💀 deadly v 💀

30.5K 142 0
                                    

"Hindi ko alam," sagot ni Mule na ilang segundo rin halos ang itinagal ng kanyang pananahimik sapagkat nahihirapang mag-isip sa mga salitang sunod na bibitiwan.

Ang apat ay natahimik at nagsawalang-kibo sa narinig na pahayag, kapwa nag-iisip kung ano nga ba talaga ang dahilan at ano ang tunay na nangyari.

"Mahirap na ring paniwalaan kung buhay pa siya ngayon," dagdag pa ni Mule na lalong nagdulot ng labis na kuryosidad at katanungan sa mukha ng magkakapatid.

"Namatay siyang hindi man lang nakikita ng mama ninyo," pagpapatuloy niya, sinasamantala ang katahimikan.

"Sabi ko, pagkapanganak sa inyo ay hahanapin ko agad ang ate ninyo pero may panibagong pagsubok na naman pala akong kakaharapin," aniya pa't kasunod niyon ay malalim na buntong-hininga.

"Nagkaroon ng sakit si Myz, may isang buwan pa lang na naipapanganak kayo. Lumala nang lumala ang sakit niya sa kidney hanggang sa nagkaroon na ng complications sa iba pa niyang organs. Hindi nagtagal ay binawian siya ng buhay at naiwan sa akin ang panibagong responsibilidad," mahaba niyang turan na halos magdulot ng sari-saring emosyon sa apat.

Ngayon lang din nila nalaman ang dahilan ng pagkamatay ng kanilang mama at kahit na wala pa silang muwang noong mga panahong iyon ay hindi nila maiwasang malungkot.

"And that's us," ani Myles na sinusuyod ng tingin ang bawat isa, tila humahanap o naghihintay ng pag-sang-ayon ng mga iyon.

"Thanks, Pa. We owe you our lives," sambit ni Malyk, madarama ang sinseridad sa boses niya

"The best dad ever," dagdag pa ulit ni Myles, walang halong biro at bukal sa puso.

"What? No, guys... I am not the best father, I swear. I have a lot of shortcomings in this family," ani Mule, todo-tanggi at ayaw tanggapin ang positibong papuring ibinabato sa kanya ng mga anak.

"Yeah, but hindi mo kami pinaampon like what others do sa mga palabas sa TV you know," singit ni Manley na halos magbigay na naman ng aliw sa lahat maliban kay Mythes.

"The fuck, nanonood ka ng TV?" sambit nito. Palaging nakakontra sa mga opinyon ng kanilang bunso.

"You have reasons, that's for sure and no one is perfect anyway." Si Myles na muling pinutol ang usapan ng dalawa na malapit na namang mauwi sa malalang bangayan kung hindi maaagapan.

"You may not be the best father in this world but for us, you are." Malyk continued the praise they have for their father because he also know that their father deserves more than that.

"Now I'm getting some signs they called 'kids-need-something-from-their-parents', if I'm not getting it wrong." Mule even managed to throw a joke toward those sweet words came from his sons. Well, who would have been more proud? It is his first time being fed up with such words and it's from his sons so it feels so special to him.

"Well, kung ako lang ang tatanungin, wala akong kailangan, Pa." Malyk stood with his confidence, scanning every faces of his siblings.

"Me too, ewan ko lang kay kuya Myt." Ipinasa ni Manley ang tingin sa kapatid na lagi niyang katunggali sa lahat ng bagay.

"Anong ako? Ikaw talagang putragis ka-" ani Mythes at nang tumakbo si Manley dahil makakatikim ito mula kay Mythes ay doon na sila nagsimulang maghabulan.

"Papa, oh! Si kuya Myt mananakit na naman," ani Manley, umaarya ang pagiging masumbungin.

