Date [1/2]

123 4 0
                                    

Cliff's outfit at the media

*****

Alliyah's PoV

"Bye po. Thank you po ulit!" Kapapaalam ko lang sa huling bisita namin. Nginitian nila ako saka sila umalis.

"O sige, magliligpit muna ako ng mga gamit. Dito muna kayo ha?" Tumango lang kaming apat kay nanay.

"Alli, una na pala ako. Aayusin ko pa yung gamit ko e. Babalik na kasi ako sa makalawa." Pagpapaalam ni Zy.

"Huh? Ang bilis naman ata?" Kakauwi niya lang kanina tapos babalik na agad siya sa makalawa.

"E ang totoo niyan..." tumingin siya kay kuya bago tumingin ulit sa akin. "..noong lunes pa kami nandito ng kuya mo e. Hindi talaga kami nagpakita sa inyo."

So meaning to say, limang araw silang hindi nagpakita. Miss na miss ko pa naman si Kuya tapos ganoon?

"Sorry baby. Alam kong nagtatampo ka. Pwede pa naman tayong magbonding bukas e." Nakangiting sambit ni Kuya. Lumiwanag ang mukha ko at lumapad ang ngiti.

"Talaga po kuya? Gagala tayo bukas?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya. Dahan dahan siyang tumango na mas nakapagpalapad pa sa malapad ko ng ngiti.

"Yehey! Goodnight kuya, goodnight Zyrus, goodnight Yabs. Tulog na ako ng maaga para maaga kaming makaalis at matagal tagal ang pagbabonding namin ni kuya." Paalam ko sa kanila. Umiling iling si Zy habang nakangiti. Si kuya naman nagpipigil ng tawa at si Yabs nakangiti lang.

Niyakap ko muna si kuya saka kiniss sa cheeks. Ganoon rin kay Zyrus. Pagdating kay Cliff, niyakap ko rin siya ng mahigpot saka binigyan ng smack sa lips.

"Hoy, hoy! PDA kayo ha. May kiss kiss pa kayo." Saway ni kuya. Tinignan ko siya at hanggang ngayon nagpipigil pa rin ng tawa.

"Ewan ko po sa'yo kuya." Tumingin ulit ako kay Cliff saka ngumiti. "I love you, yabs!"

Ngumiti rin siya sa akin.

"I love you too, babs!" And yun, kiniss na naman ako pero smack lang. Nandiyan kaya si kuya at Zy.

"Tama na, sobra na ha. Hahaha!" Tumawa si kuya dahil sa amin. Tumingin ako kay Zy pero wala na siya sa kaninang pwesto niya.

"Asan si Zyrus?" Tanong ko.

Tumingin si kuya sa tabi niya at nagtakha rin kung bakit nawala si Zyrus.

"Ewan ko. Hayaan mo siya, hindi talaga mahilig magpaalam yun. Sige na, tulog ka na baby." Nagkibit balikat na lang ako saka yumakap ulit kay Cliff.

"Ingat sa pag uwi. Bukas at sa mga susunod na araw mahal pa rin kita no matter what." Naalala ko na naman. Ayoko ng ganito!

"Yes, you too. Sleepwell yabs." Humiwalay na ako sa kanya saka tinignan ulit siya ng isang beses. Mamimiss ko siya sa pag alis ko, namin.

Nginitian ko muna siya bago naglakad sa may hagdan at umakyat para matulog.

*****

"Baby, gising na." Naramdaman ko na mag humahagod sa buhok ko kaya napadilat na rin ako.

"Bakit po kuya?" Tanong ko saka umupo sa kama at kinusot ang mata.

"Diba we'll having our bonding?" Tinigil ko ang pagkusot at tumingin sa kanya.

"Hala! Ang aga naman po, kuya!' Reklamo ko. Inaantok lang talaga ako kaya ganito.

"Hahaha! Ayaw mo ba nun? Matagal tayong magbabonding? Maggagala, kakain, maglalaro, ayaw mo?" Umiling agad ako at saka sumagot.

"Hindi po ah. Gustong gusto ko nga po e. Pero bakit po ang aga? Inaantok pa po ako e." Nagpout ako para effective.

"Ano pa nga ba? Sige na. Mamaya na lang, magkakasama na rin naman tayo bukas e." Sa sinabi ni kuya, isang tao lang ang pumasok sa isip ko.

"Cliff." Siya lang. Hindi ko pa nasasabi sa kanya.

"Huh? Anong meron kay Cliff?" Nasabi ko pala yun ng malakas?

"Kasi po kuya hindi ko pa po nasasabi sa kanya e. Natatakot po ako. Natatakot ako na baka hiwalayan niya po ako. Kuya, mahal na mahal ko na po si Cliff. Mahirap na po kaming mapaghiwalay kaya po kuya please, wag niyo na po ako isama." Hanggang ngayon umaasa pa rin ako na magbabago ang isip ni kuya pero nung umiling siya at tumungo alam kong sigurado na talaga siya sa desisyon niya.

"Kailangan baby e. Kailangan mo ng matuto about sa company kasi kapag dumami pa ang branches mahihirapan ako. Gusto ko na kayo ni Cliff ang magkatuluyan pero anong magagawa ko, kapag iniwan ko naman ang negosyo mawawalan tayo ng pera para sa future natin." Bumagsak lang ang balikat ko sa sinagot ni Kuya.

Umupo siya sa tabi ko saka isinandal yung ulo ko sa balikat niya.

"Try mo sabihin sa kanya. If he loves you, he will understand your decision." Huminga ako ng malalim bago nagtanong.

"Pano po kapag hindi siya pumayag, hindi niya ako mahal?" Parang ganun yung pagkakaintindi ko.

"Yes? No? I don't know. Pero just try to tell it to him." Tumango na lang ako sa sinabi ni kuya.

"Ahm kuya, pwede po bang mag usap muna kami ni Cliff? Mamaya na lang po tayo umalis? Saglit lang po." Naramdaman ko ang pagtango ni kuya.

"Yes baby. Naisip ko nga na wag na muna tayong magbonding kasi magkakasama na naman tayo. Pwedeng kayo na lang muna ni Cliff." Oo nga pala. Isasabay na pala nila ako bukas.

"Sige po kuya." Lumayo ako sa kanya saka tumingin at nginitian.

"Basta wag mong kalimutang sabihin sa kanya ha?" Hinawakan ni kuya ang magbilang pisngi ko sa lumapit para halikan ako sa noo.

"I will." Ngumiti siya sa akin saka tumango.

*****

"Ba't biglaan kang nag aya ng date?" Nakangiti niyang bungad sa akin.

"Wala lang. Ayaw mo ba? Sasabihan ko na muna si kuya. Te--"

"Eto naman, hindi mabiro. Joke lang po yun, babs." Sabi niya saka hawak sa kamay ko.

"Chansing ha? Ingatan mo 'tong baby ko ha?" Inakbayan ako ni kuya at pinat ang ulo. Pusa lang?

"Ano po ba yan kuya, magugulo po yung buhok ko." Reklamo ko sabay ayos ng buhok ko.

"Yes naman po. Iingatan ko 'tong babaeng 'to. Mahal na mahal ko 'to e." Sabi ni Cliff saka pinat rin yung ulo ko.

"Ano ba yan? Uso ba mag pat ng magpat ng ulo ngayon? O inggit lang kayo sa hairstyle ko." Inayos ko ulit yung buhok ko.

"Hahahahahaha!" Tawa nila. Mga baliw. Ngumiti lang ako dahil ngayon ko lang nakita na magkasabay na tumawa yung mga mahal ko sa buhay. Galing noh?

"O sige na. Hanggang 7 lang 'to ha? Pag lumagpas hindi na mauulit yang date niyo." napawi yung ngiti ko sa sinabi ni kuya. Hindi na naman mauulit 'to diba? Kasi aalis na ako bukas.

"Oo naman. Ako pa? Ayokong hindi na maulit 'tong date namin." Sagot ni Cliff kay kuya. Ngumiti si kuya kay Cliff.

"O sige na. Kaunti na lang yung time niyo." Sobrang unti na lang.

"Sige bro. Una na kami." Pagpapaalam ni Cliff.

Niyakap ko muna si kuya saka kiniss siya sa pisngi.

"Bye baby. Ingat kayo ha?" Tumango kami ni Cliff bago lumabas ng bahay.

Pinagbuksan ako ni Cliff ng pinto sa passenger seat. Pumasok na ako saka sinara niya ang pinto at umikot sa driver seat.

"Okay na? Wala ka ng nakalimutan?" Tumingin ako kay Cliff saka tumango. Inistart niya na yung makina saka nagdrive.

I wish this couldn't be the last time that we'll having our date.

******

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon