Where to?

169 10 1
                                    

School

Kakababa ko lang ng kotse at sinimulang maglakad papasok ng campus. Pero napatigil ako ng may tumawag sa akin. Tumingin ako sa kanya at nagsmile.

"Bye baby! Ingat ka ha. I love you!" Ang sweet talaga ni kuya. Dahil malayo layo na rin ako kay kuya at tinatamad ako magsalita I mouthed "I love you too!" Na lang. Nagsmile siya sa akin saka sinara yung bintana at nagmaneho paalis. Sunod sunod namang nagsidatingan ang mga kotse nila brylle, zyrus at cliff. Kay kuya ako sumakay para hindi na sila mag away. Para fair diba? Nagsimula na ulit akong maglakad papasok ng campus. Nang nakapasok na ako naramdaman ko ang pagsunod nila sa akin. Ang bilis ha! Habang naglalakad pinapakinggan ko lang yung pag uusap nila.

"Ako lang dapat ang sumundo kay alli kanina." Si zyrus.

"Excuse me lang ha pero sinabi ko rin kay alliyah yun noh!" Parang hindi naman ata.

"Ehem! Ako lang ata ang nakapagsabi kay babs na susunduin ko siya." Oo nga. Si cliff lang talaga naalala kong nagsabi sa akin na susunduin ako.

"Sa susunod wag niyo ng sunduin si alli ha?" Bakit naman?

"Baka ikaw dapat ang hindi sumundo. Ako na lang kasi malapit ang bahay namin sa kanila." Eh ano kung malapit?

"Tss. Walang ibang dapat sumundo kay babs kundi ako lang." Eh?

"At bakit?" At sabay pa talaga si zyrus at brylle ha. Baka sabihin na ni cliff na nililigawan niya ako. Waaaaa! Bago pa makasagot si cliff tumigil ako at humarap sa kanila. Nandito na rin kami sa may tapat ng room. Napatigil rin naman sila at sabay sabay tumingin sa akin. Nagcross arm ako at tinaasan sila ng kilay.

"Alis na ako. Baka malate pa ako. Bye alliyah!" Nagwave pa sa akin si brylle bago pumasok sa room nila. Binalik ko ulit yung tingin ko sa kanilang dalawa.

"Ahm, hehehe! Una na akong pumasok." Pagpapaalam ni zyrus saka dali daling pumasok sa room.

"Ikaw?" Pagtataray ko kay cliff. Pero imbes ata na matakot siya nagsmirk pa ang loko.

"What?"

"Wag na wag mong sasabihin sa kanila na nililigawan mo ako." Kumunot naman yung noo niya at lumapit sa akin.

"And why? What will you do if I announce it?" Announce? Buong estudyante sa campus makakaalam? Kinabahan ako dun ha.

"H-hindi na ako papayag na ligawan mo a-ako." Ghad! Ba't nauutal ako? Lumapit pa siya sa akin without removing his smirk.

"Sa tingin mo ba papayag ako?" Napalunok ako dahil wala na akong maatrasan. Wala pa namang masyadong nadaang estudyante dito. Waaaaa!

"P-pwede ko 'to s-sabihin kay kuya." Papasok na sana ako ng room ng hawakan niya yung braso ko.

"Whether you like it or not i'll still court you." Argh! Binawi ko na lang yung braso ko sa kanya at pumasok sa loob ng room. Ghad! Kala ko siya ang matatalo pero parang baliktad. Padabog ako na umupo sa upuan ko at sinubsob ang mukha. Parang kailan lang okay sa akin na ligawan niya ako pero ngayon... UGHH! He's getting on my nerves!

******

Break Time

"You may now take your break!" Lumabas na yung teacher namin at ang mga estudyante ay nagsiayusan ng gamit saka naglabasan. Naiwan kaming tatlo ni zyrus at cliff. Nasa kalagitnaan ako ng pag aayos ng gamit ng biglang humawak sa akin sa braso.

"Babs, tara na." Pero bago pa man ako tuluyang mahila ni cliff hinawakan na rin agad ako ni zyrus.

"No! Ako ang kasama ni alli." Matigas na sabi ni zyrus. Pag untugin ko kaya 'to?

Stay With MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon