“I think, nasa headquarters tayo ng Black Turtles at pabor sa 'tin 'to,” wika ni Malyk na nagdulot nang labis na kaguluhan sa mga isip ng kanyang mga kapatid.
“Ha? Baliw ka ba?” angal ni Mythes, “Pa'nong papabor sa 'tin 'to? E, teritoryo nila 'to!”
“Kaya nga...” segunda naman ni Manley.
Si Myles at tumingin lang kay Malyk, walang balak magsalita pero biglang may sinabi muli si Malyk.
“Hear me out, I have a plan.”
Nag-akbayan sila't pinaglapit-lapit ang mga ulo. Nag-usap sila sa usapang sila-sila lang ang makaririnig. Kung titingnan ay para silang mga basketball players na nagpa-plano ng magandang play para sa kalaban at mino-motivate ang bawat isa na lumaban.
“Are you sure Mal that it'll work?” Mythes' full of doubts but it was Malyk's plan so he expunged all of those second thoughts at the back of his head as he know what his brother was capable of when it comes to plotting a plan.
“I don't know but we can at least try,” said Malyk in his humble tone of voice.
“All right. We trust your brain cells, let's do it.”
Habang kumikilos ang tatlo ay tila naririnig nila ang mga sinabi ni Malyk kanina.
“Hanapin n'yo ang room kung saan itinago ang mga items pero kapag may nasagupa kayong mga bantay siguraduhin n'yong mapapatumba n'yo sila. Kapag nagawa n'yo 'yon, isuot n'yo ang suot nilang damit para magmukha kayong kakampi nila. Okay? Ako, hahanapin ko ang room kung saan kino-kontrol ang mga CCTV cameras. Kapag nagtagumpay ako, matutunton natin ang direksyon palabas. Huwag kayong mag-alala sa 'kin, kaya kong i-instruct ang directions kahit wala na ako sa room na 'yon kayang-kaya kong matandaan 'yon so makatatakas at makalalabas tayo nang sabay-sabay. Just collect all those items. Kumpleto. Walang kulang.”
Nagawa nang mag-disguise ng tatlo pero nahihirapan silang malaman kung saang room nakatago ang mga rare items. Hindi naman sila basta-basta papasok na lang sa pinto dahil hindi rin naman nila alam kung ano'ng mayroon doon sa loob. Mamaya magulat pa sila at room pala ng Black Turtles ang mapasukan nila.
Mabuti na lamang at nasagip sila ni Malyk. Kinausap sila nito gamit ang communicating devices nila sa tainga.
“Guess what?” ani Malyk.
“What?” si Mythes unang sumagot nang walang pagtitimpi.
“Nandito na ko... ako na ang may kontrol sa CCTV's dito,” sagot ni Malyk na pinakinggan lang ng iba niyang kapatid.
“Pa'no mo nagawa 'yon?” tanong naman ni Manley na diniinan pa nang bahagya ang earpiece na nakasalpak sa tenga niya.
Tumawa lang si Malyk at naalala ang kanyang ginawa kanina. Kung saan ginamitan niya ng master key ang naka-lock na pinto. Nang bumukas iyon ay naghagis siya ng smoke bomb na nakalalason sa loob ng silid saka niya muling isinara ang pinto. Kaya naman wala ni isa ang nakalabas at nang buksan niya ito muli makalipas ang isang minuto ay wala na ni isang nakatayo, bulagta lahat at walang malay.
“Nakikita ko na kayo...” saad muli ni Malyk matapos matahimik dahil kinakatikot niya na ngayon ang mga computers at nakita niya sa monitors ang kinaroroonan ng mga kapatid.
BINABASA MO ANG
DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERA
Ficción GeneralSPG | R-18 | Mature Content After losing their daughter, Mr. and Mrs. Tiu find solace in each other. When they're blessed with quadruplets, Mule Aidren, a PISA agent, faces a tough choice between family and work. The sons-- Malyk, Mythes, Myles, and...