Saglit lamang nang makarating sila sa unibersidad nang hindi namamalayan. Nagsimula na ang graduation at buong program ay tugtog lang ng graduation march ang maririnig at saka ang kinanta nilang graduation song matapos ang nakababagot na speeches ng mga guest speakers, professors at kung sino-sino pang may kinalamang personalidad.
Pagkaraa'y binati na rin sila sa wakas sa kanilang tagumpay at inihagis na ang mga balanggot na toga paitaas, mataas gaya ng kanilang mga pangarap. Cinongrats si Jam ng mga kapatid, ng kanyang Papa at maging si Auntie MarieBeth at Déniel Kyrid.
"Congrats sa 'tin," saad ni Jam sa binatang lumapit sa kanya nang nakangiti.
Lalong napangiti si Déniel Kyrid at nagpaalam kay Mule. "Sir Mule, hiramin ko lang saglit 'tong anak n'yo. Ibabalik ko rin po, promise!" Hinatak na niya ang nagpahatak namang si Jam.
"Hoy!" sigaw ni Mule sa dalawa pero pinigilan siya ng apat niyang mga barako.
"Ha ha ha ha!" tawanan ng apat dahil hindi na nakawala si Mule sa pagkakaimpit nila nang mahigpit hanggang sa makalayo nang sobra sina Déniel Kyrid at Jam Cicely.
Mayamaya ay tumakbo si Mythes palayo at nagtungo roon sa nakita niyang magandang spot. "Hoy, picture-an n'yo nga ako!" sigaw niya sa mga kapatid at nagpulasan na ang mga ito sa pagyakap kay Mule.
"Picture-an mo rin ako," takbo ni Myles papunta kay Mythes na nagustuhan niya rin ang view'ng 'yon.
"Osigesige," sabi ni Mythes at nag-picture-an na sila.
Si Malyk na pupunta na rin sana sa dalawa ay hinawakan ni Manley sa bisig. "Kuya Mal, samahan mo 'ko umihi."
Inalis ni Malyk ang kamay ng kapatid sa bisig niya. "Ayoko, papa-picture din ako. Kaya mo na 'yan," sabi pa nito't humangos na rin palapit do'n sa dalawa.
Padabog na umalis ang binata at nagpaalam sa ama na iihi lamang. Hinayaan niyang magkuwentuhan ito at si MarieBeth. Samantala, parehas lang sila ng tinatahak na direksyon nina Déniel Kyrid at ng ate niya.
Sa kabilang banda, ang magkakapatid na sina Storm, Thunder at Rain ay natanaw ang parehong direksyon na tinatahak no'ng tatlo.
"Balita ko, hindi raw totoong magkapatid si USC Chairman at Dévi Kycee. Ang totoong kapatid ni Dévi Kycee ay si Manley," panimula ni Rain.
Si Storm naman ang sumegunda at gumatong pa, "They just fooled you, nagpauto ka naman. S'yempre magkakaibigan 'yan, magsasabwatan talaga 'yang mga 'yan. Pinagtripan ka nilang lokohin. Well-planned. Nagpaloko ka naman, naniwala kang mag-jowa sina Manley at Dévi Kycee..."
"Jam Cicely is her real name, Storm." Rain's correction.
"Yeah, right." Storm nodded, "Jam."
Siniko ni Rain si Thunder. "Ano? Titingin ka na lang d'yan? Wala kang gagawin? Hahayaan mong zero score ka na lang? Pwede mo pang agawin 'yan, o! 'Di pa naman sila..."
Nag-apir pa ang dalawang nakangising sina Storm at Rain nang makitang sinundan ni Thunder ang tatlo. Nagpahabol na sabi pa ito ng, "Good luck, bro!" dahil alam nilang umuusok na sa galit ang kapatid.
Lumiko sina Jam at Déniel Kyrid nang makakita ng matatambayang bench. Si Manley naman ay hindi na pinansin pa ang dalawa dahil mas iniisip niya ang pantog niyang malapit nang sumabog kapipigil ng ihi.
Nang makalipas ang ilang saglit nang pagkakaupo ng dalawa ay nagsalita na si Déniel Kyrid kasabay nang pag-ihip ng mainit na hangin. "Décee, I mean... Jam, hay... hindi ako sanay."
"Just call me what you want to," Jam gaze on him as she let out a sweet smile.
Huminga nang malalim ang binata at nang lumakas ang loob ay nagsimula na itong magwika. "Okay, Décee... after na malaman mo, that truth about yourself. I've given you time para makasama mo ang real family mo. Actually, ngayon na lang ulit tayo magkakausap ng kagaya nito, right? Um, hindi man tayo madalas magkausap after that, dahil sobrang busy at parehas tayong graduating, masaya ako. Masaya ako dahil nahanap mo na ang matagal nang hinahanap ng puso mo. Thankful ako dahil hindi ka nagalit sa'kin though lagi kong pinag-iisipan kung paano at saan ko sisimulan. Natakot ako, oo... 'yon talaga, feeling ko natakot lang talaga akong mawala ka... pero 'yong feelings ko para sa'yo..." he sighed gapingly, "'yon ang hindi nawala."
"Dékee, sorry..." Jam's sort of nervous.
Lumakas ang kabog ng dibdib ni Déniel Kyrid at kinakabahan sa naging sagot ng binibini.
"Sorry sa about sa'min ni Manley... I just wanted to protect you, ayokong may mangyaring masama sa'yo. Pumayag akong ligawan ni Thunder dahil pinagbantaan niya 'kong may mangyayaring masama sa'yo 'pag 'di ko sinunod ang gusto niya..."
"Enough, alam ko na 'yan. Nasabi na sa'kin ni Manley," ngiting saad ni Déniel Kyrid at nakangiti nang maluwag.
"Don't worry, I always got my coolest Papa and brothers on my back." Tinitigan sa mata ni Jam Cicely si Déniel Kyrid. "Hindi na 'ko matatakot ngayon..." suminghap saglit, "at - hindi rin ako matatakot na... aminin ang nararamdaman ko sa'yo."
Makalipas ang tatlong segundo nang pagtititigan at dinig sa taingang paghinga ay nagkasabay silang bigkasin ang katagang "I like you" at "Gusto kita". Natulala muna sa isa't isa bago matawa nang ma-realize na sabay na sabay ang pagkakasabi nila ro'n.
"We're far from tito Mule, right?" Déniel Kyrid asked as their laughs already faded away.
"Mm-hmm." Jam Cicely looked down shortly but she looked up again and smiled as she gave the man a head nod.
"Can I-?" asked Déniel but before he finish his words, his lips were trapped in a cosseted kiss.
". . ."
Nang masiyahan si Jam Cicely ay inalis niya na ang labi niya sa labi ni Déniel Kyrid.
Muling nagsalita ang binata at tumutol, "No, I mean... ako dapat 'yong unang ki-kiss sa-"
Pero bago pa ito magtagumpay na matapos ang salita ay muling idinampi ng dalaga ang labi nito sa kanyang labi para matahimik na sa kadadaldal. Upang mas lalong masiyahan ay inalis nito ang salamin nang binata at ipinagpatuloy ang maalab na paglalapatan ng mga labing nahumaling na sa tamis ng unang halik.
Lahat - ang buong eksenang iyon ay natunghayan ni Thunder.
BINABASA MO ANG
DEADLY HABITS • THE PLAYBOY ERA
General FictionSPG | R-18 | Mature Content After losing their daughter, Mr. and Mrs. Tiu find solace in each other. When they're blessed with quadruplets, Mule Aidren, a PISA agent, faces a tough choice between family and work. The sons-- Malyk, Mythes, Myles, and...