💀 deadly lxiv 💀

138 1 0
                                    

Nakatutok ngayon kay Manley ang lanseta ni Storm kaya naman hindi siya makagawa ng anumang kilos dahil baka biglang itarak nito sa katawan niya ang patalim na iyon. Though he know some self defense for that and he already have a plan to do it kaso tumayo sina Rain at Thunder bigla. Pumunta ang dalawa sa likod ni Storm at niyayaya na nila itong umalis.

Aalis na sana ang tatlo at iiwan na si Manley nang biglang marinig niya ang boses ni Gray.

“Hoy! Anong ginagawa n'yo kay Man?” Galit na galit ito at walang kaabog-abog na sinugod si Thunder at Rain. Itinulak niya ang dalawang binata na nakatingin lang sa kanya at nabigla rin sa kanyang pagsulpot.

Sa galit ni Gray ay sobrang lakas nang pagkakatulak niya kina Thunder at Rain. Dahil doon ay nawalan ng balanse ang dalawa at natumba sila kay Storm. Si Storm naman ay napakapit sa balikat ni Manley kaya ang nakatutok na lanseta ay aksidenteng tumimo sa tiyan nito. Bumaon pang lalo ang patalim sa tiyan ni Manley nang madaganan siya ng tatlo.

Nang makabangon ang tatlo ay kaagad itong kumaripas nang takbo paalis at tumakas na.

Si Gray naman ay kaagad na pinuntahan at hinawakan si Manley. “Man, okay ka lang?” Noo'y wala pa siyang kaalam-alam na may tama na si Manley. “Halika,” aniya at kinuha ang kamay ng kaibigan saka iniakbay sa kanya para sana tulungan itong tumayo pero laking gulat niya nang makitang may dugo ang kamay nito at may nakatarak na patalim sa tiyan.

Hinugot ng isang kamay ni Manley ang lansetang nakasaksak sa tiyan niya at binitiwan iyon pabagsak sa lupa.

“Ano 'yan? D'yos ko, may tama ka! Halika, bilis! Dadalhin kita sa ospital!” tarantang inakay ni Gray at isinakay ang kaibigan sa motor scooter ni Jazz.

“Gray... 'wag mong ipapaalam 'to sa mga kapatid ko lalo na kay Papa,” bilin ni Manley nang umangkas ito sa likod.

“Bakit?” ani Gray at binuhay na ang makina ng motor.

“Basta... i-promise mo...” Tinitiis ni Manley ang hapding nararamdaman kapag nagsasalita at nabatid iyon ni Gray kaya tumugon na rin.

“Osigisige! Basta kumapit kang maigi,” ani Gray at pinasibat na ang scooter papunta sa pinakamalapit na ospital.

Nang makalabas sa ospital ay nagamot na ang saksak ni Manley. Mabuti na lang at walang tinamaan na organ at hindi masyadong malawak ang tama. Gayunpaman, masakit pa rin at iika-ika pa rin siyang lumalakad pero hindi naman siya hinahayaan ni Gray.

Nang makauwi sila sa apartment ni Gray ay inulan siya ng tanong mula kina Finn at Jazz. Kinuwento niya naman at sa galit ng dalawa ay ibig na nitong i-report sa pulis ang nangyari pero pinigilan sila ni Manley at sinabing hindi naman intensyon talaga ni Storm na saksakin siya. Sinisindak lang siya nito para hindi lumaban pero aksidenteng nagkatulakan dahil hindi naman din alam ni Gray saka kararating lang nito sa eksena kaya nang matumba si Thunder at Rain kay Storm ay natumba naman si Storm kay Manley at aksidenteng tumarak ang patalim sa katawan niya. Ang nangyari — naintindihan naman iyon ng dalawa.

Bago matulog ay tumawag si Manley sa Papa niya at nag-update na okay lang daw ang celebration nila pero ang totoo ay hindi na natuloy ang celebration dahil ginamot na lang ng mga kaibigan ng ice pack ang mga namamagang pasa niya sa mukha at pagkatapos ay natulog na lang sila.

Kinaumagahan...

Nagising sila nang wala si Manley sa higaan, kinidag ni Gray si Finn at ginising. Si Jazz din ay ginising at sinabing nawawala si Manley. Pero nakahinga sila nang maluwag nang makita nila itong lumabas sa banyo.

“Good morning,” bati niya sa tatlo.

“Kumusta?” bungad ni Jazz, inginuso ang tama nito.

“Medyo makirot pa,” ani Manley, “pero mawawala na rin 'to mamaya 'pag uminom ako ng painkillers? Um, baka nga.”

Naunang nagprisinta si Jazz. “Sige, wait lang... bibili ako ng foods sa baba.”

Sumunod naman si Gray. “Ako na bibili ng gamot.”

Panghuli si Finn at sinabing, “Ako, mag-iinit ako ng tubig pangkape saka mag-reready ng pang-cold compress.”

Bababa na sana ang tatlo sa kama at sisimulan na ang pagkilos nang biglang magsalita si Manley.

“Guys...”

Natulala ang tatlo at hinihintay ang sasabihin niya.

“Thank you.”

Nang marinig nila iyon ay nagtalunan sila kaagad pababa ng kama at sinugod si Manley para bigyan nang isang matinding yakap.

Matagal ang inabot ng group hug nila ngunit nang humihigpit na ito nang humihigpit ay nasaktan na si Manley dahil parang napipiga na ang tahi niya sa tiyan at nang maalala ng tatlo ay kaagad silang napabitiw sa yakap. Tinanong nila si Manley kung masakit ba o okay lang ba siya. Nang sabihing okay lang siya ay umalis na sina Gray at Jazz. Si Finn naman ay gumagawa sa kusina.

Inuna ni Finn na i-cold compress ang mga pasa ni Manley sa mukha. Mayamaya nakabalik na ang dalawa dala ang pagkain at gamot. Nang kumakain na sila ay napag-usapan nila ang tungkol sa mga pasa ni Manley na hindi pa rin mawala-wala.

“Dito ka kaya muna,” mungkahi ni Jazz, “mga three days or five gano'n...”

“Kaya nga, e... ano bang date ngayon?” tanong naman ni Manley na isinubo ang pula ng pritong itlog.

Itinuro naman ni Gray gamit ang hawak na kutsara ang direksyon nang nakasabit na kalendaryo sa pader.

“Luh!” gulat na reaksyon ni Manley nang makita ang numero sa kalendaryo.

It's the 18th day of September.

“Bakit?” tanong ni Gray nang mapatingin sa kanya si Manley nang hindi maintindihan ang mukha.

“Hindi pala p'wede! Birthday na pala ni Papa bukas,” sigaw ni Manley gamit ang nakabubulabog niyang boses kaya naman, sa gulat ay nabitiwan nina Finn at Gray ang tinidor na hawak pwera lang kay Jazz.

“E, 'yon lang...” ani Jazz at ipinagpatuloy ang pagkain.

Sina Finn naman at Gray ay pinulot sa sahig saka pinagpag ang tinidor nilang nabitiwan.

“Hay, nagtawag pa kayong dalawa ng bisita! Dalawang lalaki pa,” biro pa ni Jazz habang pinapanood ang dalawa na punasan ang tinidor.

“Pa'no 'yan ngayon? Kitang-kita pa rin 'yong mga pasa sa mukha mo,” ani Finn at binilang pa ang mga pasa sa mukha ni Manley.

“Lagot ka sa Papa mo,” sabi pa ni Gray at itinuloy na ang pagkain pero nagsalita pa rin, “Sa bagay, hindi naman na masyadong halata 'yong ibang pasa pero 'yong iba—”

“Shh... 'wag kayo maingay... may tatawagan ako,” kaagad na pinagpipindot ni Manley ang cellphone na kay tulin niyang dinukot sa bulsa.

“Hello, Dékee?” sambit ni Manley nang sagutin ni Déniel Kyrid ang tawag niya. “Yes, si Manley 'to...”

Hindi na narinig no'ng tatlo ang mga sinabi ni Manley dahil tumayo, umalis sa upuan, lumayo na ito at doon kinausap sa balcony ang kausap sa cellphone. Wala silang ideya kung ano at sino 'yong Dékee na 'yon — strange name, right? So as they thought.

Nang bumabalik na si Manley ay kaagad nilang binawi ang mga tingin at ang mga humahabang leeg. Mabilis nilang ibinalik ang tuon sa pagkain at parang hindi nanenga at nangtsismis.

“Okay na...” nakangiting sabi ni Manley at ipinagpatuloy na niya ang pagkain. Angas makangiti, parang hindi nasaksak kagabi, a!

DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon