niyakap.

"Yabs.." bulong ko.

Humiwalay siya at tumingin sa akin.

"Ahm, sorry ha. Ang aga aga ko. Alam ko kasi na aalis na si Carl ngayon e." Sumilip ako kay kuya na nasa likod.

Nagkibit balikat lang siya.

"Ah, o-oo eh. S-sasama ka ba?" Pinilit kong wag mautal pero hindi ko kaya dahil sa sobrang kaba.

Kumunot ang noo niya pero napawi rin naman agad yun at napalitan ng ngiti.

"Oo naman. Kasama ka e. Teka..." nilibot niya ang paningin niya sa kwarto at kumunot ang noo. Shoot!

"Ba't ang dami naman atang gamit ni Carl? Atsaka bakit may mga pink maleta?" Napalunok ako sa tanong niya.

"I think you two need to talk. Baba lang ako. Hintayin ko si Zyrus." Sabay kaming napatingin sa nagsalitang si kuya.

Tumango na lang kami ni Cliff.

Lumabas na siya at sinara ang pinto.

"So, bakit nga? Nababakla na ba si Carl? Pfft!" Naiiyak na ako, promise.

"H-hindi. Yabs, m-may s-s-sasabihin ako s-sa'yo." Pautal utal kong sambit.

Kumunot ang noo niya.

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon