💀 deadly xxxviii 💀

191 2 0
                                    

Matapos nilang malusutan ang mga pasikot-sikot na pasilyo ay nahanap na rin nila sa wakas ang daan palabas. Dahil sa iisa ang disenyo ng pintura at yari ng pinto ng gusaling ito ay medyo nahirapan silang matunton ang exit door.

“Ano? Mag-request na tayo ng back up?” agad na pakli ni Mythes pagkalabas na pagkalabas nila kung saan naroon ang sasakyan nilang kotse naghihintay na masakyan.

“Oo, panigurado susundan nila tayo! Kailangan na natin ng tulong,” tarantang ani Manley bagaman hinihingal ay nakapagsalita pa rin nang malinaw.

“Myl, tawagan mo na...” utos pa ni Mythes sa kapatid pero kaagad itong pinigilan ni Malyk.

“Ani!” Hinawakan niya't pinigilan ang kamay ng kapatid.

Umangal si Mythes sa ginawa ni Malyk.

“Bakit na naman?”

“I have a plan!” said Malyk once again when he came up with something.

Another plan again. Okay, another risky plan, Mythes thought.

Inagaw ni Malyk kay Myles ang device na gamit nila pangtawag sa mga kasamahan nilang ipinadala rin dito ni Hiego sa China.

“708. RQ020, 3 plus extra bags. Location sent. 56.”

“Why you requested for a fucking transpo?” Mythes besieged, “We need back up, don't we?”

Malyk just lit a smile from his lips that shone up in the dark of the night.

“It's not a 'fucking' vehicle, bro! Chill, it's cool motorcycles.”

How this man have been this so resolute in this kind of scenario? Mythes scunnered in his head.

“You sure it's gonna work?” he asked, still doubting at this point though he wasn't able to figure out why on Earth he has the guts to be in full skepticism toward his brother.

“I trust him,” Myles retorted placidly.

Mayamaya ay tatlong motorsiklo ang huminto sa kanilang harapan. Ang mga nakasakay sa motorsiklong iyon ay sumakay sa kotseng ginamit nila Mythes kanina.

“Okay, Myl... you know the drill. Lead us,” Mythes pushed Myles forward.

They fixed their things and once done, they hopped on the motorcycle.

Malyk on the left side led off the blabs to his brothers when he's spurning the stand of the motorcycle.

“You know what? This portion of the plan, it was also my idea and boss Hiego gave me his green light in doing this. He trusted me, so you better—”

“Black Turtles' coming!” Manley tapped Myles shoulder hard-and-fast and unalterably.

“As they should be!” Mythes on their left side acted upon.

But Myles on the center position fight shy of his brother's eyes and looked forwardly as if he's equipped and would have been ready in the heat of battle in no time.

“Let's go!”

Sabay-sabay silang tumadyak para mag-start ang motor nilang sakay. Si Mythes at Malyk ay tig-isa ng motor na gamit maliban kina Myles at Manley na iisa lang. Si Myles ang magmamaneho at nakaangkas lamang si Manley sa kanya.

Nang paangilin nila nang husto ang motorsiklong sakay nila ay nagbuga ito ng puting usok dahilan para matabunan sa paningin ang Black Turtles na parating sa kanilang kinaroroonan. Mayroong mga nakasakay din sa motorsiklo pero mas marami ang nakasakay sa mga kotse nilang bukas ang bubong.

Nang maiayos ang helmet, nagtinginan ang tatlo bago sabay-sabay na pinaharurot ang sakay nilang mga motorsiklo. Sa puntong ito ay nagsimula na nga ang pagtugis ng Black Turtles sa Ninja Turtles este TT Brothers.

Naguguluhan ang Black Turtles at hindi nila maituon sa isa lang ang pokus nila dahil ginawa ng TT Brothers ang plano nila. Nag-iisip ngayon si Roy at limampung porsyentong pangamba ang nararamdaman niya ngayon dahil pinaghati-hatian ng TT Brothers ang mga items na ninakaw nila.

Mayroong bag na dala sina Manley, mayroong nakasukbit sa likod ni Malyk at mayroon din si Mythes. Mahirap silang tugisin lalo pa't motorsiklo ang sakay nila. Mabuti sana kung kotse; mas madaling asintahin.

“'Wag kayong magpapatama!” sigaw ni Myles sa mga kapatid.

Binabaril na sila ngayon ng mga Black Turtles at ginagawa nilang lahat ang paraan para maiwasan ang mga bala. Ilang bomba na rin ang sumabog pero nagagawa nila iyong ilagan. Nakaayon yata sa kanila ang pagkakataon.

Mayamaya ay tinawag ni Malyk ang pangalan ni Myles.

Sumigaw si Myles, “Ngayon na!”

Nang umalingawngaw ang boses ni Myles ay nag-menor sila't namreno nang mariin. Itinaas ni Roy Lara ang kamay niya para patigilin ang pangbobomba sa TT Brothers ng kanyang mga alagad. Nagpanggap ang TT Brothers na mayroong depekto sa motorsiklo nila kaya tumirik ito at hindi na umaandar pa 'kunwari'.

Kaagad silang pinalibutan sa harapan at hinarangan ng mga Black Turtles nang hindi na sila makaarangkada pa. Bumaba ang TT Brothers sa mga motorsiklong nakasemplang at naglakad nang nakataas ang mga kamay.

Kaagad sumugod ang mga sinenyasan ni Roy Lara at kinuha ang mga bag na hawag ng magkakapatid kung saan naroon ang museum objects.

“Ano'ng akala n'yo makakatakas kayo nang gano'n-gano'n lang?” Tumawa si Roy Lara bago utusan ang mga tauhan niya na damputin ang apat. Pinosasan nila itong muli at isinakay sa loob ng kotse ni Roy Lara — ang namumukod-tanging hindi cabriolet.

“Napakaswerte n'yo naman at ipagmamaneho ko kayo,” sambit ni Roy Lara nang makasakay sa loob ng sasakyan kung saan naroon ang apat sa backseat magkakatabi at hindi makakilos nang maayos.

Masama ang tingin ng apat kay Roy pero mas masama ang ibinatong tingin nito nang lingonin niya sila sa likod.

“Okay na rin 'to at mahirap na baka makatakas na naman kayo.” Tinawanan niya ang kalagayan ng tatlo.

“Nagawa mo ba?” bulong ni Mythes kay Manley.

“Oo kasi... hintayin mo lang...” mahinang sambit ni Manley sa katabi.

Mayamaya pa ay nagkagulo ang lahat dahil mayroong isa sa mga Black Turtles ang nagtangkang itakbo ang isang museum object na nahulog. Nagkumpulan ang mga Black Turtles at pinag-agaw-agawan nila iyon nang biglang may nagliwanag sa taas.

“Anong nangyayari?” tanong ni Roy Lara sa sarili. “May naiwang item?”

Napatingala ang Black Turtles sa itaas at doon nila natunghayan ang nasa pito o siyam na helicopters. Inilawan sila nito at hindi nila namalayan na ang isang Black Turtle na may dala noong isang item ay nakatakbo na. Natakasan na sila nito at nasa loob na ito ngayon ng kotse.

Bumunot ng baril ang mga Black Turtles nang mapagtanto nilang kalaban ang mga ito pero bago pa nila mapaputukan ang mga taga-PISA ay pinaulanan nila ito, hindi ng bala kundi ng kuryenteng kalahati nang lakas ng kidlat ang boltahe. Bumulagta ang lahat ng Black Turtles dahil sa advanced weapon na ginamit sa kanila.

Isa lang ang pumasok sa isipan ni Roy Lara sa oras na ito nang makita niyang lahat ng tauhan niya ay bumulagta't wala nang buhay — kailangan niyang makatakas.

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon