Away?

416 19 3
                                    

Ano na namang problema nito? Lumapit siya sa amin na may kaunting galit.

"Hoy ikaw lalaki, bakit mo sila pinaalis sa upuan nila? Napakaungentleman mo naman. Kalalaki mong tao ba't hindi ikaw yung umupo dun?" Napatayo naman agad si Zy.

"Eh anong problema? Pinilit ko ba sila? Diba ang linaw ng pagtatanong ko sa kanila? Kung pwede kaming magpalit? Wala naman akong sinabi na doon sila umupo. Atsaka bakit ganyan ka ba magreact? Napaka OA mo!" Nagbago naman agad yung itsura ni antipatiko.

Kung kanina medyo galit lang siya ngayon galit na galit. Uh-oh parang alam ko na sunod nito ha. Kaya bago pa mangyare yun tumayo na agad ako at inawat sila.

"Tumigil nga kayo! Simpleng problema pinalalaki niyo. Tara na lang zy dun na lang tayo sa monoblock umupo kaysa naman bungangaan tayo ng bungangaan nito!" Hinihila ko na si Zy pero wala eh.

Nagtititigan pa rin sila eh. Nagpapatayan sa titig nila. Nagulat naman ako ng tumingin si antipatiko sa akin ganun pa rin yung mukha. Okay?

"Ikaw! Wag ka ngang mangialam dito. Napakapakialamera mo talaga noh? Masyado kang papansin siguro crush mo ko kaya ganyan ka!" Sinigaw niya sa akin yun. Aba hinahamon talaga niya ako ha.

"Hoy ikaw na lalaking hindi ko alam ang pangalan, ang kapal naman ng mukha mo noh?! Kalalaki mong tao napakaconceited mo! Daig mo pa mga babae eh. Bakla ka siguro!" Sigaw ko rin sa kanya.

Aba hindi ako nagpapatalo no. Lahat ng kaklase ko napa 'ha?' sa sinabi ko. Oh, gantihan lang yan ngayon mararamdaman mo kung ano ang ginawa mo sa akin.

"Ako bakla? Ha-ha. Gusto mo patunayan ko sa'yong hindi ako bakla?" Lalapit na sana siya ng bigla siyang itulak ni zy.

Napaupo naman sa sahig si antipatiko.

"Wala kang karapatan na sigawan siya at lapitan! Sinasabihan mo akong hindi gentleman eh ano ka pa?" Tumayo si antipatiko at handa na sanang suntukin si Zy ng biglang dumating yung teacher namin.

"Anong nangyayare dito?" Napatingin na lang kami sa teacher namin at sabay sabay na umiling.

Pinaupo niya na kaming lahat. Hindi kami umalis dito. Ewan ko ba diyan kay Zy ayaw patalo eh?

"Okay. So, since first day of school as usual magpapakilala kayo dito sa harap isa isa." Nagsimula si mam sa may harap.

5 minutes

Ako muna ang magpapakilala bago si Zy. Tumayo na ako at pumunta sa harap.

"Good morning! I'm Alliyah Charles, 17 years old." Pagpapakilala ko. Bumalik naman ako sa upuan ko ngayon at umupo. Sumunod naman si Zy sa akin.

"I'm Zyrus Sevilla. 18 years old." Bumalik na rin siya sa upuan niya at sumunod naman si antipatiko.

Hindi sila magkatabi may space kasi dapat sa gitna eh. Pumunta na siya sa harap na walang emosyon.

"I'm Cliff Allison Smith. 18 years old." Bumalik na siya sa upuan niya na bored na bored.

Well, wala akong pake! Nagpakilala naman yung rest sa class.

Break Time

At dahil sa marami kami nakain lahat ng oras ni ma'am dahil lang sa pagpapakilala.

Ngayon, break na namin. Kasama ko si Zy ngayon atsaka libre niya daw ako. O diba paglibre sa akin wala ng tanggi tanggi!

Kasalukuyan kaming naghahanap ng table ngayon. Pano ba naman hindi mauubusan eh sa dinami rami ng 4th year dito kulang na kulang na.

Buti nga hindi pinagsabay yung break time namin atsaka ng 1st year kung hindi... BOOM! hahaha! Joke. Buti na lang medyo maaga yung break time namin kaya hindi pa masyadong maraming tao.

Nang makahanap na ako ng bakanteng upuan at mesa pumunta na agad ako dun. Alam niyo na baka mamaya may mauna pa.

Si Zy siya na lang daw oorder at treat niya daw ako. O diba ang swerte ko talaga sa kanya. Hahaha! Joke lang syempre hindi ko siya pineperahan no.

Nakalipas ang limang minuto dumating na si Zy na may dalang tray. Alam ko walang tray dito ha.

"Pinahiram 'to sa akin kasi daw ang dami kong binili baka daw hindi ko kayanin. Sinabi ko na agad sa'yo kasi alam ko magtataka ka. Oh, eto na." Binaba niya na yung tray at tama nga madami nga siyang binili.

Bumili siya ng lugaw,burger,shake at... KWEK KWEK my favorite. Hanggang ngayon pala hindi niya pa rin nakakalimutan yung favorite ko. Hmm...

"Wow! Kwek kwek yehey hindi mo pa rin pala nakakalimutan yung mga favorites ko." Sabi ko na parang bata. Napasmile naman siya at umupo.

"Syempre naman. Pwede ko bang kalimutan yun?" Ang bait bait niya talaga.

"Thank you! Gaganahan na naman akong kumain nito." Kinuha ko na yung isang lugaw, shake, burger at syempre yung kwek kwek! Meron din siya dalawa kasi inorder niya bawat isang pagkain.

Nagsimula na akong kumain. Yipie!

20 minutes

Natapos na kaming kumain. Woah! Busog na yung mga alaga ko. Hahaha! Ang charap charap lalo na kapag LIBRE! Nyahaha!

"Ano? Okay ka na ba?" Tanong niya.

"Okay na okay. Ang sarap kasi eh." Sagot ko.

Ngumiti siya sa akin. Dimples.. dimples.. wahhh! Ang lalim ng mga dimples niya. Ang pogi pogi talaga nitong kababata ko. Hayyy!

******

Cliff at the media :)

Lovelots! :*

Vote>>Comment>>Share

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon