💀 deadly xxxi 💀

5.6K 12 0
                                    

Nagtakbuhan ang magkakapatid patungo sa direksyon na sinabi ni Myles. Inisa-isa nila ang pinto at sa bandang gitna ay roon nila natagpuan ang kapatid. Bumukas ang pinto at lumabas si Mythes mula roon kaya naman nang mapalingon ang tatlo ay kaagad silang tumakbo sa kapatid.

“Myt!” sigaw nilang tatlo at sinimulan nang inspeksyonin ang kapatid.

“Ano? Nasaktan ka ba?”

“Anong ginawa mo ro'n sa babae?”

“Bigla kang nawala, hanep ka...”

“Tara na, we still have a mission, right?” Naunang maglakad si Mythes, nakangiting nilampasan ang tatlo.

“'Yong auction!” sabi nina Manley, Myles at Malyk nang magkatinginan. Hinabol nila si Mythes.

Samantala, ang babaeng nakatalik ni Mythes ay may kausap ngayon sa telepono. “Sorry, ang bilis niyang labasan... pabalik na sila r'yan sa venue, abatan n'yo.”

“Sige,” sagot ng lalaki sa kabilang linya. Makikitang katabi niya ang dalawang babae na nanghaharas kanina kina Malyk at Manley. Ang lalaking ito...

“Mukhang sakto ang pagdating natin,” ani Mythes.

Narating na nila kaagad ang pinto kung saan sila pumasok kanina at mukhang sa loob noon ay nagaganap na ang pinakamalaking auction ngayong taon.

“Mukhang kasisimula pa lang,” sambit ni Myles nang mabuksan nila ang pinto at makapasok sila sa loob.

“Tingnan n'yo, isa 'yon sa mga artifacts na kailangan nating makuha!” bulalas ni Manley.

Kaagad namang tinakpan ni Mythes ang bibig ng kapatid dahil sa malakas nitong pagkakasabi, “Tangina, naloko na...”

Nagkatinginan silang apat dahil nailabas na ang unang item na ipagbibili. Ang orihinal na plano ay kukuhanin nila ang mga items sa backstage bago pa ito maiharap sa mga buyers. Ngayo'y nasira na ang plano ay mayroon namang naiguhit ang henyo sa kanila sa isipan at wala silang ibang dapat gawin kundi ito ay subukan.

“I have a plan,” mungkahi ni Malyk at sinimulan niya nang ipaliwanag sa mga kapatid ang kanilang gagawin. Nang matapos sabihin ang detalye ay nagsimula na silang kumilos.

Naghanap ng mauupuan muli si Malyk pero this time ay siniguro niya nang wala siyang babaeng mauupuan. Pagkatapos ipakilala ang artifact na ipiniprisinta ngayon sa entablado ay nagsimula na ang bidding. Ang plano ay kailangan lamang taasan nang taasan ni Malyk ang presyo ng bawat taong nakakursunada sa item na iyon habang ang tatlo ay pupunta roon sa backstage para kuhanin ang iba pang items na kailangang maiuwi sa Pilipinas.

Nandito na sa backstage ang tatlo at nag-iingat na mahuli nang sangkatutak na mga bantay na nakapalibot sa bawat item. Nakakubli sila sa lamesang mayroong mantel na itim kaya naman hindi sila nakikita sa ilalim nito ngunit kapag hinahawi nila ang tela ay natatanaw nila ang mga bantay.

“Kinakabahan ako...” sambit ni Manley, nanginginig ang boses.

Nang marinig iyon ng dalawa ay halos manlambot sila't manlaki ang mga mata dahil kilala nila ang kapatid at mayroon itong bad habits na nakamamatay kapag kinakabahan.

“Man... 'wag ngayon,” pigil ni Myles at mahigpit na piniga ang braso ni Manley para maibsan man lang ang nerbiyos nito kahit papaano.

“Man, ikalma mo 'yan.” Nagmamatyag na si Mythes at walang pakialam sa walang kapararakan na sinasabi ng kapatid dahil wala nang panahon ngayon sa mga walang saysay na bagay.

“Kinakabahan ako talaga...” muling sambit ni Manley at mauulinigan mo sa boses niyang para bang nagpipigil talaga siya.

“Pigilan mo,” sabi ni Myles kahit na alam niya naman talagang iyon nga ang ginagawa ng kapatid.

Binatukan ni Mythes ang kapatid at sininghalan nang mahina, “Oo nga, delikado tayo 'pag na—”

Ngunit huli na ang lahat.

Here comes his deadly habit — his deadly fart.

“Pasensya na, god bless,” wika ni Manley matapos ang pag-utot niya nang malakas.

Tila ba iyon ang nagsilbing hudyat para magsimula ang laban. Gumapang sila nang mabilis palabas ng lamesa.

“Tapusin natin nang mabilis 'to, don't use guns!” sigaw ni Myles na siyang nangunguna at pagkatango ng dalawa ay sabay-sabay silang bumunot ng panaksak na sandata nila.

Bihasa na sila sa paggamit nito kaya sigurado silang magtatagumpay sila sa laban. Magdudulot ng kaguluhan kung gagamit sila ng baril dahil sa tunog nito kaya naman mas pinili nilang lumaban ng pisikalan at gamit lang ang isang maliit na patalim ngunit may nakamamatay na lason sa segundo pa lang ang nakalilipas ay masusunog na ang sugat na magagawa nito lalo na kapag may tinamaang organs sa katawan. Kumakalat ang lason nito sa katawan ng taong matatamaan. Sa laban nilang ito, una nilang gagamitin ang weapon na 'to.

Nagsimula na silang makipagbakbakan sa mga kalalakihang nakabantay sa mga item na ibebenta ngayong auction night. Sinigurado naman nilang hindi matatamaan ang mga fragile items kaya todo-protekta sila sa mga ito lalo no'ng tumalsik ang lalaking sinipa ni Myles diretso doon sa salamin na kahon ng item na kabilang sa mga dapat nilang iuwi; mabuti na lang at nasalo ni Mythes ang laman.

Mayamaya ay nailigpit na nila lahat ng kalaban. Nabasag ang shades ni Mythes kaya naman kinuha niya ang isa sa mga suot no'ng security'ng napatumba niya. Bumagay naman iyon sa kanya.

Tumawag sila kay Malyk para ibigay ang signal gamit ang communication device na nakasalpak sa tainga nila.

Sinabi ni Malyk na hintayin lamang siya saglit dahil nasa stage na siya at siya ang nanalo sa bidding. Oras na maiabot sa kaniya ang item ay bumaba na siya ng stage. Nandoon sa pinto naghihintay sina Malyk, Manley at Myles.

“Yes! Easy! Mission accomplished!” masayang sambit ni Manley.

Ngumiti lamang si Malyk at Mythes maliban kay Myles na nananahimik lang.

“Don't celebrate yet,” sambit nito nang mapansin siya ng mga kapatid.

“Huh?” ani Manley, naglaho ang ngiti.

“Ito talagang Myl na 'to abnormal!” dagdag ni Mythes na siyang may bitbit ng telang itim kung saan nandoon ang mga item. “Anong 'wag mag-celebrate, e, nakuha na nga natin 'yong mga pinapakuha ni boss Hiego!”

Myles just shrugged his shoulders.

“Tara na sa labas—”

Napahinto sila nang mabunggo si Mythes sa lalaking nakaharang sa daan nila.

“Teka, kilala ko 'to... ito 'yong isa sa mga kinuhanan natin ng ticket sa entrance kanina... at bakit kasama 'tong—”

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon