Iniluwa ng pinto ang nagkukumahog na si Myles at ito ang unang beses na hindi masyadong nagulat si Manley sa pagsulpot nang biglaan ng kapatid.
"Nakagayak ka -- hay, salamat nakagayak ka na!" hingal na ani Myles, mayroon itong kakarampot na butil ng pawis sa noo na kanyang agad na pinunasan nang sumingit sa pagsilip sa salamin.
"Saglit lang magpapabango lang ako," ani Manley na ipinaubaya na sa kapatid ang salamin.
"Nando'n na sila Papa sa baba, nag-aaya na kumain." Inaayos ni Myles ang kanyang belt na bahagyang lumuwag sa kanyang pagkaripas kanina.
"Pati sila kuya Mal at kuya Myt?" Bawat sulok ng katawan ay ini-sprayan ni Manley ng kanyang pabango na mas matapang pa sa kanya ang amoy.
"Yup." Umalis na si Myles sa harapan ng salamin at humarap sa kapatid na tapos na ring mag-spray ng pabango.
"Hindi naman excited 'yong dalawa, 'no?" tanong ni Manley pagkatapos damputin ang cellphone na naroon nakapatong sa maliit na desk na patungan ng lampshade.
"Hindi nga obvious." Pinanood ni Myles ang kapatid hanggang sa isuksok na nito ang cellphone sa bulsa.
"Tara na," ani Manley, nangunang maglakad patungo sa pinto ng kanyang kwarto, binuksan ito at lumabas. Si Myles naman ay sumusunod lamang sa kapatid at hinayaan niya na ring si Manley ang magsara ng pinto dahil ito ang may hawak ng doorknob. Hindi naman nito binitiwan kaya halos yumuko at lumusot si Myles sa ilalim ng braso ng kapatid kung saan naroon ang siwang.
Pababa na sila sa hagdanan nang magtanong si Myles, "Sa tingin mo, isasabak tayo agad sa training ngayon?"
"I don't know pero feeling ko hindi pa ngayon. Kaka-orient lang sa'tin kahapon, e." May pagkasigurado ang kutob na sinambit ni Manley. "E, ba't ba napakaaburido mo? Ikaw itong laging tumatama ang hula. Ba't 'di mo sabihing walang physical training today, madalas naman nagkakatotoo ang mga sinasabi mo."
Nagkibit-balikat lang si Myles at hindi na kumibo pa. Bagaman tahimik ay gulo pa rin ang isip niya, ayaw niya lang isaboses pa dahil feeling niya ay makasisira lang sa mood o hindi babagay sa sitwasyon.
Samantala, bumagay naman ang suot na bohemian polo at ang black pants na suot ni Manley. Dalawa lang kasi 'yan, it's either floral or bohemian. He's got that classic taste or some retro vibes within. I mean that's him, that's what makes him a beautiful man-- it's his own style.
Myles, on the other hand, seemed so comfortable and contented on his simple oversized black T-shirt and his blue jeans that really fit his thighs. He should earn an attention from wearing that like hey, it's his first time wearing a shirt for this week. Maybe he's been tired wearing his usual stripes and polo which has some minimal and common patterns also the simple designs but it's the thing that makes him a decent looking guy, anyway.
"Oh, nand'yan na pala 'yong dalawa," bati ni Mule nang makababa sina Myles at Manley sa hagdan.
"Naku, napakakupad talaga ng mga kupal na 'to." Si Mythes na nagsisimula na naman ng pag-aawayan.
"Shut up, Myt. Isa pa, si Man 'yong pautay-utay kumilos sa 'ting apat." Naunang maglakad si Myles at umupo sa upuang hinatak niya.
"I admit and that is so cute of me." Si Manley naman ay pinili ang bakanteng upuan katabi ni Malyk at Mule.
"Yabang ng puta, mamaya ka sa 'kin." Si Mythes na katabi ni Malyk ay pinaningkitan ng mata si Manley at inambaan pa ng tinidor na akala mong tutusukin sa mata ang kapatid.
Manley just winked at Mythes to tease him for good.
"Tama na 'yan, kumain na tayo." Nagsandok na si Mule ng mga kanin sa kanya-kanyang plato ng mga anak niyang makukulit nang biglang tumayo si Malyk.
"O, Mal, bakit?" tanong ni Mule, hawak ang sandok na may lamang kanin na sana ay ilalagay na sa plato nito.
"Aalis pa, tanginang 'yan... kakain na, e!" Sumingit na naman si Mythes sa usapan.
"I'm done, guys, can't you see?" sagot ni Malyk at inilahad ang dalawang palad saka nagkibit-balikat.
"Huh? Done agad?" ani Manley na katabi ang nakatayong si Malyk, napatingin ito sa plato ng kapatid na ubos na ang kanin at ulam.
"What the -- what's with that reaction?" natatawang ani Malyk dahil tapos naman na talaga siyang kumain at sa kadaldalan nila ay hindi namalayang tapos na ito.
"Diet kasi hayaan niyo na," sabat ni Mythes saka inirapan si Malyk. "Kalansay na nga, pa-diet-diet pa, tangina."
Kaya naman hindi na nakapagpigil si Malyk at sumagot na ito, "Alam mo try mo rin mag-diet sa pagmumura, sarap tagain niyang bibig mo."
Nginiwian lamang siya ni Mythes at tila ba binubugaw, "Boo! Sige na, sige na, umalis ka na, dami mong satsat. Shoo!"
"'Pa, I'll play with my computer lang while waiting for you guys," ani Malyk. "Patawag na lang ako 'pag aalis na."
"Hindi. Maupo ka lang d'yan. Hintayin mo kaming matapos, sinabi kong sabay-sabay tayong kakain, 'di ba?" Masama ang timpla ng mukha ni Mule, mukhang hindi niya nagustuhan ang inasal nitong isa.
"O-Opo," sagot ni Malyk at yumuko.
"Upo," utos ni Mule at kaagad namang sinunod ni Malyk.
Nanahimik na ang tatlo dahil baka madamay pa sila. Mas okay na 'tong si Malyk na lang ang sabunin kaysa pati sila. Mas delikado at mas malala ang parusa kapag silang apat ang napag-initan, e. So far, hanggang sa matapos sila kumain ay hindi naman na sila pinagalitan ni Mule.
"Wala na ba kayong nakalimutan?" tanong ni Mule.
Narito na sila ngayon sa loob ng kotse at ready'ng-ready na para sa kanilang muling pagpunta sa PISA.
Sumagot ang apat, "Wala na po, sir."
Inayos pa ni Mythes ang manggas ng denim jacket niyang bahagyang nalukot dahil sa kalikutan nitong si Manley. To be honest, only denim and leather outfit lang ang bumabagay kay Mythes kaya naman ito ang lagi niyang suot. It always makes him a bold and fierce boy.
Si Malyk naman ay laging tumitingkad at sumasapaw sa suotan ng tatlo dahil sa makulay niyang outfit na K-POP inspired, as usual. Today, he's wearing a pink coat and maroon sando inside of it, pink cap that makes his hair stand out and a light blue slacks. It's like he's an K-idol and he's gonna attend today on his taping of his new music video. He's so damn, elegant man.
Malyk is in the passenger seat cause that's what Mule ordered, and the other three are on the backseat, Mythes and Myles sitting both near window while Manley is in the middle.
Mule now began to put the engine of the car into life and then rode it shotgun.
BINABASA MO ANG
DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERA
General FictionSPG | R-18 | Mature Content After losing their daughter, Mr. and Mrs. Tiu find solace in each other. When they're blessed with quadruplets, Mule Aidren, a PISA agent, faces a tough choice between family and work. The sons-- Malyk, Mythes, Myles, and...