"Tsk, tama na 'yan... bumaba ka r'yan Man, tinatapakan mo ang puntod ni lola." Si Myles muli ang sumaway sa dalawang makulit na animo'y mga batang ginawang playground ang sementeryo. Nagawa pa kasing tumungtong ni Manley sa tuktok ng nitso ng lola niya na katabi lang ng puntod ng mama nila.

"Hala ka, 'pag ikaw minulto ni lola!" pananakot pa ni Malyk na bago sa pandinig ni Myles kaya hindi niya maiwasang hindi mapatingin dito.

"O, tinapakan mo naman yung nitso ng lolo mo," sambit muli ni Malyk nang tumalon naman si Manley sa katabing nitso ng kanyang lola.

Sa takot ni Manley na baka nga multuhin siya ng kanyang lolo at lola ay napasigaw siya at malakas na lumundag pababa.

"Ayiiiieee! Bati na sila!" sigaw ng tatlo nang kay Mythes naisipang tumalon ni Manley at dahil sa gaan ni Manley ay kayang-kaya siyang buhatin ni Mythes na pagkalaki ng katawan.

Wala nang mas cute pa sa posisyon nila. Magkaharap sila. Nakapulupot ang mga paa at binti ni Manley sa katawan ni Mythes habang si Mythes ay nakayakap sa katawan ng makulit nilang bunso na nakakapit naman sa kanyang batok, parang batang ayaw magpababa sa tatay or that "i-Dawn Zulueta mo 'ko pose" pero nakaukyabit ang mga paa at kamay. They can't really help laughing their asses out lalo na nang nagkatitigan pa ang dalawa sa mata at nang maamoy ang hininga ng isa't isa ay kaagad na ibinagsak ni Mythes si Manley.

"Yuck! Bading!" sabi nito at kaagad naman siyang sinapok ni Manley sa mukha.

"Fuck!" daing ni Mythes, hawak ang pisnging nasampal, "Did you see that, Pa?"

"Tumigil na kayo, ipagtulos n'yo na lang ng kandila si lola at lolo n'yo," ani Mule na hindi pinansin ang sumbong ni Mythes.

"Tsk, tangnang spoiled burat na 'yan," dabog ni Mythes.

Ilang saglit pa ay nagsimula na silang magsindi ng kandila sa puntod ng kanilang lolo at lola. Medyo humupa na ang tensyon dahil sa binawal na rin sila ng kanilang ama dahil ang gugulo nila.

"Hello po, lola. Kami 'to, mga apo mo. Hello din po, lolo. 'Wag po kayong malilito sa 'min, quadruplets po kami." Si Manley ang kumakausap ngayon sa puntod ng dalawa.

"Yeah, double twins." Si Myles na katabi ni Mythes.

"Tangnang double twins 'yan, narinig ko na naman," ani Mythes na ibig na namang matawa.

"Pasensya na po kung ngayon lang kami nakadalaw," singit ni Malyk sa pagsasalita ni Manley.

"Opo nga po, sisihin n'yo po ang anak n'yo. Ngayon n'ya lang kami kasi isinama rito," sambit ni Mythes at mukhang dinamdam ang pag-snub sa kanya ng papa niya kanina.

"Opo at saka po sana, may request lang po ako," ani Manley naman na patuloy pa rin sa pagsasalita kahit na sumingit si Mythes.

"Puta, as if maririnig ka naman," pag-epal muli ni Mythes, "Bobo mo, Man!"

"Paki-multo naman po si kuya Myt," dugtong ni Manley kaya naman umangal na naman ang isa.

"Gago! Ako na naman!" inis na ani Mythes, literal.

"Akala ko ba 'di naman nila maririnig, why naman takot?" pang-aasar ng katabi niyang si Myles kaya't hindi na siya nakaimik pa.

"Siya po 'yon, 'yong nag-react. Yung pula ang buhok," ani Manley at tinititigan si Mythes na may halong pang-aasar. Mayamaya ay tumayo na siya at nagwika, "Okay na 'ko, kayo guys baka may sasabihin pa kayo kila lolo at lola."

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon